Hush Pretty Lady/C3 Kabanata 3 (Easy)
+ Add to Library
Hush Pretty Lady/C3 Kabanata 3 (Easy)
+ Add to Library

C3 Kabanata 3 (Easy)

Gusto ko ng magpalamon sa lupa dahil sa matinding kahihiyan.

"Ahm, mahilig po ako sa mga nunal!" Sabi ko kay Alejandro.

He leaned over for a moment but he was still grinning.

"In my office," Wika nito na siyang kinagulat ko. Halos magulantang din ang security guard at ng ibang employees na kanina pa kaming pinapanood dito sa labas ng building.

Bago ako pumasok ay tinignan ko muna ang security guard na tulala at hindi pa din makapaniwala sa nangyari kanina.

"Ang bilis naman?" Nawala kaagad siya?

Lumapit ako sa front desk.

"Office po ni Sir Alejandro?" Tanong ko dito. Katulad ng security guard, tinignan din ako nito mula ulo hanggang paa.

"Twenty-fifth floors," Sagot niya na siyang ikinatango ko.

"Thank you!" Kaagad akong tumakbo palapit sa elevator at pinindot ang palapag kung saan ko matatagpuan ang office ni Alejandro.

Nang lumabas ako ng elevator, wala masyadong tao sa hallway. May nakita akong ibang empleyado, ngunit tahimik at busy ang mga ito.

Nagtanong din ako sa isang empleyado kung na saan ang office ni Alejandro. Kaagad naman niyang tinuro ang isang malaki at kulay itim na pinto.

Kumatok na muna ako bago ko buksan ang pinto.

Papasok na sana ako ngunit natigilan ako. Gusto ko na ulit tumulak paalis ngunit natigilan at tinigasan na lang ang aking mga binti sa kinatatayuan ko ngayon.

Oh my God!

I saw a woman standing in front of Alejandro without any clothes on her body. Napatakip ako ng aking labi at akmang lalabas na ng office nang magsalita si Alejandro.

"Stay here woman!" Utos nito kaya napatigil ako at tumingin sa kaniya.

"S-sir!" Wika ng babaeng nakahubad sa harapan namin ngayon.

"Huwag 'mong antayin na ipakaladkad pa kita sa security palabas ng building na ito?" May banta sa boses ni Alejandro nang sabihin iyon sa babae.

"P-pero matagal na akong may gusto sa iyo. Naging secretary mo na ako at baka may pag-asa na akong maging girlfriend-" Hindi natuloy ang sasabihin ng babae nang umalis so Alejandro sa harapan niya at lumapit sa table nito para pindutin ang intercom.

Tumingin saglit so Alejandro sa akin bago siya magsalita.

"Hello may baliw dito, ilabas niyo ito sa aking opisina!" Wika at utos nito sa kabilang linya.

Nakita ko naman na unti-unting nagbihis ang babaeng nakahubad kanina. Mga ilang minuto pa ay may dumating na security. Halos magulantang ako nang hawakan nila ako sa magkabilang braso.

"Hoy!" Sigaw ko sa mga ito at akmang kakaladkarin ako palabas ng opisina.

"Hindi 'yan," Sabi ni Alejandro. Tinuro niya ang babae kanina.

Binitawan ako ng mga security at humingi ng pasensya. Lumapit sila sa babae na akmang magpo-protesta pa ngunit hindi din nakapalag.

"Gagawin ko ang lahat para magustuhan mo ako!" Sigaw ng babae kahit na sa labas na ng opisina.

Nakahinga naman ako ng maluwag habang minamasahe ulit ang aking mga braso.

Tired. Hindi pa ako nagsisimula sa pag a-apply, nakakapagod at nakaka-stress na!

Tumikhim si Alejandro habang nakaupo sa table nito.

Sumenyas siya na lumapit ako sa kaniya. Kaya lumapit ako at umupo sa harapan ng table niya.

"Resume?" Tanong niya. Kaagad ko namang kinuha ang ang aking brown envelope at kinuha ang aking resume, pagkatapos ay inabot iyon sa kaniya.

He took my resume and looked at it carefully. Ilang minuto niya iyong binasa. Pagkatapos ay dahan-dahan niya itong ibinaba sa table.

"You're hired," Bored nitong sabi. Nagulat naman ako dahil wala pang interview?

"Ah? E iyong interview?" Tanong ko habang litong nakatingin sa kaniya.

"I said, you're hired. Hindi na kailangan ng interview or process para tanggapin kita sa kompanya ko, you are hired Miss El Greco." Pagkatapos niya iyong sabihin ay ipinagsiklop niya ang kaniyang mga kamay ngayon.

"Huh?" Lito 'kong tanong sa aking sarili.

As in?

"Bukas ka na mag start," Pagkatapos niya iyong sabihin ay sumenyas na siya na makakaalis na ako ngayon sa kaniyang office.

Naupo muna ako saglit dito sa isang bench. Nasa tapat ako ngayon ng isang malaking gusali na pagmamay-ari ni Alejandro El Greco. Hindi parin ako makapaniwala sa mabilisan niyang desisyon. Hindi ko alam kung pinag-isipan niya ba iyon ng mabuti o hindi?

Hindi mo alam pero bakit gusto ko talagang malaman kung bakit ambilis ng desisyon niya? Gano'n ba talaga siya?

Umiling nalang ako habang nag-iisip parin.

Bakit pakiramdam ko ay hindi ako masaya? Ang bilis ng pangyayari at kaagad din akong natanggap sa trabaho? Hindi niya naman siguro ako kilala? At isa pa, kahit dati pa ay hindi pa naman kami nagkaka-usap?

Tulala ako habang nagluluto ng pancakes sa aking condo. Nilagyan ko iyon ng chocolate syrup. Binuksan ko ang aking phone.

Napangiwi ako dahil hindi pa din tumatawag si mommy and daddy hanggang ngayon.

Hindi bale na, Wala naman silang malalaman tungkol sa pinag-gagawa ko ngayon. At isa pa, kami lang naman ni Tamara ang may alam sa mga plano ko at wala ng iba.

My assistant? Hindi namn siya magsasalita kila mommy and daddy about me. Sigurado ako dahil subok ko na ang aking assistant. Na sa akin pa din ang loyalty niya, at wala sa aking mga magulang.

Kaagad akong nag half bath dahil kailangan 'kong matulog ng maaga. Bukas na ako magsisimula sa aking trabaho, Kaya dapat hindi ako puyat at may sapat na tulog ako.

Gusto ko na sanang makatulog, ngunit hindi ko parin magawa? Hindi ko talaga kaya? Nagtataka lang ako, bakit naging madali ang lahat? Nawalan ng thrill? Hindi 'man lang ako nahirapan? Maliban na lang doon sa guard na humarang sa akin kanina?

Gano'n ba siya? Gano'n ba siya bilang boss? Hindi siya mahigpit? Kasi nakalusot ako? Kung puno siya ng seguridad aa kompanya niya dapat inusisa niya muna ako bago ako tanggapin bilang sekretarya niya? Hindi ba?

Hindi ba niya naisip na pwede 'kong maipahamak ang kompanya at buhay niya, kung masama akong tao?

Sinapok ko ang aking sarili at umiling ng bahagya.

Inayos ko ang aking sarili habang nakahiga sa aking kama. Dahan-dahan akong pumikit at nag dasal na maging mabuti ang lahat para bukas.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height