C16 16: NEW HOME
Nagmamaktol si Zoey na bumalik sa kama. Wala pang lalaking tumatanggi sa katawan niya. Si Gavin pa lamang ang gumawa niyon sa kanya. Hindi siya makapaniwala na sa tuwing inaakit niya ito ay hindi ito bumibigay kahit pa nga inaamin naman nito na may pagtingin ito sa kanya.
“Wala bang epekto sa kanya ang alindog ko? Maganda naman ako at sexy. Hindi niya man lang ba gustong tikman ang katawan ko