+ Add to Library
+ Add to Library

C2 CHAPTER 2

"MAMU, hindi ko po kaya ang magsuot ng ganito," wika ni Kiah sa matandang babae na kanilang floor manager.

Pilit niyang hinahatak ang laylayan ng hapit na kulay pulang bistida na maikli ang tabas. Hindi rin siya komportable sa mababang uka sa bandang dibdib niyon. Halos lumitaw na kasi ang kalahati ng dibdib niya dahil doon.

Inirapan siya ng tinawag niyang Mamu at saka masama ang mukhang pinasadahan siya ng tingin. "Alam mo Kiah, ke bago-bago mo pa lang, napakarami mo nang reklamo! Sayang ang ganda mo hija, kung magsusuot ka ng parang damit pa 'ata ni Maria Clara!" mataray nitong sabi habang panay ang paypay sa sarili.

Napayuko naman si Kiah dahil sa matinding hiya. Kasalukuyan silang nasa dressing room kasama ang mga katrabaho niya na pawang mga nag-aayos din.

"Gusto mo ng trabaho, 'di ba?" Tumango si Hezekiah rito. "Pwes, magtiis ka! Sundin mo ang lahat ng ipinagagawa ko sa'yo! 'Wag kang tonta! Kung ayaw mong ibartolina ulit!" sigaw nito na mukhang naubusan na ng pasensya sa kaniya.

Napapahiyang napatango na lamang si Kiah. "O-opo, M-mamu," utal niyang turan habang pinipigilan ang luhang nagbabadyang pumatak sa kaniyang mga mata. Nay, ayaw ko na po dito. Gusto ko na pong umuwi. . .

"Sige na! Mag-ayos ka na at mayamaya ay ipapakilala na namin kayong mga baguhan sa mga parokyano!" sigaw pa nito. Nininerbiyos naman tumango si Hezekiah sa babae. "Angelica, ikaw na'ng bahala sa mga 'yan. Aasikasuhin ko lang ang mga VIPs natin," bilin pa nito sa isang nilang kasamahan. Ito ang pinagkakatiwalaan ng may edad na babae.

"Yes, Mamu!"

Lumabas na ang floor manager pagkuwan, samantalang nilapitan naman ni Angelica si Kiah at inalo. "Masanay ka na, Kiah. Gan'yan talaga si Mamu pero mabait naman 'yan, basta't 'wag lang matigas ang ulo mo. Mag-ayos ka na bago pa kayo tawagin," anitong ngumiti pa sa kaniya.

Hindi naman nabawasan ang kaba at takot ni Kiah sa sinabi nito, pero wala siyang nagawa kung hindi tumango na lamang. "Salamat Angelica," saad niyang pilit ang ngiti saka itinuon ang pansin sa malaking salamin na nasa harapan niya.

Naroon din sa harap niya ang mga gamit sa pagme-makeup na kahit paano ang pinag-aralan niyang gamitin. Umupo siya sa upuang plastik na naroon at pinagmasdan ang imahe sa salamin. Walang kabuhay-buhay ang kaniyang bilugang mga mata. Maging ang labi niya na kahit anong pilit niyang pangitiin ay hindi kababakasan ng tunay na saya.

Lihim na lamang siyang napailing at saka dinampot ang brush pati na rin ang compact powder kung tawagin. Idinuldol niya ang brush sa pulbos at ipinahid iyon sa kaniyang pisngi. Subalit habang tinitingnan niya ang repleksyon sa malaking salamin, tila ba nakikita rin niya ang mga kaganapan kung paano siya napasok sa trabahong iyon. . .bilang isang bayarang babae.

• • •

"GOOD evening, Gentlemen! The beautiful faces of The Hidden Paradise!"

Isa-isang sinipat ni Aki ang bawat babaeng lumalabas sa entablado habang nakaupo siya sa isang mesa at umiinom ng brandy. Ang The Hidden Paradise ang misyon niya ng gabing iyon. Ayon sa surveillance team ay may magaganap na bidding ng mga babae ngayong gabi. Kaya naman agad siyang nag-disguise bilang isang Japanese businessman na sinusuportahan naman ng mga pekeng dokumento.

Mayamaya pa ay nagsimula nang ipakilala ang bawat babae na nasa entablado. Ayon sa babaeng nagsasalita, ang bawat kababaihan ay may katapat na presyo. At ang customer na kukuha sa mga ito ay kailangan munang mag-deposito bago mai-table o kaya naman, ay kailangang magbayad ng buo 'pag ilalabas, depende sa magiging usapan ng babae at ng customer. Subalit ang ipinagtataka ni Aki, walang bidding na nangyari sa mga babaeng iyon.

Kung gano'n, iba pa ang babaeng ibini-bid nila! hinuha niya habang nanonood sa mga ito.

I'd like to kill those bastard! nanggagalaiting usal pa ni Akihiro sa isipan habang nakatingin sa mga kalalakihang naroon sa stage at pumipili ng mga babae.

