His Possessiveness/C4 CHAPTER THREE
+ Add to Library
His Possessiveness/C4 CHAPTER THREE
+ Add to Library

C4 CHAPTER THREE

Nagising ako sa malakas na katok na may kasama pang sigaw. Walang iba kung hindi ang kaibigan ko.

"Sandra! Kakain na tayo! Faster!" sigaw ni Alice at may kasamang malakas na katok.

"Oo na! Mag-aayos lang!" sigaw ko pabalik. Tiniklop ko ang kumot at inayos ang aking buhok.

Paano kaya ako makakatulog nito mamaya? Siguradong hindi ako aantukin dahil ang haba ng naitulog ko.

Lumabas ako at napangiwi nang sumalubong sa akin ang mukha ni Alice na nakasimangot. Miski ata sinong magaling na pinto ay hindi maiipinta ang kanyang mukha.

"Nagugutom na ako, ang tagal mo!"

"Bakit kasi hindi ka na naunang kumain? Baliw ka talaga! Kasalanan mo rin naman." Umupo ako sa tabi niya at nagsimula nang sumandok ng pagkain.

"Syempre, minsan na nga lang tayo magsama, e. Anyway, gulay and tuna muna tayo. Kain ka na!" Tumango ako at tahimik na kumain.

"Nga pala, what time tayo bukas? Pwede na kaya ang strappy red dress with slit? Tapos, heels na black? I'm not really good at color, help me," saad ko. Hindi ako magaling pumili ng mga damit kaya kailangan ko talaga ng tulong. Baka hindi ako tanggain dahil wala akong gaanong alam sa fashion.

"Sure! I got you girl! Dapat 9 PM nandoon na tayo so, mga 7:30 mag-ayos ka na. Okay?" Tumango ako at nagsalin ng tubig.

"Ako ang magliligpit, you can rest now. Look at your eyes, halatang pagod ka. Ano ba kasing ginawa mo?" nag-aalalang tanong ko.

"Okay, fine! Soon, I'll tell you. But for now, I need to sleep, maaga tayo bukas. Pagkatapos mo diyan, rest ka na ulit. Bye! Mwa!" Hinalikan niya ako sa pisngi at pumasok na sa kanyang kwarto. Ang babaeng yon talaga sobrang malihim. Hindi kaya about sa lovelife niya ang problema niya kaya ayaw pa sabihin?

Pagkatapos kong kumain ay niligpitan ko na ang mga plato at dumeritso na sa kwarto. May Wi-Fi naman dito kaya makakapag-facebook ako.

I wonder kung ano ng meron sa facebook account ko dahil malimit akong gumamit. Pagbukas ko ay sunod-sunod na notification ang lumabas. Puro react sa picture ko at comment. Napatulala ako nang makita na two thousand ang reacts at hundreds ang comment.

Ano'ng nangyari? May reactors ako, pero hindi lalampas ng isang daan.

Dahan-dahan kong pinindot ang notification na may page na nag-tag sa akin. At sa gulat ko ay agency ito ni Zia, ang kaibigan ni Alice. Kaya naman pala!

At isa sa nag-mention sa akin sa comment section ay si Jace. 'Yung lalaki sa bar...

Napangiti na lang ako nang mapakla. Syempre, magiging sikat ako dahil sa agency hindi dahil sa sarili ko.

Madaming nagkomento na ang ganda ko raw, ang puti ko raw, at iba pa. Syempre, hindi mawawalan ng hindi magandang comment. Mas pinili ko na lang na mag-log out kaysa sa makita ang mga peke nilang comment.

Tumayo ako at tiningnan ang sarili sa salamin. Alam kong hindi ako kagandahan, at hindi ako sexy. Gusto ko kasi talagang maging model, at si Alice ang nag-push sa akin kahit may doubt at insecurities ako sa sarili ko.

Naglinis na ako ng katawan at humiga na nang maayos. What should I do?

Umupo akong muli at nagpatugtog. Everytime na mag-isa ako, music is my bestfriend.

Can I call you baby?

Can you be my friend?

Can you be my lover up until the very end?

Let me show you love, oh, I don't pretend

Stick by my side even when the world is givin' in, yeah

Sinabayan ko ang kanta at tumungo ako sa veranda. Binuksan ko ang sliding door at sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Dahil nga gabi na ay tanaw ko ang mga bituin at buwan na nagbibigay liwanag sa jalangitan. Ang tahimik, makakapag-isip ka talaga tungkol sa mga bagay-bagay.

Oh, oh, oh, don't

Don't you worry

I'll be there, whenever you want me

I need somebody who can love me at my worst

No, I'm not perfect, but I hope you see my worth

Pumikit ako habang kumakanta. Dinama ko ang hangin at tugtog para mawala ang mabigat sa aking dibdib. I need to trust myself in this battle.

"... my worth..." Napamulat ako nang marinig na may kumanta kasabay ng tugtog. Lumingon ako sa veranda ng kabilang unit.

'Cause it's only you, nobody new, I put you first

And for you, girl, I swear I'll do the worst

If you stay forever, let me hold your hand

Napaawang ang aking labi nang makita si Mr. Sungit. Iniwas ko ang aking tingin at kumanta na lang habang kasabay siya.

I can fill those places in your heart no else can

Let me show you love, oh, I don't pretend, yeah

I'll be right here, baby, you know I'll sink or swim

Nagkatinginan kaming muli at ngumiti siya sa akin. Ramdam ko ang kakaibang init sa aking mukha. Nag-ba-blush ba ako? Jusko!

