I Love You, Bitch/C4 SAVE BY THE DEVIL
+ Add to Library
I Love You, Bitch/C4 SAVE BY THE DEVIL
+ Add to Library

C4 SAVE BY THE DEVIL

“Halika na!” Puwersado ang paghila sa braso ni Zoey ng kanyang tiyahing si Devorah. Pilit siya nitong ipinapasok sa loob ng isang bahay-aliwan. Panay ang tulo ng kanyang luha habang pilit na nanlalaban sa kanyang tiyahin. Pinabibigat niya ang kanyang katawan at ayaw niyang ilakad ang kanyang mga paa kaya naman nakakaladkad siya nito.

“Ano ba, Zoey? Huwag ka na ngang magmatigas pa! Huwag mo na akong pahirapan dahil pagod na ako sa hirap na binigay ng mga magulang mo! Panahon na para mabayaran mo ako!” galit na galit na sabi nito.

“Pero ayoko pong pumasok diyan.” Kahit sa murang isip pa lang ay alam na niya ang lugar na iyon. Marami sa mga kapitbahay nila ang doon nagtatrabaho. Isang beses ay dinala na siya roon ng isang kapitbahay nila. Ang alam kasi niya ililibre lang siya nito ng makakain kaya sumama siya. Hindi niya alam na may balak pala itong ipasok siya roon. Buti na lang at nakatakbo siya nang mabilis at nakapagsumbong agad sa kanyang ina na noon ay nabubuhay pa.

“Wala kang choice! Kaya huwag ka nang mag-inarte.” Lalo nitong nilakasan ang paghila sa kanya kaya naipasok din siya nito sa loob. Sinalubong naman agad sila ng isang babaeng nasa trenta mahigit lang yata ang edad. Sexy ang pananamit nito at puno ng make up ang mukha. May hawak din itong sigarilyo sa isang kamay at hinihithit iyon.

“Magandang hapon, Cordelia,” bati ng kanyang tiyahin sa babae. Ang kanina ay galit na mukha nito ay napalitan ng ngiti. Halatang ka-plastikan lang iyon. Alang-alang sa malaking pera naghihintay na mahawakan ng kamay nito sa oras na magtagumpay itong maibenta siya.

“Sino siya?” Nakataas ang kilay na sabi nito matapos magbuga ng usok sa harap niya. Halos maubo siya nang pumasok ang usok niyon sa ilong niya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Kinikilatis siyang mabuti. Pakiramdam nga niya ang hinuhubaran na siya nito sa pamamagitan lang nang pagtingin.

“Pamangkin ko. Zoey Lorraine ang pangalan niya,” pakilala sa kanya ng tiyahin. Kinurot pa siya nito sa singit at binulungan na, “umayos ka.” Hindi na siya nakadaing sa sakit ng kurot nito. Tumayo na lang siya nang tuwid pero nakayuko pa rin at panay ang paghikbi.

“Nice name.” Inikutan siya nito habang kinikilatis ang kanyang kabuuan. “Ilang taon na siya?”

“Seventeen,” sagot pa ng kanyang tiyahin.

Iniangat naman ng babae ang kanyang mukha at tinitigan iyon. “Maganda siya. Tiyak na papasa siya sa panlasa ng mga customer. Virgin pa ba siya?”

“100% virgin. Guaranteed.”Nag-thumbs up pa ito at ngiting-ngiti.

Gumuhit rin ang ngiti sa mukha ng babae. “Konting ayos lang sa kanya at puwede na siyang isalang mamaya.”

“Ayoko po,” pagtanggi niya kasabay ang pag-iling at pag-iyak.

“Wala nang atrasan ito kaya huwag ka nang magreklamo. Ihanda mo na lang iyang katawan mo dahil tiyak na mapapalaban ka,” sabi ng tiyahin niya na lalong nagpabilis ng tibok ng kanyang puso. Napayakap tuloy siya sa kanyang sarili. Matagal niyang iningatan ang kanyang katawan kaya hindi niya akalaing sa ganoong lugar lamang siya babagsak.

