C9 Kabanata 9 (Revealed secrets)
Halos manlaki ang mata ko habang nakatayo dito sa gilid . Hawak-hawak ko ang binili 'kong napkin dito sa supermarket. Naka leave ang assistant ko, malas lang at dinatnan ako ngayong araw. Hindi mabuti ang pakiramdam ko dahil sobrang sakit ng puson ko ngayon.
Mas lalo akong kinabahan dahil palapit siya sa gawi ko. Teka nandito sa side ko ang mga napkins at diaper? Anong bibilhin niya dito?
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kabilang banda. Nang makita ko siya na nakatayo sa pwesto ko kanina ay dali-dali akong lumayo sa kinaroroonan ko kanina at naghanap ng counter na mas kaunti lang ang pila.
My goodness! Hindi nga pala ako naka disguise?!
So wala akong dapat na ikabahala?
Kagat labi akong nakapila ngayon. May nauna lang na babae sa akin. Buntis ito, mas nauna ako sa kaniya pero hinayaan ko na siya dahil buntis naman.
Saglit akong tumingin sa likod ko at laking gulat ko nang makita ko si Alejandro na nakapila na din.
At sa likuran ko pa siya nakapila!
Pakiramdam ko ay unaalog ang paligid ko. Bigla akong ginapangan ng kaba. Para akong nahihilo, habang ang dibdib ko ay punong-puno ng kaba.
Pasimple akong umabante sa harapan dahil tapos na iyong buntis na babae. Nahihiya ako! Hiyang-hiya ako habang inaabot ang dalawang balot ng napkins sa cashier. Hindi ako makatingin sa gilid ko ngayon.
Sa gilid ng mata ko ay nararamdaman ko na nakatingin siya sa akin. Saglit akong napatingin sa kaniya, ngunit kaagad ko din binawi dahil sa sobrang kahihiyan na nadarama.
"Eighty five po ma'am!" Masayang wika ng cashier sa akin. Halos mapatalon pa ako sa gulat dahil sa boses nito na sobrang lakas. Napangiwi ako saglit nang makita ko itong nakatingin sa lalaking nasa gilid ko lang ngayon.
Kinuha ko ang pouch ko. May one hundred ako dito, bukod doon ay puro libo na. Kinuha ko ang one hundred at dahan-dahan iyong inaabot sa cashier. Masaya naman iyong tinanggap ng kahera.
"I received 100!" Halos mabingi ako sa boses nito. Ngumiti pa ito kay Alejandro na siyang ikina-inis ko ngayon.
My goodness!
Bahagya akong umirap,
Nang mailagay na sa shoot ang binili ko ay inabot na iyon sa akin ng lalaking kasama niya na bagger. Kaagad ko itong inabot at naglakad na palayo sa counter.
Bakit ba ang init ng ulo ko? I don't care if that woman still smiles at him ?! E ano kung ngumiti iyong cashier kay Alejandro?
"Ang flirt!" Laman ng isipan ko habang naglalakad dito sa mall.
I passed someone selling waffles. Suddenly I started craving it. Siguro'y apat na hakbang lang ang nagawa ko nang malagpasan ko ito, ngunit bumalik ako dito at tumingin sa mga flavors.
I love spicy food. I feel greedy when I eat spicy food.
"Yes ma'am?" Tanong ng isang lalaki na nagtitinda ng waffles.
Itinuro ko ang spicy flavor may tuna ito sa loob.
Ngumiti ang lalaki sa akin habang inaayos at inaasikaso ang order ko. Napatingin naman ako sa paligid ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil wala akong nakitang Alejandro sa paligid.
Inabot na sa akin ng tindero ang waffle ko. Kaagad ko namang kinapa ang aking pera sa aking pouch. Halos manlumo ako nang puro buo ang mga nakita ko. Kaagad 'kong kinuha ang one thousand at inabot iyon sa lalaking nagtitinda.
"A wala po ba kayong barya ma'am? Kaka-open lang po kasi?" Medyo alinlangan niyang tanong sa akin. Umiling ako sa kaniya. Napatingin naman ako sa aking waffle na may kagat na ngayon.
What may kagat ko na kaagad? Hindi ko na ito pwedeng ibalik dahil may kagat ko na!
"Ah! Wala kasi akong barya?" Wika ko. Ngumiti naman ito sa akin at tumango.
"Sige ma'am, libre ko na po sa inyo 'yan. Tutal, maganda naman po kayo!" Masayang wika nito sa akin habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi ako komportable sa kung anong paraan ng paghagod ng mata niya sa akin ngayon.
Maniac!
"Ito bayad niya," Pamilyar ang boses na iyon sa akin. Mabilis akong tumingin sa lalaking nasa likod ko ngayon. Sobrang lapit niya lang sa akin. Nagulat ang lalaki na tindero. Halos mamutla pa ito habang nakatingin sa likuran ko.
"Do you want to lose your job?" Tanong niya sa manyakis na tindero ng waffles.
Halos magulantang din ang ibang customers ngayon sa paligid namin. Ang iba ay nakiki-chismis na din sa nangyayari.
"I saw how you stared at this woman before? I didn’t like the way you looked at this woman?" Wika pa ni Alejandro dito. Lalong namutla ako lalaki.
Sumingit na ako sa eksena,
"Ah wala naman siyang ginagawang masama?" Wika ko kahit totoo naman ang sinabi niya tungkol sa lalaking ito?
Nanlilisik naman ang mata ni Alejandro habang nakatingin siya sa akin at sa lalaki ngayon. Pabalik-balik ang tingin niya. Nakita ko na nagtagis ang mga bagang nito. Marahil sa sobrang inis?
Nakita ko na kinuha ni Alejandro ang phone niya at may tinawagan.
"Take out the trash here at your mall, Heracles!" Wika niya. Halos manlaki ang mata ko?
Kilala niya si Heracles? Kilala niya ang pinsan ko? So from that start ay alam niya na pagmamay-ari ni Heracles itong mall na ito? Kaya ba gano'n na lang ang takot ng lalaking ito nang makita siya?
Pagkatapos niyang kausapin ang aking pinsan ay tinignan niya naman akong mabuti.
"I will take you to your condo Miss El Greco, Heracles also ordered that from me." Halos mabuga ako sa sinabi niya. Napatanga ako sa kawalan at nauna na siyang maglakad.
At paano naman nasali ang pinsan ko na si Heracles dito?!
At bakit pumayag si Heracles na pasamahin ako kay Alejandro? Gusto kong bugbugin ang pinsan ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung bakit paladesisyon siya?
Tiyak ko din na hindi ako magiging komportable sa lalaking ito, Lalo na't kasama ko siya? Bakit kasi ngayong araw pa?!
Kung alam ko lang sana'y sa iba na lang ako namili? Baka makilala niya pa ako?
Oh my goodness!