Hush Pretty Lady/C7 Kabanata 7 (Condition)
+ Add to Library
Hush Pretty Lady/C7 Kabanata 7 (Condition)
+ Add to Library

C7 Kabanata 7 (Condition)

Halos maihagis ko ang mga dala 'kong portfolio. Nagulat ako sa nakasilip sa pinto ng aking mini office. May babaeng mahaba ang buhok at halos nakataklob iyon sa kabuuan ng kaniyang mukha.

My goodness!

Pumasok ang babae dahan-dahan ang bawat pag hakbang nito hanggang na umupo na sa harapan ng aking mesa.

Napakurap ako at saglit siyang tinitigan.

"Ah bakit?" Tanong ko sa kaniya.

Bigla niya namang hinawi ang nakatabing na buhok sa kaniyang mukha. At doon ko lang nasilayan ang kabuuan ng kaniyang mukha. She's pretty. Maamo din ang mukha nito habang nakatingin lang sa akin.

"I'm so confused may bago daw na secretary si kuya, Kaya pumunta ako dito." Nanliit ang mga mata nito sa akin habang pinagmamasdan lang ako ngayon.

Tumango naman ako ng dahan-dahan.

"Ang sabi nila pangit daw ang bagong secretary?" Patanong nitong sabi habang nagtataka. Suot pa nito ang kaniyang school uniform. Mukhang bagong awas lang at dito dumiretsyo?

"Hindi naman pangit?" Wika pa nito habang pinagmamasdan akong mabuti.

"Totoo ba 'yan?" Tanong nito habang nakaturo ang hintuturo sa aking kulot na wig.

Napaawang ang aking labi at dahan-dahan akong tumango sa kaniya.

Ngumisi ito sa akin. Tumayo ito at lumapit sa pintuan ko at sinarado iyon. Halos magulantang ako nang bumalik ang mga tingin niya sa akin, at mausisa akong tinignan ngayon.

Dahan-dahan ulit siyang naglakad patungo sa akin. This time, mas malapit pa sa akin hanggang sa na sa gilid ko na siya.

Naramdaman ko ang mga kamay nitong dumampi sa aking buhok. Napatingin naman ako sa kaniya.

"May ganito din ako," Nakangising sabi nito.

"Ah gano'n?" Maikling tugon ko.

"Wig nga lang?" Humalakhak pa ito habang sinasabi iyon.

Natahimik ako sa sinabi nito.

Pakiramdam ko ay hinihila ang kaibuturan ng aking dila kaya wala ng lumalabas na salita mula sa aking bibig sa mga oras na ito.

"Makinis ang balat mo?" Sambit niya. Kinabahan naman ako sa sinabi nito. Huwag naman sana at kung kapatid siya ni Alejandro, patay na ako!

"Ah sadya 'yan!" Hilaw 'kong tawa habang sinasabi ang katagang iyon.

Nagulat ako nang kunin niya ang kamay ko. Pinakiramdaman niya ang aking palad.

I was surprised when she squeezed my palm.

"Ayy!" Nagulat ako nang biglang hawiin niya ang aking wig!

Nanlaki ang aking mata habang nakatingin sa kaniya ngayon.

Ngumiti siya sa akin.

"Sabi na eh!" Wika nito at pinulot ang aking wig na nalaglag.

Inabot niya ulit sa akin ito.

"I know you! I've been watching you in my brother's office for a while." Sabay turo niya sa glass window na naka blurred na ngayon.

Lumapit siya sa window blinds ng aking office at sinarado na iyon.

"Huh?" Tanging nasambit ko sa kaniya.

"Oh my gosh! Of course I know you! Ang hindi lang naman makakakilala sa iyo, ay iyong mga taong malayo sa estados niyo?" Wika nito at umirap ng bahagya.

"You're El Greco right? Madali kang makilala. At isa pa, ako kasi mahilig akong kumilatis ng tao. Hindi lahat ng tao ay may ugaling katulad ng sa akin?"

Inaayos ko ngayon ang aking wig habang nakatingin sa maliit na salamin.

"Fine. I'm El Greco. My name is Charzleigh El Greco. My mother is Rebecca Zulueta El Greco and my father is Alexis El Greco." Pakilala ko dito.

Pumalakpak ito at umupo na ulit sa harapan ko.

"He didn't know about me," Dagdag ko habang tinuro ng aking nguso ang office ni Alejandro ngayon.

"Bakit dito ka nagtrabaho? At bakit ka nagtatrabaho?" Tanong nito habang kinakalas ang kaniyang necktie.

Huminga ako ng malalim. Tinignan ko siya ng mabuti. Magkapatid sila ni Alejandro, pero mas hawig ni Alejandro ang ama niya. Habang itong babaeng kaharap ko ay kahawig ang kaniyang ina na si Claudia Devila Vergara.

"How's Tito Helios and Tita Carolina? Nag stay ako states with my mommy. Si kuya Alejandro lang ang namahala ng kompanya at si Dad. Mommy wanted to visit the El Grecos, but she was embarrassed. You know?" Sunod-sunod nitong sabi habang nakahalukipkip ang nga kamay.

"Wala akong masyadong balita, hindi na ako nagagawi sa Grande Valley?" Tugon ko sa tanong nito. Tumango naman siya ng dahan-dahan sa sinagot ko.

"I won't tell my brother, in one condition?" Ngumisi ito sa akin ngayon.

"Huh?" Kailangan pa ba ng kondisyon para itago niya lang ang totoo?

"Ano iyon?" Tanong ko dito.

Ngumisi ito at kumindat sa akin.

"Introduce me to your cousin, kay Hermes!" Nag pout pa ito sa akin.

"Kay Hermes?" Nagtatakang tanong ko. Bakit doon pa? Eh babaero 'yon! Dapat kay kuya Heracles na lang siya, loyal 'yon for sure!

"Ayaw mo kay kuya Heracles? Babaero iyong si Hermes naku!" Wika ko at binigyan na siya ng babala.

"Ayoko doon! Masyadong seryoso at good boy! Gusto ko iyong medyo wild like Hermes!" Nakanguso ito habang sinasabi iyon. Sinapok ko ang aking ulo habang nakayuko.

"Ano dali na!" Wika nito sa akin.

"Ilang taon ka na ba?" Tanong ko dito.

"Seventeen years old," Tugon niya.

Matanda ng limang taon si Hermes sa kaniya. Samantalang matanda ng pitong taon si kuya Heracles sa babaeng ito.

"What's your name?" Tanong ko ulit.

"Adriana," maikling tugon nito.

"Okay I will help you," Nagtatalon ito sa tuwa. Pagkatapos ay lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Napapikit na lang ako dahil sa problema na nangyayari ngayon.

Halos magtatalon ito sa sobrang tuwa nang malaman na tutulungan ko siya.

Kaagad siyang lumapit lalo sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Sobrang ingay niya kaya sumenyas ako na tumahimik siya at baka may makarinig!

Hindi pa ako nakaka-isang buwan dito sa kompanya ng kapatid niya, ay mukhang hindi talaga ako magtatagal kapag masyado siyang maingay!

Kaagad niyang kinuha ang phone niya at lumapit sa akin.

"Number mo?" Wika niya at inaantay ako. Huminga ako ng malalim at inabot ang kaniyang phone upang i-type doon ang aking numero.

Kung alam ko lang, sana'y hindi na ako dito pumasok. Dahil malaki ang sahod kaya napilitan ako. Kung tutuusin ay may pera naman ako. Talagang gusto ko lang ng thrill.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height