C30 ABDUCTION
Pabalik-balik si Zoey sa paglalakad sa may sala. Hindi siya mapakali at matindi pa rin ang kaba sa kanyang dibdib. Mula nang umalis si Gavin dala ang baril nito ay takot na takot na siya sa maaaring gawin nito o sa kung anong mangyari dito.
Hindi niya mapapatawad ang sarili kung may mangyari mang masama sa lalaking pinakamamahal niya. Kasalanan niya ang lahat ng ito