“Oh paano, okay na ba sa’yo ang 50,000?” tanong naman ng babae sa kanyang tiyahin.

“Wala bang dagdag? Virgin naman iyan. Tiyak na malaki ang kikitain mo diyan. Tubong-tubo ka,” nakangising sabi ng kanyang tiyahin. Halatang sabik na sabik sa perang ibabayad ni Cordelia.

“Naku! Wala pa naman kasi kaming mayayaman na mga customer dito. Puro mga pipitsugin kaya kung mamalasin pa iyang alaga mo e baka mapunta pa siya sa kuripot na customer.” Nakasimangot na sabi ni Cordelia kahit ang totoo ay marami na silang regular na mayayamang costumer. Dinadayo na rin ang kanyang bahay-aliwan dahil sa magaganda talaga ang mga pinipili niyang maging tagabigay ng aliw. Hindi siya basta-basta kumukuha ng mga hindi de-kalidad na babae.

“E ‘di huwag mong ibigay sa kuripot. Aba! Bihira ka namang makakita ng virgin na maganda pa. Iba ang ganda niyan kumpara sa mga pokers mo dito,” pangungumbinsi pa nito.

Muli siyang tinitigan ng babae. “Sabagay. Well-formed na ang boobs niya kahit seventeen palang siya. Maganda rin ang hubog ng puwet at infairness, pang-Miss Universe ang tangkad niya. Sige, dadagdagan ko ng 25,000.”

Nangislap naman ang mata ng kanyang tiyahin dahil sa sobrang tuwa nang ilabas ng babae ang malaking halaga ng pera mula sa bag nito. Kumikinang ang mga mata nito sa laki ng halagang nakikita. Hindi pa man lumalapat sa palad nito ang pera ay parang naglalaway na ito.

“Fully paid na ito. Wala ka nang hahabulin pa once na nakuha mo na ang pera,” sabi pa ni Cordelia nang iabot na ang pera kay Devorah. Inamoy-amoy pa ng huli ang perang hawak saka sunod-sunod na tumango.

“Makakaasa ka. Sa’yong-sa’yo na siya,” masayang sabi nito saka siya binalingan. “Tama na ang iyak. Bayad ka na sa utang mo. Magpasalamat ka kay Cordelia, sinagip ka niya.”

“Pagsagip ba ang tawag mo roon? Pinagkanulo mo ako. Mas masahol ka pa sa Hudas!” Gusto man niyang isigaw iyon sa harap ng tiyahin ay hindi niya magawa. Naunahan siya ng takot at ang tanging magagawa lamang niya ay ang umiyak.

“Bawal ang iyakin dito. Dapat malakas ang loob,” sabi sa kanya ni Cordelia nang makaalis na si Devorah. “Huwag kang mag-alala, hindi naman kita pababayaan dito. Libre ang bahay at pagkain mo dito at saka may suweldo ka. 70:30 ang hatian. Akin ang 70 at sa’yo naman ang 30. Malaki na rin iyon kaya bawal ang reklamo. Saka gagalingan mo lang naman at magkaka-tip ka pa. Hindi ko na kukunin sa inyo iyon. Parang bonus ninyo na.”

Hindi naman siya sumagot. Nananatili siyang nakayuko at nakikinig lang sa bawat sinasabi nito.

“Papaturuan kitang magsayaw sa mga batikan kong pokers. Gusto ko madaling matuto kasi kung hindi may parusa at hindi mo magugustuhan iyon,” pagbabanta pa nito saka binalingan ang isang lalaki sa hindi kalayuan. “Harold, tawagin mo si Bridgette at papuntahin mo dito.”

Agad namang sumunod ang lalaking inutusan at ilang sandali lang ay dumating na ang pinatawag. Lumapit ito sa kanila. “Yes Mader, pinatawag ninyo raw ako?” sabi nito saka siya pinasadahan ng tingin. “Bagong recruit?”