Kitang-kita ni Aki mukha ng mga ito ang pagtutol. Nakaramdam siya ng awa para sa mga ito, at parang may nagtutulak sa kanyang iligtas ang mga ito sa kamay ng mga kalalakihang iyon. Ngunit hindi iyon ang tamang oras upang kumilos. Gustuhin man ni Akihiro na sagipin ang mga kababaihang iyon, hindi pa iyon ang tamang pagkakataon.

Ang plano kasi niya'y magmasid lang at alamin ang nangyayaring illegal activities sa club, partikular sa nangyayaring prostitusyon. Kailangan niyang makukuha ng matibay na ebidensya na magdidiin sa mga ito. At iyon nga ang ginagawa niya ngayon.

Mayamaya pa'y nagpalakpakan ang mga costumers nang ipakilala ang isang babae. Kunot-noo namang pinagmasdan ni Akihiro ang bagong dating. Hindi makakailang bakas sa mukha nito ang takot habang panay ang hatak sa suot nitong maikling dress. Maganda ang babae, matangkad, may katamtamang katawan at morena. Sa tingin rin niya ay nasa early twenties lamang ang edad nito.

"Oops! Calm down, Gentlemen! The beautiful woman in front of you is the Star of the night!" anunsyo ng babaeng emcee. Naghiyawan naman ang mga kalalakihan na naroon.

Samantalang si Akihiro naman ay hindi mapigilang makaramdam ng matinding galit habang pinagmamasdan ang inosenteng babae. Kitang-kita kasi sa mukha nito ang matinding takot ng mga sandaling iyon.

Shit! Siya pala ang ibi-bid! Fuck! She needs my help! ani Akihiro sa isipan saka sumimsim ng brandy sa basong hawak.

"Okay, as usual, the Star of the Night is open for bidding. And once you get her, you can do whatever you want, Gentlemen!" Muling namang naghiyawan ang mga customer na animo'y nakakita ng mapaglalaruan sa katauhan ng babae. "Okay, Gentlemen, let's open the bidding! Let's start with five thousand!"

"Ten thousand!"

"Twenty thousand!"

"Thirty thousand!"

"Fifty thousand!"

"These gentlemen seem very eager to have you, Star of the Night!" anang emcee saka ngumisi pa sa babaeng ibini-bid. "Okay, fifty thousand are the highest bid! Is there anything higher than this?"

Samantalang si Akihiro naman ay parang sinisilihan ng mga sandaling iyon. Hindi niya malaman kung bakit kating-kati siya na sugurin ang mga naroon at pagdadamputin. Pero alam niyang kahibangan iyon. Hindi siya maaaring kumilos mag-isa at ng walang abiso galing sa nakatataas.

Kaya naman nakabuo siya ng pasya. Hindi niya alam kung tama ba ang gagawin niya pero iyon lang ang paraan na naiisip niya para sagipin ang kawawang babae. Noon din ay tumayo siya at nagpunta sa stage dahilan upang pagtinginan siya ng mga costumers. Subalit hindi na iyon pinansin pa ni Akihiro at nagtuloy-tuloy lang siya sa pag-akyat ng stage, saka lumapit sa Star of the Night. Hinawakan niya ito braso at hinila palapit sa babaeng nagsasalita sa mikropono.

"I'll take her," aniya sa emcee. "My bid is one hundred thousand," dagdag pa niya na rito sa pormal ngunit maotoridad na tono. Mabilis namang itong tumango bilang sagot.

Kaagad hinila ni Akihiro pababa ng stage ang babae na noon ay takot na takot pa rin. Dinala niya ito sa mesa kung saan siya nakapwesto kanina. "Stay here," maotoridad na utos pa ni Akihiro sa babae na noon ay nakayuko lang at hindi makatingin sa kan'ya. Yakap lang nito ang sarili habang nakayupyop sa silyang kinauupuan.

Napabuntong-hininga na lang siya saka hinubad ang coat at isinuot sa babae. "Wear this," kalmado nang wika niya rito.

Nag-angat naman ng paningin ang babae dahilan para magtama ang kanilang mga paningin. Hindi niya mabasa kung takot o pasasalamat ang nababasa niya sa mga inosenteng mata nito. Pero aaminin niyang parang nagdulot 'yon ng wirdong pakiramdam sa kaniya.

"S-salamat po, S-sir. . ." anitong nanginginig pa ang boses nang magsalita.

Hindi matukoy ni Aki ang kakaibang pakiramdam nang marinig ang boses nito, subalit hindi na niya ito pinag-aksayahang alamin pa. Tumango na lang siya sa dalaga at tinungo ang opisina ng club para magbayad.

Nang mabayaran ng cheque at sumang-ayon sa ilang mga kasunduan ng club ay binalikan niya ang babae na noon ay mukhanh basang sisiw. "Hey, let's go! Sumama ka sa'kin," pakli niya sa babae.

Sa sinabi ay nahintakutan itong tumingin sa kan'ya at saka sunod-sunod na umiling. "S-sir? Saan niyo po ako dadalhin? M-maawa po kayo sa akin. . ." pagmamakaawa pa nito sa kanya.

