I Love You, Bitch/C2 NAUGHTY GIRL
+ Add to Library
I Love You, Bitch/C2 NAUGHTY GIRL
+ Add to Library

C2 NAUGHTY GIRL

“Let’s drink! Cheers!” sigaw ni Gavin matapos itaas ang baso ng rum na iniinom. Ibinangga niya iyon sa baso ng kaibigang si Jonvic.

Inaaliw niya ang sarili sa maingay na lugar na iyon na maraming taong nagsasayaw at nag-iinuman. Ine-enjoy ang bawat pag-indak kasabay ang mga ilaw na iba’t iba ang kulay at nagsasalitan sa pagkislap. Yakap niya ang isang babaeng hindi niya kilala. Basta na lang niya iyon hinatak at nakipagsayaw.

“Pare, lasing ka na. Tama na iyan” saway naman nito sa kanya at pilit na inaagaw sa kanyang bibig ang iniinom niya.

Tinabig naman niya ito. “Who told you I’m drunk? Hindi naman nakakalasing ito.” Tinungga niya ang buong laman ng baso saka nagsalin ulit at ini-straight shot iyon. Napailing naman ang kanyang kaibigan.

“You are promoted in your work right? So, we have to celebrate!” sabi pa niya sabay baling sa babaeng kayakap. “Right, Assunta?”

“It’s Alicia,” malambing na pagtatama ng babae sa kanyang pangalan. Ibinulong pa iyon malapit sa kanyang tenga na tila nang-aakit.

“Oh, Alicia, I’m sorry. My bad,” natatawang hingi niya ng paumanhin.

“You are not celebrating. Ginagawa mo lang rason ang pagka-promote ko para makapaglasing ka,” naiinis nang sabi ni Jonvic.

“You’re rude. Ayaw mo bang mag-celebrate kasama ko?”

“Hindi naman sa ganoon pare kaya lang...”

Itinaas niya ang kanyang kamay para sawayin ito sa pagsasalita. Alam na niya ang susunod na sasabihin nito. Ipapamukha lang nito sa kanya kung gaano siya kamiserable. Mula nang naglayas siya sa kanila, wala na siyang ginawa kundi ang maglamyerda. Ayaw naman niyang saluhin ang negosyo ng kanyang ama dahil alam niyang illegal ang mga iyon. Hindi niya kailanman ninais na mapabilang sa mga drug lord ng bansa. Alam niya kung anong uri ng negosyo mayroon ang kanyang ama at ayaw niyang sundan ang yapak nito. Hindi na baleng limitado lang ang perang mayroon siya, ang mahalaga, hindi iyon galing sa kanyang ama.

“Alam mo…” Itinuro pa niya ito habang naniningkit na ang mga mata. Nag-init agad ang kanyang ulo. “Kung sasabihin mo lang sa akin na bumalik ako sa daddy ko, it’s a big no! Mamamatay muna ako bago ako bumalik sa poder niya.”

Magtatatlong taon na rin mula nang maglayas siya. Mula ng umuwi siya galing ibang bansa kinontrol na ng kanyang ama ang buhay niya. Ang totoo, kahit noong nasa poder pa siya ng kanyang lolo at lola sa United States ay kontrolado na siya nito. Kahit ang pakikipag-usap niya sa sarili niyang ina ay limitado lang. Bihira nga niyang makita ito. Once a year lang kung pauwiin siya nito sa Pilipinas para makita ang kanyang ina.

Akala niya magiging okay ang huling uwi niya dito sa Pilipinas. Excited pa naman siya nang sabihin nitong maaari na siyang manatili sa Pilipinas. Ngunit hindi niya inaasahan ang madaratnan. Wala nang buhay ang pinakamamahal niyang ina. At hindi siya makapaniwala sa sinabing dahilan nito. Sinisisi niya ito sa maagang pagkamatay ng kanyang ina. Kinamumuhian na niya ito mula pa noon.

“Pero mas magiging maayos ang buhay mo kung babalik ka sa daddy mo,”giit pa nito.

“Maayos? Mula nang magkaisip ako at malaman kong tatay ko ang hayop iyon, hindi na naging maayos ang buhay ko. Impyerno! Impyerno ang makasama siya. But if you want, we can change lives. Mas okay sa akin iyon. I can be you and you can be me,” may paghamong sabi niya rito.

He will be glad to exchange life with Jonvic. Kahit nasa middle class lang ang pamumuhay nito, alam niyang masaya ito sa buhay. Jonvic has it all that he don’t have. A happy family and a good lovelife with his girlfriend. Samantalang siya, guwapo nga pero loveless naman. Hindi dahil sa walang nagkakagusto sa kanya. Wala palang talaga siyang matipuhan na bibihag sa puso niya.

