His Possessiveness/C2 CHAPTER ONE
+ Add to Library
His Possessiveness/C2 CHAPTER ONE
+ Add to Library

C2 CHAPTER ONE

"Dyan ang kwarto mo. Okay? Katabi lang naman ng kwarto kaya kung may kailangan ka, just knock. Magluluto lang ako!"

"Salamat Alice! Love you girl!" sigaw ko. Nilibot ko ang tingin sa kwarto at talagang hindi ako maka-move on.

Mas malaki pa 'to sa sala namin sa bahay at may sarili pang CR. may maliit na TV at table with chair. May closet din para sa mga gamit. Kulay pastel pink ang wall at ang tiles ay white. May maliit na chandelier at curtains na yellow gold.

Sobrang pasasalamat ko talaga kay Alice. Ang ganda rito!

Inayos ko na ang aking mga gamit at maging ang ayos ng kwarto. Masyado kasi akong maarte sa kwarto, sa totoo lang. Inayos ko lang naman ang mga pwesto nito para magandang tingnan. Makalipas ang isang oras ay napaupo ako sa kama sa sobrang pagod. Napangiti ako sa kinalabasan. Maluwag na lalo ang kwarto.

Napalingon ako sa pinto nang bumukas 'yon.

"Okay ka pa ba dyan? Kain na tayo, nakaluto na ako."

Tumayo ako para lumapit sa kanya. Humawak ako sa kanyang braso habang naglalakad.

"Okay lang! Sobrang ganda at laki ng kwarto na 'to for me. Sobra na 'to, Alice." Pinisil niya ang pisngi ko at sumimangot sa akin.

"Ano ka ba! Wala lang ito kumpara sa mga ginawa mo sa akin. First is pagligtas sa akin noong may snatcher. Then, sa study ko! Half sister kita, one fourth bestfriend, and one fourth tutor sa lahattttttt! Kaya mwa!" Napapikit ako nang halikan niya ang aking pisngi nang ilang ulit. Paborito niya talaga ang aking pisngi.

Bigla kong naalala 'yung muntik na siyang manakawan ng bag. Mabuti na lang at may dala akong baseball bat kaya napalo ko sa paa 'yung lalaki. Isa kasi akong student council president at baseball player noong kolehiyo. Trip ko lang naman ang paglalaro non dahil kailangang may sport na salihan.

"Pero salamat pa rin. One day, masusuklian ko lahat ng 'to. Basta I love you!"

"And I love you too! Drama natin, ikaw kasi. Tikman mo ang adobo ala Alice! Dali!"

Napairap na lang ako sa kalukahan niya. Habang pinapapunta niya ako sa kusina ay napatitig ako kay Alice. Napakabait at masayahin ni Alice. I'm so lucky to have her as my sister. Not by blood but my soul and heart.

"Hoy! Gandang-ganda ka na naman sa akin. Alam kong pretty ako, guys on the clubs always tell that to me. Kumain na nga tayo," natatawa niyang sabi.

Medyo wild nga lang si Alice, kaya lagi ko siyang binabantayan. Baka kasi kung ano-anong gawin mahirap na at para siyang kabayo na minsan lang nakakalabas.

Namangha ako sa mga nakahanda sa mesa. Adobo, sinigang, fruit salad at kanin. May tubig at orange juice rin. Masyadong marami 'yon para sa amin. May fiesta ba?

"Ang dami naman, baka masayang. Pwede pang ulam yan sa susunod."

Binigyan niya ako ng plato at inirapan.

"Kasi naman, training mo na bukas. And kailangan mo ng energy! And you will start to diet. Kaya lubusin mo na, baka ma-miss mo kumain ng mga meat," paliwanag niya.

Oo nga pala, bukas na 'yon. Nakatulala akong sumusubo ng pagkain. Nami-miss ko na agad si nanay.

Kahit na! Kinakabahan ako sa totoo lang, Alice. Paano kung magkamali ako?

Kaya ko ba talaga? Isang linggo na wala ako sa bahay...

Oo naman no, nega ka lang talaga. Para akong kinakain ng kaba naiisip ko pa lang na haharap ako sa agency bukas.

