Hush Pretty Lady/C8 Kabanata 8 (Insulting)
+ Add to Library
Hush Pretty Lady/C8 Kabanata 8 (Insulting)
+ Add to Library

C8 Kabanata 8 (Insulting)

Huminga ako ng malalim habang pabalik-balik ang tingin sa pinipirmahan ni Alejandro na papeles. Nang tumunog ang pen nito at inilapag niya iyon sa kaniyang mesa at dahan-dahan namang inurong ang papeles sa gawin ko ngayon.

"Is that all?" Pinag-siklop nito ang mga kamay sa harapan habang nakatingin sa akin.

Dahan-dahan naman akong tumango at tinignan ang papeles na may pirma niya na.

"You have an appointment with Alistair Devila at three o'clock in the afternoon, Sir!" Medyo kabado ako nang sabihin iyon. Ewan ko ba? Kinakabahan talaga ako sa kaniya.

"You're so ugly," Wika nito habang wala 'man lang reaction sa kabuuan ng mukha.

Sa halip na malungkot, mainis o magalit, ay napangiti ako dito.

"Normal 'yan Sir!" Natatawang sambit ko dito.

"Don't you have any plans to fix your face?" Napaawang naman ang aking labi sa tanong nito.

Gusto ko nang matawa sa paraan ng pagsasalita nito sa akin.

"Sir I'm fine with this," Sabay turo ko sa aking pagmumukha.

Halos sabunutan nito ang sariling buhok at lukutin ang sariling pagmumukha, dahil sa sinabi ko.

Bakit niya ba masyadong pinoproblema ang pagmumukha ko?

"Get out of my office now," Wika niya habang hindi ito nakatingin sa akin.

"Coffee Sir?" Tanong ko dito habang nakangisi.

"Ayokong mag kape," Kumunot naman ang noo ko sa kaniya.

"Himala Sir? Sawa ka na ba sa kape ko?" Tanong ko dito. Pumikit naman ito ng marahan bago minulat ang mga mata at masama akong tinignan.

"You're a naughty woman, my goodness!" May halong iritasyon ng tono ng boses nito.

"Ah! Hindi sir nagtatanong lang ako ano?!" Sagot at katwiran ko sa kaniya.

"Ugh!" Daing nito at tumayo sa swivel chair niya at lumapit ulit sa table niya at kinuha ang remote at itinutok sa bintana ng kaniyang office.

"Please hush Miss El Greco!" Utos nito sa akin at nakaturo sa pinto ng office niya. Ngumisi ako dito at dahan-dahan akong lumapit ulit sa kaninang table upang damputin ang mga paperwork's ko.

"Bye Sir! Huwag masyadong mainit ang ulo. Kukulubot kaagad iyang balat niyo. Tapos papangit ka na sayang ang mukha mo-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang magsalita siya.

"Are you sayin' na gwapo ako?" Sarkastikong tanong niya ngunit nakangiti na ngayon.

"Huh! Hindi ka naman masyadong gwapo Sir!" Ngumisi ito ulit at tinaasan ako ng kilay.

Dahan-dahan itong naglakad papalapit sa akin ngayon. Habang ako'y nag mistulang tuod sa kinatatayuan ko.

"Sa tono ng boses mo, tila'y sinasabi mo na hindi ako ang tipo mong lalaki? Huh, Miss El Greco?" Tanong niya habang madilim ang mga mata sa akin ngayon.

"Huh?" Tanging tugon ko dito.

"Wa-wala po akong sinabi na ganiyan Sir?" Kumunot ang noo nito sa akin.

"Kung gano'n sino naman ang type mo?" Tanong nito habang kino-corner ako sa mga tanong niya.

Natulala ako sa tanong nito sa akin at hindi na nagawang makapag-salita.

Tumikhim ako, To clear my throat.

Wala naman akong crush? Sino ba?

Nag isip ako ng mabuti kung ano ang aking isasagot. Teka, kailangan ko bang sagutin ang tanong niya? Hindi naman kasama sa job descriptions ko iyon?

"Sir secret po, it's my privacy." Tugon ko. Naging blanko ang mukha nito at dahan-dahan siyang lumayo sa akin. Dahan-dahan siyang tumalikod sa akin at naglakad patungo sa bintana ng kaniyang office, kung saan ay tanaw niya ang malawak na siyudad.

"Make some coffee, Bring it here to my office, Miss El Greco." Sabi niya habang nakatalikod sa akin ngayon.

"Yes Sir," Tugon ko at naglakad na ng marahan. Mabilis akong lumabas ng kaniyang office at mabilis 'kong inilapag ang ang mga paperwork's sa aking mesa ngayon.

Ang moody naman niya? Siguro kawawa ang girlfriend nito? Paiba-iba ng mood? Ang hirap kapain ng ugali.

Pumikit ako saglit at inayos ang aking eyeglasses sa mata. Hinubad ko ito saglit at pinunasan dahil malabo na ito.

After 'kong ipagtimpla si Sir ng coffee ay dinala ko kaagad iyon sa kaniyang office. Tahimik lang siya habang may kausap sa telepono. Marahan ko namang ibinaba ang coffee niya sa kaniyang mesa, at iniwan ko siyang busy.

Nang makalabas ako ng kaniyang office, laking ginhawa sa pakiramdam dahil hindi ko na ramda ang tension sa pagitan namin.

Masasabi 'kong wala namang problema sa aming dalawa, sadyang hindi lang ako palagay at mapakali sa presensya niya.

Ito ang nagtutulak sa akin, kung bakit mas gusto ko pa siyang kilalanin. Akalain 'mong nahiligan ko na din ba pakialaman ang buhay niya? Nakaka panibago.

Tinignan ko ang glass window ng kaniyang office na naka blurred na ngayon. Ngumiti ako saglit at umiling. Suplado lang siya at strict. Pero alam ko na mabuti din siyang tao.

Sometimes it’s not bad to trust our instincts. It’s even better because we know in ourselves, na ang bawat tao'y may kaniya-kaniyang pananaw sa isa't-isa.

Hindi masama hanggat hindi ka nakakatapak o nakakasakit ng damdamin ng iba.

Tahimik at seryoso ako habang nagtatrabaho. Hindi ko na din nagawang linungin o tapunan ng tingin ang office ni Alejandro. Ang gusto ko lang ay tapusin na lang itong trabaho ko nang maipasa ko na sa kaniya ang lahat ng schedule niya.

Kinuha ko ang aking instant noodles at naglakad patungo sa mini kitchen malapit sa office niya. Mukhang okay naman na at gawa na ang kitchen niya?

Kumuha ako ng hot water at hinalo ko ang aking cup noodles.

Muntik na akong mapasigaw nang makita ko si Alejandro na nakatayo sa gilid ng pinto. Hawak-hawak niya ang mug niya.

"Coffee please," Wika niya habang nakalahad sa akin ang mug. Inabot ko iyon at pumunta sa mga ingredients ng mga kape. Tahimik lang ako sa ginagawa ko habang siya nama'y nanonood lang sa akin.

Nang matapos ako sa aking pagtitimpla ay inabot ko kaagad iyon sa kanina.

"Here's your coffee Sir," Wika ko. Kinuha niya naman ang kape sa akin.

Ang akala ko ay aalis na siya ngunit tumayo lang siya habang sumimsim ng kape niya. Ako nama'y nag paalam na sa kaniya dahil marami pa akong dapat gawin.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height