He can play with girls but he can’t love them.

“You are unbelievable.” Tila suko na itong makipagkompronta sa kanya. Itinaas pa nito ang dalawang kamay at naihilamos sa mukha. Ilang beses na nilang pinagtatalunan iyon at lagi itong talo sa kanya. Hindi siya mapilit nito.

“Yes, I know.” Lumagok siya ulit ng rum sa kanyang baso. Pakiramdam niya, aanurin noon ang bigat na nakabara sa dibdib niya kahit na ang totoo kahit ilang drum pa ng alak ang inumin niya, hindi mawawala ang sama ng loob na kinikimkim niya mula pa man noon.

“Bahala ka na sa gusto mong gawin sa buhay mo. Kung gusto mong maging miserable, so be it. Ayoko nang makialam sa’yo!” Padabog nitong inilapag ang hawak na baso sa table at tumayo.

“Go!” pagtataboy niya rito. “I don’t care if all of you leave me! Matagal na naman akong nag-iisa at kaya ko ang sarili ko! Hindi ko kayo kailangan!”

Naiiling na tinalikuran na siya ni Jonvic. Alam niyang isa lang ito sa kaibigang hindi niya maaasahan. Ilang kaibigan na rin naman ang nang-iwan sa kanya dahil wala na siyang pakinabang sa kanila. Hindi na siya mayaman. Wala siyang panlibre sa mga ito at kinaiinisan nilang lahat ang ugali niya at dahil daw rebelde siya. Wala naman siyang pakialam. Hindi niya kailangan ng kaibigan basta kaya niyang mabuhay mag-isa. Sanay na rin naman siya.

Itinulak niya ang babaeng kayakap na ikinagulat nito. “Go!” sigaw din niya rito. Takot na takot naman itong tumakbo palayo.

“Oh kayo! Anong tinitingin-tingin ninyo?” Dinuro niya ang mga tao sa paligid na napatingin sa kanya dahil sa malakas niyang pagsigaw. Nilapitan din niya ang lalaking nakatitig sa kanya at itinulak iyon. “Ikaw? May problema ka ba?”

Pumatol naman sa kanya ang lalaki at itinulak rin siya nang malakas. Bahagya siyang napaurong. “Ang yabang mo a!”

“Bakit? Papalag ka ba?” Binigyan niya ng malakas na suntok ang lalaki nang makabuwelo siya. Agad na natumba ang lalaki. Napasigaw naman ang mga tao lalo na ang babaeng kasama niyon. Gaganti pa sana ang lalaki pero agad na itong napigilan ng bouncer na agad na lumapit sa kanila nang makitang nagkakagulo na.

Lumapit naman sa kanya ang isa pang bouncer at parang magaan na bag lang siyang binuhat nito at inihagis sa labas. Doble ang laki nito sa kanya. Hindi lang sa height pati na rin sa laki ng katawan. Dinaig pa niyon si Goliath.

“Sa susunod na manggulo ka pa dito, hindi lang kita ihahagis sa labas. Tatamaan ka pa sa akin!” banta ng bouncer sa kanya. Hindi naman niya magawang manlaban. Tiningnan na lang niya ito nang masama at nagpasyang umalis sa lugar na iyon.

Sobrang sakit ng ulo ang naramdaman ni Gavin nang magising siya. Hinawakan niya ang kanyang ulo bago idinilat ang mga mata. Naningkit pa ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang buong paligid. Hindi pamilyar sa kanya ang lugar na kinaroonan. Nagtataka siya kung paano siya nakarating doon at kung sino ang nagdala sa kanya. Pilit niyang inalala ang nangyari kagabi hanggang sa maalala na niya na nawalan siya nang malay sa gitna ng kalsada. Kaya lang, naglalaro pa rin sa isip niya kung nasaan siya ngayon at sino ang nagdala sa kanya roon.

“Oh, gising ka na pala.” Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses ng isang babae. Nakita niyang papasok ito sa pinto at may hawak na isang grocery bag. Dire-diretso ito sa may lamesa malapit sa kusina. Ipinatong nito ang dala-dala sa lamesa at muli siyang nilingon. “Gusto mo na bang kumain? Bumili na ako ng mga de lata, may instant noodles din at may instant cook food na rin. Anong gusto mong kainin dito?” sunod-sunod pang tanong nito sa kanya.

Hindi naman siya sumagot. Nakatitig lang siya sa magandang mukha nito. Heart shaped ang mukha nito at may singkit na mga mata. Morena rin ito pero may magandang hubog ng katawan. Medyo may katangkaran rin ito. Sa tingin niya ay hanggang balikat niya ito kapag nagpantay sila.

