HIS VILE CRAVING (A Tagalog Story)/C1 CHAPTER 1: Meet The Playboy
+ Add to Library
HIS VILE CRAVING (A Tagalog Story)/C1 CHAPTER 1: Meet The Playboy
+ Add to Library
The following content is only suitable for user over 18 years old. Please make sure your age meets the requirement.

C1 CHAPTER 1: Meet The Playboy

Dear young readers,

Kung nais mo pa ring basahin ang istoryang ito sa kabila ng aking mga paalala, wala na akong magagawa pa. Subalit pakiusap, maging responsable ka sanang mambabasa dahil hindi ako nagkulang sa paalala.

Hindi ko rin ipino-promote ang sex, droga, pagiging bayolente at pang-aabuso sa kababaihan sa istoryang ito. Ito ay pawang kathang-isip lamang at hindi dapat pinamamarisan.

🌸🌸🌸

NAPANGISI si Akihiro nang marinig ang halinghing ni Chloe, kaya naman mas lalo niyang ginalingan ang pagsisip sa bulaklak nito. Nakahawak pa siya sa magkabilang hita ng babae habang walang tigil sa pagpapaulan ng laway sa korona ng dalaga.

"Damn! You're makin' me crazy, baby. . . Ugh! Damn it. . ." usal ni Chloe tila nawawala na sa katinuan dahil sa sobrang pagkaliyong nararamdaman. Lalo pang humigpit ang pagkakasabunot ng babae sa buhok niya na sinabayan pa nang pagliyad ng katawan. "Please, don't stop, baby. . . I'm. . ."

Hindi na natuloy ni Chloe ang sasabihin dahil nanginig na ang katawan nito, senyales na naabot na nito ang rurok. Ngunit ipinagpatuloy lang ni Aki ang pagsipsip sa masaganang nektar na nagmumula sa magandang bulaklak nito.

Nalasahan niyang manamis-namis iyon at walang kasing sarap. Nang wala nang natira roon ay tumayo siya at umibabaw sa babae. Napangiti pa siya ng makitang hingal na hingal ito at tila hinang-hina. Dumapa siya sa ibabaw nito at saka itinukod ang mga kamay sa magkabilang gilid saka pinagpantay ang kanilang mga mukha.

"I will enter, Chloe, baby. . . Are you ready?" pilyong bulong niya sa babae. Sinadya pa niyang gawing husky ang boses. Mabilis namang tumango ang babae pagkatapos ay hinalikan siya sa labi.

Pinagsaluhan muna nila ang mainit na halik habang ang kanilang mga kamay ay walang tigil sa paghaplos sa mga maseselang parte ng kanilang mga katawan. Napaungol pa si Akihiro nang maramdaman ang kamay ni Chloe na marahas na humahaplos sa kanyang pagkalalaki.

"I love you, Aki. . . Please, enter me. . ." pagsusumamo ni Chloe sa lalaki nang mahinto ang kanilang mainit na halik.

Bakas ang makamundong pagnanasa sa mukha nito ng mga sandaling iyon. Para itong lasing sa pagkaliyong nararamdaman dahil namumungay ang mga mata ng dalaga.

Ngumisi si Aki sa dalaga at saka ipinuwesto ang sarili sa ibabaw nito. At lalo pang sumiklab ang pagnanasang nararamdaman niya dahil sa kaakit-akit na tanawin na natutunghayan niya.

Chloe is gorgeous as hell. Ang mga dibdib nitong may katamtamang laki ngunit tayong-tayo; ang perpektong kurba ng baywang; ang maputi at makinis nitong katawan ay lalong nakadaragdag sa nakababaliw na sensasyon na lumulukob kay Akihiro nang mga oras na 'yon.

Kaya naman lalong naging matikas ang kanyang pagkalalaki, dahilan para gustuhin na niyang angkinin ang mapang-akit na bulaklak na nakalatag sa kanyang harapan.

Hinalikan muna ni Akihiro nang mabilis sa labi ang dalaga bago ipinuwesto ang sarili sa ibabaw nito. Hinawakan rin niya ang magkabilang hita ng dalaga at inalalayan para bahagya pa iyong bumuka.

Ilang saglit pa, ay marahan na niyang iginaya ang pagkalalaki sa nakaaakit na bulaklak sa kanyang harapan. At nang sila'y maging isa, sabay silang nagsayaw sa isang saliw ng musika na sila lang ang nakakaalam.

• • •

"KUMUSTA, kups? Mukhang pagod na pagod ka, ha?"

Napangisi si Aki sa tanong na iyon ng best friend niyang si Heinz. Kasalukuyan silang nasa DISG kung saan siya nagtatrabaho bilang isang undercover agent. Agad siyang dumiretso roon pagkatapos nilang magsiping ni Chloe.

Nakatanggap kasi siya ng text mula sa kaibigan na may emergency meeting na ipinatawag si Mr. Dominguez, ang "big boss" at may-ari ng ahensya.

