Hush Pretty Lady/C4 Kabanata 4 (First day)
+ Add to Library
Hush Pretty Lady/C4 Kabanata 4 (First day)
+ Add to Library

C4 Kabanata 4 (First day)

Nakangiti ako habang naglalakad sa hallway.

"Goodmorning!" Binati ko ang isang empleyado na naka-ponytail.

"Ah, Goodmorning!" Binati din ako nito.

Naglakad pa ako habang nakangiti sa kawalan. Fine. Ako na ang siraulong tao sa buong mundo. Anong magagawa ko? Masaya lang talaga ako.

Dinala ako ni Miss Ong sa magiging office table ko. Na sa labas lang din ito ng opisina ni Alejandro, Kaya madali ko din siyang makikita o namamataan. Maliban na lang kung gagamitin niya ang switchable glass, for privacy? Hindi ko siya makikita kapag gano'n?

Sa lahat ng palapag dito sa building niya, siya lang ata ang gumagamit ng smart glass for his safety and privacy. Mukhang soundproof din ang office niya?

"May tanong ka pa ba?" Nagulat ako sa boses ni Miss Ong.

Umiling ako at ngumiti sa kaniya.

"Wala na po, thank you po pala Miss Ong!" Pasasalamat ko kay Miss Ong. Mukha itong na sa mid thirties, ngunit wala pa din asawa.

Tumango naman siya sa akin at ngumiti. Nag paalam na din siya sa akin na aalis na siya at pupunta na sa kabilang department. May importante pa daw siyang meeting with evaluators.

Busy ako sa pag-aasikaso. Siniguro ko na tama ang bawat letra na tinitipa ko sa aking laptop. Ang hectic pala ng schedule niya ngayon?

At malamang, kasama niya din ako dahil ako ang secretary niya?

Nagulat ako nang tumunog ang aking telephone kaya kaagad ko itong sinagot.

"Yes how may I help you?" Tanong ko sa kabilang linya.

Narinig ko ang malalim na paghinga bago ito magsalita.

"I need coffee. Please bring it to my office!" Saglit akong sumilip sa glass window ni Alejandro. Nakita ko na tumingin din siya sa direksyon ng aking office table. I was shocked nang may pinindot siya sa remote control at itinapat sa bintana, Kaya nag blurred.

Hindi ko alam kung anong coffee ang gusto niya?

Pumikit ako ng marahan. Pati ba ang pagtitimpla ng kape niya, trabaho ko din?

Kaagad 'kong pinindot ang telephone at tinawagan siya.

Kaagad niya naman itong sinagot.

"Yeah?" Tanong nito.

"Sir black coffee po ba or creamy?" Tanong ko dito.

"Anything," Wika nito at pinutol na ang linya.

Wala siyang sinagot sa tanong ko. Gano'n pa din naman e? So ano ang gagawin ko?

Lutang ako dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta? Kitchen? Saan ako pupunta?

Nabuhayan ako ng loob nang may namataan akong papalapit na lalaki. Isa lang naman ang tinatahak niyang daan, iyon ay ang opisina ni Alejandro.

Napatigil ito saglit sa harapan ko. Hilaw akong ngumiti sa kaniya.

"Ah ano?" Nahihiya ako.

"Yes?" Tanong niya habang naka-kunot ang noo sa akin ngayon.

Pumikit ako ng marahan bago magsalita.

"Ah. Hindi ko kasi alam kung saan ako magtitimpla ng kape?" Umawang naman ang mga labi niya ngunit kaagad din niyang itinikom at bahagya pa siyang natatawa.

"You're funny. I'm Jacob, may mini kitchen dito pero bumaba ka pa ng mga dalawang palapag. Under renovation pa kasi ang executive kitchen dito sa palapag ni Alejandro." Tinawag niya na Alejandro ang boss ko? Malapit ba sila sa isa't-isa?

Tumango ako sa kaniya.

"A gano'n? Salamat pala!" Ngumiti ako dito. Tumango din siya sa akin at ngumiti.

Tumakbo na ako palayo sa kaniya dahil baka inaantay na ang kape? Baka mapagalitan pa ako? Hindi ko na siya nagawang linungin pa, dahil nagmamadali na din ako.

Nang makarating ako sa twenty-three floor ay kaagad akong pumunta sa mini kitchen.

Kaagad akong kumuha ng baso para ilagay ang mga sangkap ng titimplahin ko na kape.

Ano ba? Baka matabang ito o matamis?

Mahilig ba soya sa matamis? O ayaw niya? Dapat tama lang ang lasa.

Sinalin ko ang mainit na tubig galing sa water despenser. Timama ko lang ang tubig kasi baka mapuno ng sobra. Hinalo ko muna ito. Tumingin ako sa paligid ko. May ibang empleyado akong nakikita, pero mga walang pakialam sa paligid dahil busy.

Ngumisi ako ng bahagya at dahan-dahan akong kumuha ng isang kutsara na kape sa baso at tinikman.

Mukhang okay naman ang lasa? Perfect!

Kaagad akong bumalik sa opisina ni Alejandro. Kumatok na muna ako sa pintuan ng office niya.

"Come in!" Sigaw nito. Kaagad ko namang binuksan ang pinto ng office niya. Kaagad namang tumambad ang malamig na hangin sa akin.

Baka lumamig kaagad ito? Nakanguso ako habang pinagmamasdan ang kape na tinimpla ko.

"Ito na po ang coffee mo sir," Wika ko at dahan-dahan ko iyong inilapag sa table niya. Busy siya sa pagtitipa ng keyboard, ngunit napatigil din nang inilapag ko ang kape sa table niya.

"You did not buy?" Wala sa sariling tanong nito.

Ano daw?

"Ano po?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi ka bumili?" Naintindihan ko ang tanong niya kanina. Pero ibig sabihin ba ng tanong niya ngayon ay dapat pala mag order na lang ako ng kape, gano'n ba?

Umiling ako sa kaniya.

"Tinimpla ko po," Tumango ito bigla bago niya kunin ang mug na may laman na kape. Inamoy niya muna iyon at tumingin sa akin.

"Wala iyang lason?!" Medyo nagpa-panic pa ako nang sabihin iyon.

Umiling ito at ininom na ang tinimpla ko na kape.

"Wala naman akong sinabi na may lason ang kape ko?" Wika niya habang nakatingin sa akin ngayon.

Pinasadahan niya ako ng tingin, mula ulo hanggang paa.

Ano ba ang tinitingin-tingin ng lalaking ito sa akin? Kinapa ko ang aking nunal sa mukha, baka kasi naiba na naman ng lugar sa mukha ko eh?!

Hindi naman?

Ano kaya ang iniisip niya tungkol sa akin?

"Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? You may leave my office now, Miss El Greco?" Seryoso at suplado niyang sabi.

Hindi ko alam huh? Pero naiinis talaga ako sa ugali niya. Mukhang okay naman siya sa ibang empleyado dito, maliban lang sa akin?

How dare him!

Kaunting bait pa Leigh!

Halos punitin ko na ang mga papeles na ine..encode ko sa laptop ngayon dahil sa sobrang kabwisitan. Kanina pa niya ako iniinis. Mayat-maya siya nag-uutos! Kaunting tiis pa Leigh! Kalma bago ka palang, baka masisante kaagad? Nakakapang-galaiti talaga.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height