His Possessiveness/C3 CHAPTER TWO
+ Add to Library
His Possessiveness/C3 CHAPTER TWO
+ Add to Library

C3 CHAPTER TWO

ZAKI

"Yeah, I'm just jogging here. I'll go there at 7 AM." I put my cellphone on my pocket.

Lagi na lamang nabalik ang grupo na iyon sa bar. Gumagawa lang naman sila ng gulo.

"Defensive mo gaga! Hintayin mo ako!"

Napatingin ako sa dalawang babae na natakbo. I focused my eyes on the girl wearing a black outfit. Cute...

Napailing na lang ako at nag-jogging pabalik sa condo unit. I'm going at the bar again to face the trouble. Wala ng bago at sakit sa ulo ngayon ang mga kabataan.

I put my bottle on the kitchen and get my Gatorade. Hindi mawala sa isip ko ang babae kanina. I think she's familiar.

Naligo agad ako at nagbihis. I need to go in the bar. Baka mas lalong pang lumala ang problema.

***

I parked my car at the parking lot of JAZ, the name of our bar and cafe. Pumasok ako sa loob at sinalubong ako ng sigawan.

"Mabuti naman at nandito ka na! Ang kulit kasi nina Cj, sinabing hindi pa bukas ang bar e. You know" Nilampasan ko si Jace dahil ang daldal niya.

"Dude! Kausapin mo nga!" bati sa akin ni Andrei. Jace, Andrei and Zaki are the acronym of JAZ.

"Yeah, close the bar and check our cafe. Kakausapin ko lang," utos ko sa kanila.

"Sungit!" rinig kong bulong ni Jace. Sinong hindi maiinis sa ganitong salubong sa umaga?

Pumunta ako sa table at nakita ko roon ang waiter namin na pinipilit ng grupong iyon.

"Gusto ko sabi ng vodka! Bingi ka ba ha? Customer mo ako! Dapat tinatanggal ka na e," galit na sabi ni Cj. Leader kuno ng kanilang grupo.

"S-Sir!" Tinanguan ko ang waiter at sinenyasan na umalis na.

"What's the problem here? Ang aga-aga niyo, hindi pa kami bukas for customers," mahinahon kong sabi. This kid really getting on my nerves.

"Huwag mo kaming gamitang ng English mo! Sa gusto naming mag-bar e! Hindi ba mga tanga?" tanong niya at tiningnan ang tatlong binatang lalaki sa likod njya. His minions...

"Mga bingi ba kayo? Tinatanong ko kayo mga tanga talaga!"

"P-Pasensya n-na boss, a-akala ko kasi siya ang s-sinasabi mong tanga," utal na sagot ng isa at tumingin sa akin.

"Tanga talaga! Letse!" galit na sabi ni Cj at padabog na lumabas.

Ang tanga nila...

Tumigil ako sa counter at hinarap ang ilang waiter.

"Lumabas na sila, continue working." Bakit ba ganoon na ang mga kabataan,nakakaperwisyo sila ng mga nagtatrabaho nang maayos.

Hindi ko na hinintay ang kanilang sasabibin. Lumabas ako at tumungo sa café, sa kabilang building lang naman ang yon. At bukas ang cafe around 6 AM to 9 PM while the bar is 4 PM to 12 AM. Marami naman kaming employee na handing magtrabaho lalo na at maganda ang benefits.

JAZ is a decent bar. We're not implementing women prostitute or any way of direspecting the women and man, except kapag gusto talaga nila. Nasa tamang pag-iisip pa kami para respetuhin sila.

And this is a high class bar. Hindi ito basta-bastang bar na basta kang papasok. We need an ID in order to go here inside.

"Kamusta? Ang tindi talaga ng mga yon," bati ni Jace. As usual, he's wearing the friendly smile. Hindi ko alam kung hindi ba sumasakit ang panga niya kakangiti.

"Wala na sila, nagtangahan lang sila sa isa't isa. Nasaan ang reports?" Every week ay lagi kong ni-c-check ang sales. Pinakamalaki pa rin ang share ko sa business naming tatlo. Okay lang naman sa kanila since ako talaga ang nagsimula nito at sumali sila.

Forty percent ang akin, samantalang sa dalawa ay tig-thirty percent. Kung wala silang dalawa, the bar and cafe will not be successful. I'm still thankful to them, even though they're so annoying.

Bigla na lang pumasok sa isip ko ang babaeng naka-black kanina. Sa tingin ko ay bago lamang siya.

Napailing ako at huminga nang malalim. I need to work! Time is gold and I need money.

SANDRA

Nakasimangot ako habang nagsusukat ng heels ni Alice dahil tuloy pa rin ang pang-aasar niya sa akin tungkolsa lalaking yon. Ni hindi ko nga kilala ang lalaking yon.

"Tigilan mo ako Alice ha, kung hindi ay ipapaltok ko sa iyo 'tong heels. Hindi ko nga sabi crush!" sigaw ko. Natahimik siya at pilit na pinipigil ang tawa niya.

Hindi ko talaga alam kung paano ko siya nakilala at naging kaibigan, parang nakakapagsisi rin.

"Sorry na! Anyway, bukas dadalhin na kita kay Zia. Sa ngayon mamili ka muna sa mga damit na pwede mong suotin tomorrow. And please, wake up early ha? Hanapin ko lang make-up ko na hindi ginagamit." Tumayo ito at pumunta sa kwarto niya.