Alas-sais pa lang iyon ng gabi, at kung tutuusin ay hindi na iyon sakop ng oras ng kanilang trabaho. Hanggang alas-cinco lang kasi ang kanilang working hour.

Pero kapag may tinatapos silang assignments o kaya naman ay may emergency meeting, inaabot sila roon ng dis-oras o kaya naman ay umaga. Depende na lamang iyon sa uri ng assignments na tinatapos.

May tatlong taon na ring nagtatrabaho si Akihiro sa Dominguez Investigative and Security Group o DISG bilang isang undercover agent at isa sa mga pinakamagaling na sniper.

Ang DISG ay isang pribadong ahensya kung saan kaagapay ng iba't-ibang sangay ng ahensya sa Pilipinas, na ang operasyon ay nakasentro sa pagsugpo sa mga illegal activity katulad ng drug smuggling, prostitutions, human trafficking at gun smuggling, kidnapping at iba pa.

Subalit tumatanggap rin naman ang grupo ng mga personal cases gaya ng paghahanap ng mga nawawalang kaanak at iba pa.

Agad siyang nag-apply sa prestihiyosong ahensya na iyon pagkatapos niyang magtapos sa PMA. Nauna ang kaibigang niyang si Heinz na makapasok sa DISG at sumunod naman siya. At masasabi niyang masaya siya sa field na pinili, kahit pa nga ang Mama lamang niya ang sang-ayon roon.

Isang half-American half-Japanese ang kanyang Dad. Samantalang ang Mommy naman n'ya ay Filipina. Ang Daddy niya ay tutol sa kursong pinili niya, ang gusto kasi nito ay manahin niya ang trabaho nito. His father is a successful businessman, na pagbebenta ng mga expensive cars at car accessories ang negosyo nito. Aside from that, ini-export rin nito iyon sa iba't-ibang panig ng mundo.

Subalit ayaw niya nang gan'ong trabaho. Gusto niya, 'yong may action at thrill. Bata pa siya ay gustong-gusto na niyang maging alagad ng batas, maging isang agent. Kung kaya't, ginawa niya ang lahat para makamit iyon kahit pa nga tutol ang sariling ama sa gusto niya.

Nagsalin si Aki ng kape sa tasa mula sa percolator at hinigop iyon. Nasa conference room sila kasama ang ilang agents at naghihintay sa pagdating ni Mr. Dominguez.

Inilapag ni Akihiro ang tasa bago nakangising tiningnan ang matalik na kaibigan. "Istorbo ka nga, kups. Kung 'di ka sana nagtext, baka naka-two rounds pa ako," iiling-iling niyang sagot rito habang nakangisi.

Ngumisi rin si Heinz ng pang-asar sa kaibigan. "Gago! Emergency meeting nga e, hindi ba? Pero sana hindi ka na pumunta rito, kupal ka! Sisisihin mo pa ko," pambabara pa nito bago muling humigop ng kape. "Bakit? Nakailan ka ba?"

"Isa nga lang, e! Com'on bro! Kawawa naman si Polaris ko. 'Di s'ya sanay na nabibitin. Tumatamlay siya, kups!" wika pa ni Aki na parang sising-sisi sa pagkakaudlot nang pakikipagtalik nito kay Chloe kanina.

Napamaang naman ang kaibigan sa sinabi niya. "Sinong Polaris?" clueless na tanong nito.

"Ano ka ba, bro? Wala bang pangalan 'yang sa'yo?" tanong niya sa kaibigan habang iginagalaw-galaw ang swivel chair.

"Ulol ka! Ang alin ba? Anong walang pangalan ang akin?"

"'Yang alaga mo, gago! Mine is Polaris. Gwapong pakinggan, 'di ba? Mana sa may-ari," nangising wika ni Akihiro saka hinimas-himas ang pagkalalaki.

"Fuck you, bro! Kahit kailan talaga puro kalokohan 'yang laman ng utak mo!" natatawang ani Heinz saka nag-akmang babatuhin siya ng ball pen.

"Wow, ha? Kung sabagay, I'll understand you, bro. Gan'yan nga pala ang walang girlfriend. Inaamag ang sex life. Nag-fu-function pa ba 'yan, kups? Baka barado na, ha?" buska pa ni Akihiro rito at umakto pang sinisilip ang pagkalalaki ng kaibigan. Tuluyan naman siyang binato ng kaibigan ng ball pen na sinapol siya sa ulo. "Aray naman? Mahal 'yang ballpen ko. Parker 'yan!" reklamo pa niyang kakamot-kamot sa ulong tinamaan bagaman nakangisi.

"Puro ka kasi kalokohan," anitong umiling-iling pa. "Hindi bale nang walang sex life, ayaw kong magkasakit!"

"Iya! (No!) What do you think of me? Pumapatol sa low class?Tondemonai! (No way!) May taste 'ata 'tong si Polaris ko!"

Pumalatak naman ang kaibigan sa isinagot niya. "Are you sure? Mahirap magkasakit, bro! Alam mo na, laganap ang HIV at AIDS ngayon kahit saan."