“Oo. Mahal ang bili ko diyan kaya turuan mong mabuti kung paano gumiling nang tama. Gusto ko, unang gabi palang niya, magkaroon na agad siya ng customer,” seryosong sabi nito.

“Sure! Kayang-kaya ko siyang turuan in just no time,” confident na sabi ni Bridgette sabay kindat. Halatang bihasa na ito sa ginagawa.

“May tiwala ako sa’yo. Sige na, isama mo na siya sa magiging kuwarto ninyo at ihanda mo na siya para maisalang na mamaya.”

Agad namang tumalima ang babae at niyakag siyang maglakad patungo sa 2nd floor. Malawak ang bahay na iyon. Hindi lang iyon basta club. Parang isang malaking bahay na maraming kuwarto. Doon siguro nagaganap ang mga hindi kanais-nais na bagay na hindi niya masikmura. Ngayon pa lang ay nandidiri na siya sa lugar na iyon at malapit-lapit na ring pandirihan ang kanyang sarili.

“Sa una ka lang kakabahan pero masasanay ka rin,” sabi pa sa kanya nang babaeng kasama bago binuksan ang kuwartong nakalaan daw sa kanya. May kalakihan ng kaunti ang kuwarto, may banyo na rin sa loob. Sa bungad pa lang nakakaengganyo na ang amoy niyon na sobrang bango. Ngayon lang siya nakalanghap ng ganoong klaseng pabango. Halatang mamahalin.

Kinakabahang umupo siya sa gilid ng kama. Naubos na yata ang luha niya dahil kusa na iyong tumigil sa pagpatak. Tinabihan naman siya nito.

“Ako nga pala si Bridgette. Ikaw, anong pangalan mo?” pakilala nito sa kanya. Mukha naman itong mabait at kahit paano ay palagay ang loob niya dito.

“Zoey Lorraine,” nahihiyang sagot niya.

“Ilang taon ka na?”

“Seventeen.”

“Ako naman 22 years old na. Limang taon na ako sa serbisyo. Katulad mo, seventeen din ako noong una akong pumasok dito,” sabi nitong parang balewala lang ang sinasabi nitong limang taong serbisyo.

“Talaga? Ibinenta ka rin ba ng tiyahin mo?” curious na tanong niya.

“Hindi. Napulot ako ni Cordelia sa kalye. Naglayas kasi ako sa amin dahil gusto akong pagsamantalahan ng step father ko.” Bigla itong tumawa. “Nakakaloka, akala ko sa pagtakas ko makakaligtas na ako. Hindi ko alam na mas malala pa pala ang daranasin ko.”

Hindi siya sumagot. Hindi naman kasi niya alam kung ano ang sasabihin. Siguro parehas lang din sila nang naramdaman nito noon. Ayaw rin nito ang naging kapalaran pero wala na itong ibang pagpipilian.

“O siya, bago pa tayo magkadramahan. Maligo ka na muna at aayusan kita. Pagkatapos ay tuturuan na kita kung paano gumiling.” Tumayo na ito at nagbukas ng cabinet. Inihagis nito sa kanya ang isang tuwalya. Inihagis din nito sa kanya ang damit na parang bra lang pero may design na kumikinang. May mga palawit na animo mga retaso. May kapartner iyong itim na short na sobrang iksi na para na ring panty pero gawa sa leather. Napalunok na lang siya bago dinampot ang tuwalya at damit. Mukha ngang wala na siyang pagpipilian kundi tanggapin ang kanyang kapalaran.

“And now, may I represent to you! Our newest lust princess, Raine!” anunsiyo ni Cordelia hawak ang microphone. Itinaas pa nito ang kamay na nakaturo sa kurtina na unti-unting bumubukas.