Pagod akong sumandal sa couch dahil kanina pa ako na nagsusukat. Pumunta akong kusina para kumuha ng tubig. Nakakapagod talaga, sana kayanin ko hanggang dulo. Sabagay wala namang trabaho na madali.

"Dalian mo na Sandra! Here na 'yung make-up. Let's try this!" rinig kong sigaw sa akin ni Alice Ang babaeng yon talaga parang machine gun ang bibig sa lakas ng boses.

Pumunta agad ako sa sala at tiningnan ang sinasabi niya. At umupo sa kanyang harapan para maayusan niya ako.

"Pikit! You know, kailangan na may alam ka about make-up. Bago ka pa lang, so hindi pa natin alam kung anong mangyayari. Turuan na lang kita ng basics," saad niya.

Tumango ako, kaunti lang kasi ang alam ko lalo na at hindi ko hilig na maglagay sa aking mukha. I'm okay with my face.

Twenty minutes later, natapos din ang pag-aayos ni Alice sa aking mukha. At parang hindi ko makilala ang sarili ko.

Napahawak ako sa aking mukha at ilang ulit na pumikit. Medyo gumanda ako, thanks to the make-up. Iba talaga ang make-up, nakaka-boost ng confidence.

"OMG! Ganda mo talaga! Hays, sarap mong ayusan, Sandra. Kung pwede lang hiramin ang ganda, minu-minuto ko na hihiramin. Hays..." drama niya na ikinatawa ko.

Napairap ako dahil maganda naman talaga siya. Hindi lang siya naniniwala since iniwan siya ng ex niya for someone na mas maganda sa kanya. Ayaw niya kasing maniwala na amy diperensya sa mata ang ex niyang yon.

"Maganda ka kaya! Alam mo ikaw, napaka-bitter mo, e. I'm sure nagsisisi na 'yung ex mo dahil iniwan ka niya. Who you siya ngayon!" Nagtawanan kami at nag-apir.

"I know right! Just kidding! May pupuntahan nga pala ako, ikaw muna here. Just call me if there's a problem. Okay? Babush!" Kaya pala nag-make up din ang loka dahil may lakad. Siguro pupunta 'yon sa bar since it's 4:35 PM na. Taong bar na talaga si Alice kung wala siya sa mall o trabaho.

Ang bilis ng oras, makapagpa-load na nga lang muna. Miss ko na talaga si nanay. Pumunta akong kwarto at kinuha ang aking wallet.

Sumakay ako ng elevator para bumaba. At mukhang swerte ako dahil wala iyong sakay.

Nang marinig ko na ang pagtunog ay lumabas na ako. Nakita ko si kuyang guard, kaya naisipan kong magtanong kung saan may tindahan dito. Hindi pa ako familiar sa lugar na to at baka maligaw pa ako.

"Uh, kuya! Saan po rito ang may pa-load-an na tindahan?"

"Straight niyo lang po ang kanan, ma'am." Itinuro niya ang direksyon kaya nagpasalamat ako.

Nang marating ko ang tindahan ay nagpa-load ako at agad na tinawagan si nanay.

"Hello nanay!" masaya kong bati.

["Ikaw pala 'yan anak! Kamusta ka na riyan? Okay ka lang ba? Kumaka"]

Napatawa naman ako dahil hindi siya matigil sa pagtatanong.

"Tama na nanay! Okay lang po ako rito at nakain nang maayos. Kayo ba? Baka hindi na kayo nagpapahinga ha?"

Minsan kasi ay trabaho na lang siya nang trabaho kaya nasakit minsan ang kanyang likod at paa. Kahit sinasaway ay ayaw pa ring magpahinga dahil makulit talaga.

["Oo 'nak, ginagawa ko ang mga bilin mo. O siya! Magtitinda pa ako, tawagan mo ako kapag may problema, ha? Ingat ka riyan!"]

"Opo, kayo rin! 'Wag kayo magpapagod, baka magkasakit kayo. Ingat nanay!" Pinatay na nito ang tawag. Hindi kami open sa isa't isa at nagpapalitan ng 'I love you' pero pinaparamdam naman namin. Nahihiya rin kasi akong magsabi minsan, hindi lang naman ako ang ganito.

Ang tatay ko ay namatay na noong pitong taon pa lang ako. May sakit kasi siyang pneumonia. Sabi ng iba, ay sobrang close raw kami sa isa't isa. Siya kasi ang nag-alaga sa akin dahil si nana yang nagta-trabaho kaya mas malapit ako sa kanya, tipong kasama niya ako kung saan man siya pumunta.

Napangiti na lang ako sa aking iniisip. Miss ko na si ama, saying at maaga siyang nawala sa amin.

"Uh, if you don't mind miss, can you move? Hindi kasi ako makapasok dahil nakatigil ka riyan sa daan," saad ng lalaki. Nagutla ako kaya dali-dali akong tumabi dahil sa pagkapahiya.

"Nako, s-sorry... po!" Napatulala kong sabi dahil namukhaan ko ang lalaki. Walang iba kung hindi ang inaasar sa akin ni Alice. Si Mr. Sungit!

"Are you okay? I need to go." Naglakad na ito patungo sa loob ng building at napakamot ako sa aking kilay.

Umiral na naman ang kabaliwan ko. Nahahawa na talaga ako kay Alice. Kung ano-ano kasing mga naririnig ko sa babaeng yon.

"Sandra, kumalma ka," bulong ko sa aking sarili. Ramdam ko ang mabilis na kabog ng aking puso. Teka, bakit ba ako kinakabahan?

Pumasok na ako at tumungo sa unit. Kailangan ko na atang itulog 'to.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height