"I know, okay? Like what I said, may taste si Polaris ko. And I use protection. 'Tsaka 'di ako kaladkaring lalaki, kups! Itong gwapong 'to?" nakangisi niyang turo sa sarili. "Magmamakaawa sila para lang makipag-one night stand, bro. So chill ka lang, okay?"

Si Heinz ay matalik niyang kaibigan no'ng college. Sabay rin silang pumasok sa Philippine Military Academy at sabay rin na nagtapos, kung kaya't higit pa sa magkaibigan ang turingan nilang dalawa. Saksi siya sa napakaming kaganapan sa buhay ng kaibigan.

Maging ito ay saksi rin naman sa mga pangyayari sa buhay kaya naman gan'on na lang sila kung mabiruan at magbato ng mura sa isa't isa. Isa rin si Heinz sa pinagkakatiwalaan niya bukod sa kaniyang Mommy.

Alam rin ng kanyang matalik na kaibigan ang pagiging womanizer niya. Hindi naman siya kinukunsinti ng best friend nya, pero talagang hindi na niya mababago pa ang pagiging mahilig niya sa magaganda at sexy na mga babae.

That's why naging kabi-kabila ang mga flings at nakaka-one night stand niya. Si Chloe ay isa lang sa mga flings niya na laging ready kapag kailangan niyang mailabas ang sama ng loob ng kanyang alagang si Polaris.

Bukod kay Chloe, nariyan din si Emma, Rossini, Melody, Irish, Trisha, Abigail, Aira, Patricia, Zea at Vanessa. Lahat ng mga ito ay flings niya na hindi rin naman lingid sa kaalaman ng mga ito.

Ang mga iyon ay nakilala niya sa mga bars o kaya naman gatherings na pinuntahan niya. Ang ilan sa mga ito ay modelo, artista at anak ng mayayamang angkan. Kaya't very confident siyang hindi siya basta-basta magkakaroon ng sakit.

Isa pa, gumagamit rin naman siya ng proteksyon at mga ilang safety method para hindi magkaroon ng nakahahawang sakit. Bukod pa roon, ayaw rin niyang magkaroon ng bastardo sa mga ito.

Walang permanenteng karelasyon si Akihiro. Aki doesn't want a long term relationship. All he wanted was to play with different women. Ang gusto lang niya ay matugunan seksuwal na pangangailangan niya, bukod roon ay wala na. Ayaw niya ng responsibilidad.

Wala rin sa isip niya ang pag-aasawa. Ayaw niyang nagkaroon ng anak dahil hindi naman siya marunong magmahal. Ni hindi pa nga niya naramdaman ang magkagusto. Babae kasi ang nagkakagusto at lumalapit sa kan'ya kaya sa palagay niya ay ayos na 'yon.

Ilang sandali pa nga ang lumipas ay dumating na si Mr. Dominguez kasama ang assistant nito. Isa-isa sila nitong binigyan ng folder kung saan nakalagay ang kanilang bagong misyon.

"Okay, gentlemen! As you can see, nakalagay sa folder na iyan ang inyong bagong mga assignments," anang Mr. Dominguez sa mga tauhan habang nakaupo sa pinakasento ng pabilog na mesa. "Kanina lamang ay humingi sa atin ng tulong ang Philippine Drug Enforcement Agency at National Bureau of Investigation upang halughugin ang kalakhang Maynila maging ang mga karatig-lugar dahil sa lumalaganap na drug smuggling and human trafficking sa mga malalaking bars sa Metro Manila. At ayon sa ating source ay pinatatakbo ito ng mga Chinese," mahabang paliwanag pa ng big boss ng DISG.

"Inaatasan ko kayong mag-undercover at pasukin ang bawat bars and clubs na naka-assign sa inyo. Mag-co-conduct tayo ng isang raid at isasagip natin ang mga babaeng ibinibugaw, at huhulihin ang mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Ang layunin ng misyon na ito ay masagip at matulungan ang mga kababaihan at maging drug free ang ating bansa. Maaasahan ko ba kayo?" tanong ni Mr. Dominguez sa mga tauhan.

"Yes, Sir!" magkakapanabay na sagot ng mga ito.

"Okay, good! Iyan lamang. Dismissed!" anang Mr. Dominguez saka nauna nang lumabas ng conference room kasunod ang secretary nito.

Dinampot naman ni Akihiro ang folder at pinasadahan ng tingin ang nakalagay sa bagong assignment n'ya. The Hidden Paradise, basa niya isipan sa nakasulat na club kung saan siya naka-assign.

Ewan rin niya pero nakaramdam siya ng excitement nang mabasa ang pangalan ng bar. Pakiramdam kasi niya ay magugustuhan niya ang panibagong misyon.

The Hidden Paradise, maghintay ka lang. Papunta na ko. . . aniya saka isinara ang folder at sumunod kay Heinz na nauna nang lumabas ng conference room.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height