Humugot muna nang malalim na buntong-hininga si Akihiro nang makita ang takot at panginginig ng babae habang nakatingin sa kan'ya. Marahil ay iniisip nitong may balak siyang masama rito. "Ano'ng pangalan mo, Miss?"

"H-hezekiah po. . ."

"Okay, Hezekiah. You have two choices," aniya na ikinamaang naman ng kaharap. "Ang una, sumama ka sa'kin para makaalis sa impyernong 'to. Pangalawa, iiwanan na lang kita at hahayaang pagpiyestahan ng mga hayop na 'yan." Pero ni hindi man lang nagbago ang anyo ng babae. Mababakas pa rin sa mukha nito ang matinding takot at pag-aalinlangan.

"Com'on, it's your choice. But make it sure na 'pag pinili mong magpaiwan dito, babayaran mo rin ang isandaang libo na ibinayad ko para sa'yo. Dahil ang sabi ng boss mong Intsik, 'di raw 'yon refundable, okay?" paliwanag pa n'ya upang kumbinsihin nito.

Sinikap pa ni Akihiro na maging pormal sa harap ng dalaga para huwag itong makaramdam ng takot sa kan'ya. Isa pa, gusto rin niyang makuha ang tiwala nito at maging palagay ang loob para maisama niya ito.

Ilang sandali pa munang tila nag-isip ang babae bago muling nagsalita. "S-sasama na lang po ako, S-si," tugon nitong lihim niyang ikinangiti.

"Okay, let's go. Gusto ko na ring matulog. Inaantok na 'ko," saad ni Akihiro rito. Tumango naman ito kaya't iginiya na niya ito palabas sa naturang club.

Tahimik lang ito hanggang sa makarating sila sa parking area ng club. Sandali muna niyang binitiwan ang babae para umikot sa passenger's side para pagbuksan ito ng pinto, pero gano'n na lang ang gulat niya nang mabilis itong tumakbo palayo.

"Hey! Come back, here! Hey!" sigaw niya subalit huli na. Mabilis na itong nawala sa kanyang paningin. "Fuck! Goddammit!" malakas niyang mura saka mabilis na sumakay sa kotse at dali-daling minani-obra paalis sa parking lot.

Nakaramdam siya ng pag-aalala para sa dalaga dahil alas-dos na ng madaling-araw noon. Maraming nagkalat na masasamang tao sa kalye. Delikado para rito ang mag-isa lalo pa't ganoon ang suot nito. Madaling itong makakatawag ng pansin.

Pinaharurot niya ang sasakyan at tinahak ang daan kung saan nagtungo ang babae. Habang nagmamaneho ay sinusuyod niya ang bawat sulok ng kalsada subalit nakapagtatakang hindi niya makita ito. Shit! Where are you, bitch? Kapag nakita kita, makakatikim ka sa akin!

Hanggang sa mapadaan siya sa isang grupo ng mga kabataan na tila may pinagkakaguluhan. Inatake agad siya ng kaba nang maisip na baka ang babaeng hinahanap niya iyon. Mabilis na ihininto ni Akihiro ang kotse at saka kaagad na bumaba roon.

Nagtagis ang kanyang mga ngipin at nakaramdam ng matinding galit nang makitang ito nga ang babaeng hinahanap niya. Umiiyak ito habang pinagpapasa-pasahan ng mga kabataan. Punit-punit na rin ang kapirasong damit nito, dahilan para halos hubad na ito ng mga sandaling iyon.

"Hoy! Pulis ako! Itigil n'yo 'yan!" malakas niyang sigaw sa mga ito na sa tantiya niya ay may sampung kabataan na pawang mga lalaki. Patakbo siyang lumapit sa mga ito dahilan para magpulasan at magtakbuhan ang mga ito palayo.

Mabilis naman niyang sinaklolohan si Kiah na noon ay humahagulhol ng iyak. "Are you okay? Bakit ka ba kasi tumakbo? Wala naman akong balak na masama sa'yo! Mukha ba akong rapist, ha?!" galit niyang sermon sa umiiyak na babae.

Pinangko ito ni Akihiro gamit ang dalawang bisig saka mabilis na isinakay sa kotse. Matapos ay pinaharurot na niya ang sasakyan palayo sa lugar na iyon. Samantalang walang tigil naman ang pag-iyak ni Kiah habang nasa byahe. Mistulan na nga itong bata kaiiyak at nagpupunas ng naghalong sipon at luha. Wala naman siyang magawa kung hindi sulyapan lang ito habang nagmamaneho.

Isa pa, dumagdag rin sa problema niya nang mga sandaling iyon ang pagiging active ng kanyang si Polaris. Paano ba naman kasi, nakalantad sa kanyang harapan ang halos hubad ng katawan ng babae. Pati na rin ang hita at tayong-tayo na dibdib nito dahil halos punit na ang hapit na bistidang suot ng babae.

Oh, please! 'Wag ngayon, Polaris! 'Di kita mapagbibigyan. Off limits ang isang 'yan! lihim niyang saway sa nagwawalang alaga.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height