Hush Pretty Lady/C5 Kabanata 5 (Unfamiliar feeling)
+ Add to Library
Hush Pretty Lady/C5 Kabanata 5 (Unfamiliar feeling)
+ Add to Library

C5 Kabanata 5 (Unfamiliar feeling)

Halos hindi ko na magalaw ang aking daliri dahil sa sobrang ngalay. Hinilot ko ito saglit bago ko ulit ituloy Ang ginagawa ko.

I yawned. Inaantok na ako, Hindi ako sanay na mag overtime. Bakit kasi biglang dami ng gawain ko? Noong umalis naman ako para mag break time, wala pa ang mga ito?

I barely tore the papers off my desk. I can't take this anymore. Inaantok na talaga ako! Mukhang kailangan ko ng mag paalam para mag out na. Kaya lang, on time pa at bawal pa.

I put both my hands on my chin and blinked slightly. Kumurap-kurap pa ako dahil sa sobrang antok. Bumibigat na talukap ng aking mata. Dahan-dahan akong pumikit at ipinatong ang aking ulo sa aking mesa.

"Hindi pa ako makaka-uwi?" Naririnig ko ang mga boses ng isang lalaki sa paligid ko. Halos gumuho ang aking mundo nang mapagtanto ko na wala ako sa aking kwarto.

Kaagad 'kong minulat ang aking mata. Kaagad namang tumambad si Alejandro sa akin. Kaagad akong tumayo at sa kasamaang palad at nalaglag ang aking eyeglasses at nabasag iyon.

Kaagad ko itong pinulot at sinuri. Mukhang sira na talaga!

"A sir sorry nakatulog po ako!" Halos mag makaawa ako sa kaniya. Baka sisantehin na ako nito?!

Inilagay niya ang kaniyang phone sa bulsa bago niya ituro ang wall clock.

Oh my goodness!

Kanina pa pala nakapag-out ang iba? Halos lumagpas ako ng isang oras? At bukod pa siguro doon ang oras na tinulog ko sa oras ng aking trabaho.

"A Sir please po 'wag niyo po ako tanggalin sa trabaho!" Lumuhod na ako sa harapan niya ngayon.

Halos maiyak na ako sa sobrang takot at kahihiyan ngunit nagulat ako nang tumawa ito.

"Stand up Miss El Greco, hindi ko na gustong maulit pa ito." Naging seryoso na ito ngayon. Dahan-dahan naman akong tumango sa kaniya.

Pumasok na siya sa kaniyang office. Habang ako ay tulalang naiwan.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Nakakahiya kung mahuhuli pa ako hindi ba? Ayoko na ulit mapahiya.

Nandito kami ni Alejandro sa conference room kasama ang iba pa. Nag notes ako ng mga importanteng details para sa meeting na ito.

Tapos na ang meeting.

Nagulat ako nang may kumulbit sa akin. Pagtingin ko ay nakita ko ang lalaking tumulong sa akin kahapon.

"Hi!"

Tumingin ako kay Alejandro na busy sa pakikipag-usap sa iba. Tapos naman na ang meeting ngayon, kaagad 'kong hinarap si Jacob.

"Ikaw pala?" Tanong ko dito.

"Kanina pa ako dito sa meeting, parang ngayon mo lang ako napansin?" May tampo sa boses nito ngayon.

"Ah hindi kita kasi napansin?" Hilaw akong ngumiti sa kaniya. He chuckled and looked at me. Inayos niya ang kaniyang long sleeve.

"Cousin ako ni Alejandro," Halos manlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Kaya ba casual lang kung tawagin niya sa Alejandro sa pangalan nito?

"Ah hindi ko alam sorry?" Tugon ko sa kaniya. Hindi ko naman talaga alam e?

Nagulat ako nang may magsalita sa gilid ko.

"This is my secretary, Jacob." Malamig na sambit ni Alejandro sa kaniyang pinsan.

Tumango si Jacob sa kaniya at ngumiti sa akin.

Tumingin ako kay Alejandro na tahimik lang na nakatingin sa kawalan. Lumapit ako sa kaniya at inabot ang isang tasa ng kape na ginawa ko. Inutusan niya ulit akong gumawa ng kape para sa kaniya.

Aalis na sana ako nang tawagin niya ako,

"Wait," Wika nito at inilapag ang tasa ng kape sa mesa niya.

"Po?" Ako na nagtataka. Mukhang wala namang mali sa kape, pero tinawag ako? Bakit kaya?

"Nahihilo ako, baka pwedeng pamasahe ng sentido ko?" Pakiusap nito sa akin. Nanliit naman ang aking mga mata na nakatingin sa kaniya ngayon.

Kasama pa ba iyan sa aking trabaho?

Wala na akong nagawa kundi ang lumapit sa kaniya. Dahan-dahan 'kong inilapit ang aking mga kamay sa sentido niya. Medyo nanginginig pa ang mga kamay ko. Hindi ko alam na ganito pala ka-kaba ang ganito?

Medyo bumigat ang paghinga ko.

Dahan-dahan 'kong hinilot ang sentido niya. Hindi ako maalam mag hilot. Pero nag try pa din ako na maging okay ang pag galaw ng aking mga kamay sa kaniyang sentido ngayon.

Nakita ko na dinampot niya ang remote control at itinapat iyon sa window glass kaya biglang nag blurred ang bintana ng office niya. Hindi kami kita sa labas. At kahit naman na nakabukas iyon, ay wala pa din tao. Ang makikita lang talaga ay ang lugar kung saan ako nagtatrabaho.

Halos ilang minuto ko siyang hinihilot.

"Okay na thank you," Nagulat ako dahil okay na daw? Kaagad ko nama itinigil ang ang kamay.

"Okay na po Sir?" Tanong ko dito para makasiguro lang.

"Yeah," maikling tugon niya.

"Pwede ka ng makalabas ng office ko," Wika nito sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya at tumango.

"Opo sir!" Tugon ko at dahan-dahan na akong tumalikod sa kaniya.

Binuksan ko ang pinto ng office niya at marahan akong naglakad palabas. Halos huminga ako ng marami pagkalabas ko ng office niya. Para akong aatakihin sa sobrang kaba.

Hindi ko akalain na ipapagawa niya iyon? Ginaganon din siguro siya ng dati niyang secretary? Kaya hindi na bago sa kaniya at okay lang ang gano'n sa kaniya?

Pagkalabas ko ng office niya ay kaagad muna akong dumiretsyo sa comfort room. Itinapat ko ang aking sarili sa salamin. Inalis ko kaagad ang aking eyeglasses. Wala pa naman tao. Huminga ako ng malalim at tinitigan ang sarili.

Bakit may nararamdaman akong kakaiba? Hindi ko malaman kung ano ba ang mararamdaman ko? Bahagya akong napahawak sa aking ulo. Sumasakit ang aking ulo at hindi ko alam kung paano ito mawawala?

Kailangan pag labas ko nitong comfort room ay maging okay na ako?

Bumuga ako sa hangin at itinukod ang dalawa 'kong kamay sa sink nitong comfort room habang pinagmamasdan parin ang balisang mukha sa harapan ng salamin.

May kakaiba talaga kay Alejandro, at kung titignan ko siya at para ko na siyang kakilala? Hindi isa, kundi maraming beses ko iyon naramdaman.

Kinalma ko ang aking sarili at lumabas na ng comfort room.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height