Naagaw ang atensiyon niya ng suot nitong halos kita na ang buong kaluluwa. Naka-spaghetti strap lang ito na kulay black at halos iluwa na ang malusog na dibdib nito. Ang short naman nito ay napakaiksi rin at parang kasing iksi na lang ng panty. Lumunok siya dahil agad na nag-init ang katawan niya. Ewan niya kung epekto pa rin ba ng alak iyon o nalilibugan na siya sa babaeng kaharap ngayon?

Lumapit sa kanya ang babae na hindi niya namalayan dahil sa pagkatulala. Pumitik pa ito sa kanyang harapan. “Hey Kuya, okay ka lang?”

“Ha?” Biglang nag-init ang kanyang mukha dahil sa pagkapahiya. Kumurap pa siya bago ngumiti. “Oo, okay lang ako. Nasaan ako at sino ka?”

May dinukot ito sa bulsa ng pantalon. Isa iyong bubble gum. Isinubo nito iyon at nginuya bago mataray na sumagot sa tanong niya. “Nauna akong magtanong sa’yo ‘di ba?”

Nakalimutan na niya ang tanong nito kaya napakamot siya ng ulo. “Ano nga ulit ang tanong mo?”

“Masyado ba akong maganda para makalimutan mo ang mga tanong ko sa’yo kanina?” tanong nito sabay ngiti nang nakakaloko.

“Iyan ba ang tanong mo? Then the answer is yes.”

Natawa naman ito na lalong nagpaganda sa mukha nito. Hindi naman mahinhin ang tawa, para nga itong walang ka-pose-pose sa pagtawa pero napangiti pa rin siya. Para siyang namangha kahit sa simpleng pagtawa nito. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman, para bang gumaan ang kanyang pakiramdam nang marinig ang pagtawa nito.

Inilapit nito ang mukha sa kanya na ikinagulat niya. Halos magdikit na kasi ang mga labi nila sa sobrang lapit nito. “Eksperto ka siguro sa mga babae. Simple lang ang banat mo pero benta sa akin a. Anyway, thank you, lover boy.” Hinaplos pa nito ang kanyang mukha bago siya tinalikuran at nagbalik sa lamesa. “Kung gusto mo nang kumain, nandito lang ang pagkain. Feel at home.”

Naglakad na ito papasok ng banyo. Narinig na lamang niya ang lagaslas ng tubig, senyales na naliligo na ito. Wala man lang itong pakialam kahit may lalaki sa loob ng bahay nito. Ni hindi yata natatakot na baka pasukin niya ito sa loob ng banyo at pagsamantalahan.

Nagpasya na siyang kumain habang hinihintay itong matapos maligo. Hindi naman niya maiwasang i-imagine ang itsura ng babae habang naliligo. Walang saplot at expose ang malulusog nitong mga dibdib. Kitang-kita rin ang hiyas nitong sinasabunang mabuti ng mga kamay nito. Napalunok siya sa naisip. Nakaramdam na naman siya ng pag-iinit ng katawan at paninigas ng kanyang hinaharap. Lalaki rin siya at hindi maiwasang mag-isip siya ng ganoong bagay pero pinipigilan niya ang sariling makagawa ng bawal na hakbang. Pinatuloy siya ng babae kahit hindi siya kakilala nito, dapat suklian niya iyon ng maayos na trato sa babae. Dapat niya itong igalang at irespeto.

Naupo na siya sa kama matapos niyang kumain. Nagpasya siyang hinataying matapos ang babae bago siya magpaalam at magpasalamat dito. Nakatapis lang ng tuwalya ang babae nang lumabas ito sa banyo. Basang-basa pa ang medyo kulot at itim nitong buhok. Tumutulo ang tubig mula sa mukha nito papunta sa malulusog na dibdib nito na natatakipan lang ng tuwalya. Hindi niya tuloy alam kung inaakit siya nito. Ramdam na niya ang paninigas ng kanyang pagkalalaki kaya umiwas siya nang tingin para malabanan ang temptasyon. Ilang ulit siyang napabuga ng hangin habang umiiwas na tingnan ang babaeng nakatayo lang sa hindi kalayuan sa kanya. Tila kakapusin siya ng hininga sa pagpipigil sa nararamdaman.

“Are you feeling arose?”

Nagulat siya sa tanong ng babae kaya hindi siya nakasagot at napanganga lang dahilan para tumawa na naman ito.

“Alam mo ang guwapo mo sana pero para kang natatameme kapag nakakakita ng sexy na babae. Ganyan ka ba talaga?”

“Of course not!” matigas na tanggi niya. “Kaya lang kasi hindi ako makapaniwala sa behavior mo? Look at you. You are almost naked in front of me.”