"Hoy! Hindi ba masarap? Pero masarap naman yan, you know. Pinag-aralan ko naman 'yan a"

"Wala naman akong sinasabi na iba, baliw. Iniisip ko lang kung..."

"Kung kaya mo ang training? Nami-miss mo si tita?"

Tumango ako dahil totoo naman. First time na malalayo ako sa kanya nang matagal. Nag-aalala rin ako baka pabayaan nya ang sarili nya.

"Baka nakakalimutan mo girl, para kay tita itong ginagawa mo. So, need mo talaga magsakripisyo. Okay? Kumain ka diyan para ready ka na bukas. Maaga tayo para mag-jogging so, be ready." Kinindatan niya ako at tumayo siya para ilagay sa lababo ang pinagkainan.

Oo nga naman, para 'to kay nanay. Kaya mo 'to Sandra! You're born to be strong!

Pero... jogging? Hindi ko hilig ang pag-e-exercise sa totoo lang. Masiyado akong tamad para gawin pa 'yon.

"Kailangan ba talaga 'yon?" Hinampas niya ang aking braso kaya naman napangiwi ako. Napakasadista ng babaeng ito. Hindi ko alam kung bakit ko siya naging kaibigan.

"Malamang gaga ka! Para mas maging fit ang katawan mo. And mabanat naman ang buto mo. Basta gagawin natin 'yon." Tumango na lang ako at kumain nang tahimik.

Tamad ako mag-exercise except kapag kinakailangan talaga. For example, sa university 'yung mga subjects doon. Pero kung para lang maging sexy or what, hindi ko na iniisip 'yon.

Mas gusto ko mag-aral o kaya tumulong kay nanay sa pagtitinda. Nababanat naman din naman ang buto ko sa paglilinis at pagtitinda.

Pagkatapos ko kumain ay nagligpit ako ng mga pinagkainan namin dahil nakakahiya kay Alice.

"Bakit ka nagliligpit? You're my visitor! Gaga ka girl!"

"Mas gaga ka, nagliligpit lang naman ako kung makapag-react ka naman. Nga pala, wala akong magagandang damit. Kailangan ko bang bumili?"

Hindi ko naman kasi hilig bumili ng magagandang damit. Okay na sa akin ang t-shirt at short.

Baka rin magkulang ang pera ko kung bibili ako. Gusto ko kasi mag-share kay Alice ng bills. Nakakahiya rin naman sa kanya. Alam kong mahal ang bayarin dito sa condo niya lalo na at sikat itong building na pinagtatayuan nito.

"May mga maliliit na akong damit d’yan at hindi na ginagamit. Iyo na lang! Tumangkad kasi ako kaya bitin na," nakapamewang niyang sabi.

Mas matangkad siya sa akin at mas maganda ang katawan. Alagang gym siya dahil nga model din siya pero minsan lang. Mas focus siya bilang manager ng agency nila.

"Gusto sana kita sa agency namin, e. Kaya lang, hindi pa kami tumatanggap since 50 models na ang trainee sa amin. But! My bestfriend, Zsiandra, can take care of you. Mas sikat ang agency nila, kaya alam kong magb-boom ka." Tumango ako sa kanya dahil alam ko naman 'yon. Kasisimula pa lang ng agency nila last year. And it's still growing.

"Salamat sa lahat Alice! I owe you a lot." Niyakap niya ako at tinapik ang aking likod.

"Mas nagpapasalamat ako sa'yo. Love you girl! O siya, tama na 'yan. Matulog ka na or kung ano pang gusto mong gawin, gawin mo. Basta ako, beauty sleep na. I'm tiredddddddd!" saad niya at pumasok na sa kwarto niya.

Pagkatapos ko maglinis ng mesa ay pumasok na rin ako sa kwarto. Gusto ko sanang tawagan si nanay kaya lang wala na akong load. Bukas na lang siguro.

Napatingin ako sa orasan at 8:47 pa lang pala. Ang aga naman matulog ni Alice. Kinuha ko ang phone ko at nag-facebook muna.

