C39 NEW IDENTITY
Abala sa pagluluto ng sinigang na bangus si Zoey nang dumating si Dancel. Napalingon siya rito nang marinig ang yabag nito.
“Oh, bakit hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka dito? Sana man lang ay nadagdagan ko na ang sinaing ko,” sabi niya. Sakto lang para sa kanya ang sinasaing niya araw-araw