C26 NECKLACE
Oras na para gawin niya ang binabalak na pagtakas. Pigil ang kanyang hininga nang makalabas ng kuwarto at maglakad sa kahabaan ng pasilyo. Sa wakas ay narating din niya ang malaking wooden door sa may entrance ng mansion. Bumuntong hininga siya nang malalim bago hinawakan ang seradura niyon. Ngunit hindi pa man niya naiikot ang seradura ay may kamay na bigla na lamang humawak sa kanyang balikat