Masigabong palakpakan ang sumalubong sa kanya. Abot-abot ang kanyang kaba habang marahang iginagalaw ang kanyang balakang. Patalikod siyang nakatayo sa sentro ng stage na iyon na ang tanging ilaw ay ang puting bumbilyang nakatapat lamang sa kanya. Kahit hindi niya nakikita ang mga audience ay ramdam na niya ang malalagkit na tingin ng mga ito sa halos hubad na niyang katawan. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Wala sa hinagap niya na gagawin niya ito sa buong buhay niya. Hindi niya akalaing makakarating siya sa lugar na ito na kahit minsan ay hindi niya ninais na matuntungan.

Nakita niya mula sa backstage si Cordelia. Sinesenyasan siya nitong punasan ang kanyang luha. Dahan-dahan naman niyang inangat ang kanyang kamay at pasimpleng pinunasan iyon habang patuloy pa rin ang marahang paggiling. Tulad ng itinuro sa kanya ni Bridgette, iyon ang kanyang ginawa.

Kagat-labi siyang humarap sa mga taong nakapaligid at nanonood sa kanya. Sumipol ang mga iyon at naghiyawan nang makita ang kanyang magandang mukha at malulusog niyang dibdib na natatabingan lamamng ng maliit na saplot. Kitang-kita rin ang makinis niyang hita na halos kumikinang rin sa kaputian dahil sa pagtama ng liwanag sa kanya.

Muling tumulo ang mga luha niya nang makita sa mga mata ng customer ang matinding pagnanasa sa kanyang katawan. Halos maglaway ang mga ito sa kanyang katawan. May isa pang customer na hindi nakapagpigil at agad siyang inakyat sa stage at nilamas ang kanyang dibdib. Nanaas ang kanyang balahibo sa kilabot dahil sa ginawa niyon. Mabuti na lang at agad napigilan ng mga bouncer ang customer na iyon at agad ring pinalabas.

Humahagulgol naman siyang tumakbo papuntang back stage. Dumiretso siya sa dressing room at doon ipinagpatuloy ang pag-iyak. Hindi na niya kaya ang trabahong iyon. Hindi niya talaga kayang sikmurain. Ngayon palang na may lalaking humawak sa kanyang dibdib ay sobrang kinilabutan na siya. Pakiramdam niya ay naroon pa ang mga kamay ng lalaki.

Malakas na yabag naman ang narinig niya na palapit sa kanya. Nang lingunin niya ito ay galit na mukha ni Cordelia ang kanyang nakita. Agad siyang sinalubong ng malakas na sampal nito. Halos mabingi siya. Ramdam niya ang hapdi ng pagkakasampal nito sa kanya. Agad na namula ang kanyang pisngi.

“Pinahiya mo ako! Bakit bigla kang tumakbo?” nanggagalaiting sabi nito saka siya muling sinampal.

“Ayoko na po!” umiiyak na samo niya. Takot na takot siya sa galit na mukha ng babae.

“Anong ayaw? Walang umaayaw sa ganitong trabaho! Binili na kita kaya hindi ka puwedeng sumuway sa utos ko.” Hinawakan nito nang mahigpit ang kanyang panga. “Kung hindi ka babalik doon, makakatikim ka ng parusang hindi mo pa nararanasan sa buong buhay mo.”

Natakot siya sa banta nito pero hindi niya kayang igalaw ang mga paa pabalik sa kung saan naroon ang mga lalaking nagnanasa sa kanyang murang katawan. Iniisip palang niya na isa na sa mga ito ang makakakuha ng kanyang pagkababae ay natatakot na siya. Hindi talaga niya kaya. Nanginginig ang kanyang buong katawan sa takot at wala siyang kayang gawin kundi ang umiyak.

Bumalik naman si Cordelia na may dalang latigo. Galit na galit na hinampas siya nito na walang pakialam kung saan man iyon tumama. Lalo siyang napaiyak dahil sa sobrang hapdi niyon. Bawat hampas nito ay lumalatay sa kanyang balat. Wala siyang magawa kundi ang humiyaw dahil sa sobrang sakit.

