C39 Kabanata 39 (Back)
Kapuwa'y tahimik kaming lahat habang kumakain ngayon sa labas ng bahay. May kubo sila Lolo Ruben at Lola Tessie, kung saan ay pwede kang magpahinga o magpahangin.
Biglang tumikhim si Elias kaya siniko naman siya ni Lola Tessie.
"Makikiabot ng sabaw," Sabi ni Elias sa akin. Kukunin ko na sana ang mangkok na may laman na sabaw, ngunit inunahan ako ni Alejandro