“Ano namang problema kung nakahubad ako sa harap mo?” Nagulat siya nang biglang ilaglag nito ang tuwalya at tumambad sa harapan niya ang hubad na katawan nito. Ang hubog ng katawang ini-imagine lang niya kanina ay nasa harapan na niya. Parang nagyayaya ng isang matinding labanan sa kama.

“Hey! What are you doing?” Mabilis niyang nilapitan ang babae at dinampot ang tuwalya at ibinalot sa hubad na katawan nito. Kahit na nakaramdam siya ng init ng katawan sa babaeng ito, hindi niya pa rin hahayaang matukso siya nito. Marunong pa rin siyang gumalang sa babae lalo na at may utang na loob siya dito.

Ikinagulat nito ang naging reaksiyon niya. “Wow! Kakaiba ka talaga. Siguro bakla ka ano?”

“What?” Biglang nagsalubong ang kilay niya. Hindi siya makapaniwala sa lumalabas sa bibig ng babaeng ito. Porke ba hindi niya ito pinapatulan ay bakla na agad ang tingin nito sa kanya. Ito palang ang nagsabi sa kanya ng ganoon. Nainsulto siya pero hindi niya ito papatulan.

“Bakla ka ba? Ikaw lang ang nakilala kong lalaking tumatanggi sa nakahain na.” Tumalikod ito at tinungo ang cabinet saka kumuha ng damit. As usual, kinapos na naman ng tela ang pinili nitong isuot. Isang blouse na bitin na halos kita na ang puson at isang cotton short na sobrang iksi na halos kita na ang maputing singit nito.

“Wala ka bang matinong damit?” tanong niya dito sa halip na sagutin ang nakaka-offend na tanong nito sa kanya.

Tumaas naman kilay nito na humarap sa kanya. Nag-cross arm pa ito. “Alam mo ikaw, masyado kang pakialamero. Hindi ka pa ba aalis?” pagtataboy nito sa kanya.

“Pinapaalis mo na ba ako?” tanong pa niya.

“Bakit? Balak mo bang mangupahan sa apartment ko?” sarkastikong tugon nito.

Ngumisi siya. Naisip niyang sakyan ito. “Puwede naman. Magkano ba ang upa mo dito? Share na lang tayo.”

“Seryoso ka?” Tumaas ang kilay nito. Halatang hindi ito naniniwala sa biro niya.

Tumango naman siya kahit ang totoo, wala naman siyang balak makitira sa babaeng ito. Sa unang araw pa lang niya dito ay inaakit na siya. Baka mamaya ay bumigay siya dito at mabuntis niya ito nang wala sa oras. Wala sa plano niya ang mapikot ng isang estranghero. Oo, estranghero pa rin ito sa kanya dahil sa tagal na nilang magkausap, ni hindi niya alam ang pangalan nito.

“Sorry, no vacancy. Nakita ko ang laman ng wallet mo at kulang pa pambayad ng upa dito,” nakangiti ngunit may pang-iinsultong sabi nito sa kanya.

Nagulat siya sa sinabi nito kaya napatingin siya sa kanyang pang ibaba pati na rin sa suot niyang damit. Bakit ba ang tanga niya? Ni hindi man lang niya napansin ito habang kumakain siya o kahit noong pagkagising niya. Ngayon lang niya na-realize na ibang damit pala ang suot niya. Isang white short na mataas sa tuhod niya ang haba at t-shirt ding puti na fitted sa kanya. Buti na lang at hindi siya nakaalis na ganito ang suot niya. Nawala yata siya sa sarili dahil sa inaakto ng babaeng pang-aakit sa kanya.

“Nasaan ang pantalon at damit ko?” Iyon ang naitanong niya sa halip na sagutin ang sinasabi nito. Napangisi naman ang babae na parang lalong nang-aasar.

“Nilabhan ko po, Mr. Jameson. Iyong wallet mo naman, itinago ko muna pati na rin ang cell phone mo. Huwag kang mag-alala, ibabalik ko kapag paalis ka na.”

“Paano ako aalis na ganito ang suot ko?” Alam niyang pambabae ang suot niyang damit. V-neck kasi ang t-shirt na suot niya at ang short na suot niya ay maliit sa kanya.

“Problema ko ba iyon? Kung gusto mo, hintayin mong matuyo ang damit mo bago ka umalis. Kaya lang, kapag nagtagal ka ng higit pa sa isang buong araw, charge ka na ng 500 para sa upa mo. Bawal magreklamo, hindi na po uso ang libre sa panahon ngayon.” Nilaparan pa nito ang pagkakangiti para lalo siyang maasar.

“Ang lupit mo,” reklamo niya na nailing.

“You’re welcome,” nakangiting sabi nito na tila lalong nang-aasar.

“Unbelievable!” naisaloob niya habang naiiling na nakatingin sa babae.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height