“Tama na po!” umiiyak na pagmamakaawa niya pero tila wala itong naririnig at patuloy lang sa paglatigo sa kanya.

“Binalaan na kita. Kapag hindi mo ako sinunod, makakatikim ka ng parusa. Ito ang dinaranas mo ngayon dahil suwail ka!” galit na galit na sambit nito saka muli siyang hinampas ng latigo.

Humiyaw siya nang malakas at ang nasa isip niya ay may makarinig man lang sana sa kanya. Umaasa siyang may maaawa at tutulong sa kanya kahit na imposible iyon sa lugar na iyon. Pumikit siya nang mariin at hinintay ang hagupit muli nito pero isang malakas na boses ng lalaki ang narinig niya. Mabilis niyang idinilat ang kanyang mga mata at tiningnan ang lalaking nagsalita.

“I’ll kill you if you don’t stop hurting her!” banta ng lalaki kay Cordelia na mabilis na nahintakutan at parang bahag ang buntot na itinapon ang latigo.

Bigla itong lumuhod sa harap ng ginoong nasa higit trenta lang marahil ang edad pero bakas pa rin ang tikas sa katawan nito. Mestiso rin ang lalaki at mukhang napakayaman nito base sa suot nitong itim na suit. May hawak itong baril na nakatutok sa babaeng nananakit sa kanya.

“Don Guillermo,” sambit pa ng babae.

“Who is she?” maawtoridad pang tanong nito habang papalapit sa kanya. Takot pa rin ang naramdaman niya sa paglapit nito. Mabilis siyang umiwas nang tangkain siyang hawakan nito sa braso. “She was so aloof.”

“Siya si Lorraine, Don Guillermo. Bago lang po siya. Kabibili ko lang sa kanya kanina. Ibinenta ng kanyang tiyahin para daw makabayad sa utang,” sagot naman ng babae.

“I see.” Ngumisi ito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Kinikilabutan siya sa mga titig nito na puno ng pagnanasa sa kanyang katawan. Niyakap niya ang kanyang sarili at lalong sumiksik sa sulok ng kuwartong iyon. “I’ll buy her.”

“Po?” gulat na sambit ng babae.

“Don’t you hear me? I said I will buy her.” Sinenyasan nito ang lalaki sa likuran nito na may hawak na attaché case. Pinabuksan iyon sa harap ng babae at bumungad sa mga mata nito ang limpak-limpak na pera. Parang kuminang pa ang mga mata nito sa sobrang tuwa. “That was five million pesos. Take it or I leave you with no breath.”

Dahil sa takot ay mabilis na kinuha ng babae ang attaché case at hinila siya patayo. Tinulak siya nito papunta sa lalaki. “Sa’yong-sa’yo na po siya, Don Guillermo. Gawin ninyo po anuman ang gusto ninyong gawin sa kanya. Wala na po akong pakialam sa kanya.”

“Good.” Inakbayan na siya nito at giniya palabas ng kuwartong iyon.

Kahit gusto niyang lumayo ay mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Tila ayaw siyang pakawalan. Tanging hikbi ang kanyang nagawa habang naglalakad kasama nito. Wala naman siyang lakas na pumalag. Natakot siya na baka sa kanya gawin ang banta nito sa babae. Ayaw naman niyang mamatay nang maaga. Marami pa siyang pangarap pero malabo na yatang matupad pa iyon.

Mukhang ito na ang pinakamalas na araw ng buhay niya. Dalawang beses siyang naibenta sa isang araw. Nakaligtas siya sa tiyak na kapahamakan sa kamay ni Cordelia pero mukhang mas matinding kapahamakan ang naghihintay sa kanya sa mga sandaling ito. Sa kamay naman ng lalaking kilala lang niya sa pangalang Don Guillermo.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height