"Sino 'to?" bulong ko. May nag-friend request sa akin at hindi ko siya kilala. Jace? Jace Evangelista?

Sino ba 'yon?

Napakamot ako sa kilay ko nang maalala ko kung sino 'yung Jace. Ang makulit na lalaki sa bar.

Ni-confirm ko na lang dahil siguradong kukulitin niya ako. May message na kasi siya message request ko na i-confirm ko na siya. Super kulit niya, bagay sila ni Alice.

Pagkatapos ko i-confirm ay pinatay ko na ang phone ko. Wala na naman akong gagawin. Wala naman akong ka-chat. Buhay ng single, pero okay lang. Mas priority ko ang pagtatrabaho saka na ang lovelife at dadating din naman yon sa tamang oras.

Nagdasal ako nang mataimtim at humiga. Hindi kasi ako makakatulog nang hindi nagdadasal, pero ngayon hindi pa rin ako inaantok bakit ganon.

Nakailang ikot na ako sa kama pero 'di pa rin ako makatulog. Niyapos ko ang aking unan at pumikit. At tuluyan na akong hinila ng antok...

***

Napatayo ako bigla nang may marinig na tunog ng bumbero.

"Anong nangyayari?!" sigaw ko. Padabog akong umupo sa kama at sinamaan ng tingin si Alice nang makita kong may hawak siyang speaker.

"Grabe, ang epic ng face mo. Tumayo ka na at magbihis ka na at bumaba agad-agad. Jogging na tayo, I'll give you 15 minutes! Bye girl!" The heck! 15 minutes? Asong ligo gano'n?

Dali-dali akong naligo at nagsuot ng black sweat shirt na may ternong black short na cotton. Adidas ang tatak, favorite ko talaga ito.

"Sandraaaa! Dalian mo diyan! Gutom na gutom na ako girl! Daliiiii!" sigaw niya mula sa kusina.

Nagsusuklay akong lumabas at nakasimangot. Kainis talaga 'tong si Alice.

"Ano? Ang tagal mo ha! Sabi ko kagabi, maaga! Sisikat na ang araw, nandito pa rin tayo. Ay nako! Ang breakfast natin ay tuna sandwich at vegetable salad. And drink water! Masanay ka na," saad niya habang naglalagay ng dressing sa salad niya.

Napapangiwi na lang ako habang kumakain siya. Hindi ko ata kaya kumain ng vegetable salad. Kumain na lang ako ng dalawang sandwich at uminom ng tubig.

"Hanggang dalawang sandwich lang, ha? Malaki kasi ang tinapay, you know. Let's go na!" Tumango ako at kinuha ang bote ng tubig ko.

Lumabas kami ng building at sumalubong sa akin ang lamig ng simoy ng hangin. Medyo madilim pa kaya hindi pa mainit. Siguradong sasakit ang katawan ko nito.

Nagsimula na akong sumunod kay Alice na mag-jogging. Nakasuot ako ng earphone at dinadama ang tugtog habang natakbo.

***

"T-Time is up! Break na m-muna tayo," hingal na sigaw ni Alice at umupo sa bench. Padabog akong lumapit sa kanya dahil kalahating oras na kaming natakbo bago niya pa maisipan na magpahinga.

"G-Grabe ka naman! Sobrang hard mo maging trainor or w-what. Whoo!" sigaw ko. Para akong mauubusan ng hininga kaya napainom ako ng tubig.

"OMG! Girl look o! Siya 'yung guy sa bar! I think he is attracted to you!" Napalingon ako sa lalaking tinuturo niya at nakita ko itong nakasuot ng black sando at blue short.

Pawis na pawis din ito habang may kausap sa cellphone. Nag-jo-jogging din ata siya.

"Tumigil ka nga, nakakahiya ka. Baka isipin no'n tayo pa ang may gusto sa kanya. Bahala ka na riyan!" inis kong sabi at nagsimula nang mag-jogging.

"Defensive mo gaga! Hintayin mo ako!"

Tumakbo na ako para hindi niya ako maabutan. Hindi ko naman talaga siya gusto. Mukha kasing ano... masungit!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height