C46 CHAPTER FORTY-FIVE
SANDRA
Pinagmamasdan ko si Zaki habang tinitingnan ang mga gamit na nasa paper bags. Naghahanap ako ng isusuot ko kasi mamaya ay may date kami pero napapalingon ako sa kanya dahil naririnig ko ang kanyang mga bulong.
Minsan ay kumukunot ang noo n'ya o kaya ay nakasimangot.
"Zaki, bitawan mo na 'yan. Baka masira 'yang card!" saway ko dahil sa higpit ng hawak n'ya.
"You have so many admirers