Oh, oh, oh, don't

Don't you worry

I'll be there, whenever you want me

I need somebody who can love me at my worst

No, I'm not perfect, but I hope you see my worth, yeah

Hindi na ako kumanta at pinakinggan ko na lamang ang malamig na boses pero swabe ni Mr. Sungit. Para siyang nanghehele sa bawat bigkas niya at hindi ko maiwasang mapapikit.

'Cause it's only you, nobody new, I put you first (put you first)

And for you, girl, I swear I'll do the worst

I need somebody who can love me at my worst

"By the way, I'm Zaki. Nice to meet you." Napamulat ako at nakitang tumalikod agad ito. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari at narinig ko na lang ang tunog ng sliding door.

Zaki? Ang gwapo ng pangalan, sabagay gwapo naman talaga siya. Ang gwapo talaga ng lalaki sa paningin ko kapag magaling kumanta. Masyado akong malambot sa boses nila.

Pumasok na rin agad ako dahil sobrang lamig at pinatay ang aking phone. Zaki...

"OMG!" tili ko at nakangiting humiga. Mukhang matutulog akong nakangiti ngayon. Nakaramdam ako ng antok kahit kagigising lang, iba ang epekto ng boses ni Zaki sa akin. Napailing na lang ako at niyakap ang aking unan na maliit.

"Goodnightttttttt!" mahaba kong sigaw at natulog na.

ZAKI

I don't know why but I'm smiling like an idiot right now. Nababaliw na ata ako, nagsimula lang naman ito kagabi sa may veranda. That girl

"Baliw ka ba Zaki? Bakit ngiting-ngiti ka riyan? May masaya ba sa pagakatulog ko sa labas ng gate?" Sinamaan ko ng tingin si Jace.

"Why are you here? Sa pagkakaalam ko ay opisina ko 'to at hindi ko na kasalanan kung naglasing ka to the point na sa gate ka na nakatulog." masungit kong sabi. Bakit ba ako na lang lagi ang ginagambala niya? Sakit sa ulo...

Umakto ito na para bang nasasaktan kaya naman pinaltok ko siya ng folder. So gay!

"Grabe ka naman sa akin! Parang hindi mo ako pinsan!"

"Hindi ko rin alam kung bakit din kita pinsan," saad ko.

Isip bata talaga 'tong si Jace pero kahit naman ganyan siya ka-abnormal ay maa-asahan naman.

"Grabe ka na talaga! Aalis na ako!" arte nito at tumayo na.

Sumandal ako sa swivel chair at tumawa. I know na nagda-drama lang yan. Nagiging maingay lang talaga ang opisina ko dahil sa kanya.

"Don't ever come back! Bye!" Napangiti na lang ako nang marinig ang pagdadabog ni Jace pabalik dito.

"Gago ka! Anyway, may kalaban tayo sa bar. And guess what?" ngisi niyang sabi. Napaayos ako ng upo dahil sa aking narinig. Sino naman kaya ang naglakas loob?

"Your great ex-bestfriend at nasa harap ng bar natin ang kanilang bar, ang The Teens," nakangiwi niyang sabi.

"One word comment? Corny!" I checked my phone if there's a message.

"Let's go, I want to see their great bar. Masyado siyang bitter," saad ko.

Justine is my old friend and we part our ways because of his childish act. Hindi niya ako kinausap dahil ang girlfriend niya ay nag-te-text sa akin. It's not my fault, kasalanan n'ya rin naman kung ayaw niyang pakinggan ako. Ayaw n'ya kasing pumili ng matino, puro flirt ang nahuhuli n'ya.

The girls are getting wild and crazy.

SANDRA

Hindi ko alam pero nakangiti akong gumising ngayon. Maybe, because of my neighbour? Excited akong naglinis ng katawan at nag-ayos. Kung ano-anong kaharutan ang sumasapi sa akin.

Napatulala ako nang sandali sa salamin dahil hindi ko makilala ang aking sarili. Parang gumanda ako?

Hinawakan ko ang aking mukha at tinapik-tapik. Grabe, mukhang tao ako.

"Girllll! Okay ka na ba?" rinig kong tawag ni Alice habang nakatok sa pinto.

"Oo, lalabas na ako!" saad ko at muling huminga nang malalim. Pinagpag ko ang aking dress at ngumiti. Kaya mo 'to Sandra!

Binuksan ko ang pinto at wala na si Alice. Siguro nasa sala na dahil nainip sa kahihintay. Hindi kasi ako maalam sa damit pero sana okay lang ang suot ko for her.

Naabutan ko siyang nanonood ng TV kaya naman tinawag ko siya.

"Alice! Okay lang ba?"

"OMG! W-Wait! Ikaw ba 'yan? Sure ka ba? Ganda mo talaga kainis!" Hinaplos-haplos n'ya pa ang aking mukha.

"Grabe ka naman, ako 'to 'no! Baliw ka talaga, anyway tara na. Kinakabahan ako!"

"Grabe talaga, nakakatibo ka. At 'wag kang kabahan, masyado kang maganda para i-reject," pangbo-bola niya sa akin. Inirapan ko siya at nauna nang lumabas.

"Tara na nga!"

"Let's go girl!"

--------

At My Worst

Song by Pink Sweats

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height