I Love You, Bitch/C5 SPECIAL DUTY
+ Add to Library
I Love You, Bitch/C5 SPECIAL DUTY
+ Add to Library

C5 SPECIAL DUTY

Isinakay siya sa kotse ng lalaking kilala lang niya sa pangalang Don Guillermo. Kahit gustuhin man niyang umalis sa tabi nito ay hindi niya magawa. Mahigpit pa rin ang pagkakayakap nito sa nanginginig niyang katawan.

“Are you feelling cold or you are scared of me?” tanong ng don sa kanya.

Para namang naumid ang kanyang dila at hindi makasagot. Tanging hikbi lang ang itinugon niya. Totoong nilalamig siya dahil sa malakas na buga ng aircon sa sasakyan nito at sinamahan pa ng matinding takot sa katabi.

Hinaplos naman nito ang kanyang pisngi. Inalis ang buhok na nakatabing sa kanyang mukha. Muling naglandas ang kilabot sa kanyang buong katawan. Napaatras siya at inilayo ang kanyang mukha. Ngumisi naman ang lalaki.

“Hija, huwag kang matakot sa akin. Hindi kita sasaktan,” malambing at kalmado ang boses na sabi nito.

Gusto niyang maniwala sa sinabi nito pero nakatatak na sa isip niya ang eksena kanina at ang banta nito kay Cordelia. Alam niyang kayang-kaya nitong gawin ang banta.

“I have my word. Hindi talaga kita sasaktan. Hindi ba at niligtas kita sa kamay ni Cordelia?” sabi nitong wari’y kinukumbinsi siya. Hinubad pa nito ang suot na coat at ipinatong sa balikat niya. Kahit paano ay naibsan ang lamig na nararamdaman niya. Bahagya siyang tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.

“See. So, trust me? From now on, you will work for me. Wala nang ibang gagalaw sa’yo. You will be in my security,” sabi nito saka ngumiti. Hindi na nakakatakot ang ngiti nito. Para bang mula sa pagiging lobo kanina ay nag-transform ito sa pagiging tupa.

Kumalma naman ang kanina’y takot na takot niyang pagkatao. Para bang sa sinabi nito ay nagkaroon siya ng pag-asa na nasa mabuti siyang mga kamay. Na hindi na siya babalik sa lugar na iyon. Na may tao nang poprotekta sa kanya at tatayo bilang ama. Nagpasya siyang ibinigay ang tiwala sa lalaking ito dahil sa sinabi nito. Sumama na siya nang walang angal hanggang sa makarating sila sa malaking mansion nito.

“This will be your new house,” masiglang sabi ng don sa kanya nang makapasok na sila sa loob ng napakagarang mansiyon. Halos malula siya sa sobrang laki niyon. Namangha siya sa ganda ng kabuuan ng bahay. Para bang kumikinang lahat ng mga kasangkapang naroon. Pakiramdam niya ay nasa isa siyang palasyo. “Feel at home.”

“S-sobrang laki po ng bahay ninyo. Siguro po marami kayong katulong dito,” kinakabahang turan niya.

“Actually, I don’t allow housemaid here,” seryosong sabi nito.

“Po?” Nagulat siya sa tinuran nito. Sa laki kasi ng bahay nito, imposibleng wala man lang itong katulong kahit isa.

“My helper doesn’t sit with us. They are only on call. They only stay to clean then leave with pay.”

Tumango siya pagkatapos ay muling inilibot ang mga mata. Nahagip ng mga mata niya ang isang babae na sa tingin niya ay nasa higit treinta lang din ang edad. Sa tingin niya kasing tanda ito ni Don Guillermo. Maganda ito kahit na walang make up at simple lamang ang suot na damit pero mukhang mamahalin. Pababa ito ng hagdan at palapit sa kinaroroonan nila.

Tipid itong ngumiti sa kanya pero hindi nakaligtas sa mga mata niya ang lungkot sa mga mata nito. Halata pa ngang namumugto iyon. Malaki at nangingitim ang eyebag nito. May maliit na pasa din sa gilid ng labi nito. Kahit gusto niyang itanong kung napaano iyon ay itinikom na lamang niya ang kanyang bibig. Wala siya sa posisyon para mang-usisa.

“Guill, nandito ka na pala. Sino siya?” tanong nito na ang tinutukoy ay siya.

“Magandang gabi po,” bati niya saka yumukod. Bigla siyang nahiya sa itsura niya. Itinatago lamang ng malaking coat ang suot niyang maiksi at manipis na tela. Kita pa rin ang kanyang mapuputing hita.

“It’s none of your business,” seryosong sabi ng don at parang hangin lang na nilagpasan ang ginang. Inakbayan siya nito patungo sa isang kuwarto. Nilingon lamang niya ang babaeng malungkot ang mukha habang nakatingin rin sa kanila. Kahit naaawa siya rito, wala siyang magawa kundi ang magpatianod na lamang.

“Sino po siya?” lakas loob na tanong niya nang makapasok na sila sa loob ng kuwarto na nasa ibabang bahagi lamang ng bahay na iyon. Malaki ang kuwarto. Sa tantiya niya ay mas malaki pa iyon sa dating tinitirhan nila. May walk in closet na malapit lamang sa gilid ng kama. Mayroon ding sariling banyo iyon sa loob. Malaki rin ang kama na may magarang bed sheet at mga unan. Naengganyo siyang umupo dito at damhin ang lambot niyon.

“She’s my wife,” walang emosyong sabi nito.

“Asawa ninyo po siya pero bakit hindi ninyo po pinansin man lang?” nagtatakang tanong ulit niya.

Biglang dumilim ang mukha nito at tiningnan siya nang masama. “First rule, I don’t want you to ask about my personal life. You are my servant. You don’t have any right. Understand?”

Bigla na naman siyang nahintakutan sa lalaking kaharap. Parang bigla na naman itong naging mabangis na lobo na anumang oras ay puwedeng manakmal. Yumuko na lamang siya upang hindi makita ang nakakatakot na itsura nito.

Humakbang ito palapit sa kanya at itinunghay ang kanyang ulo. Nagtama ang kanilang paningin. Ngumiti ang don sa kanya at hinaplos ang kanyang mukha. Gumapang na naman ang kilabot sa kanyang katawan.

“You must take a rest. I think it was a long night for you. You must be tired.”

Binitiwan siya ng don at tinalikuran. Naglakad na ito patungo sa may pintuan. Aktong bubuksan na nito iyon nang tawagin niya ito.

“May isa pa po akong tanong bago kayo umalis,” lakas loob ukit na sabi niya. Nilingon naman siya ng lalaki at hinintay ang kanyang tanong. “Ano pong magiging trabaho ko sa inyo?”

“Just stay here in the room and wait for my command. You have a very special duty so you must be prepared.”

“Ano naman po kayang klaseng duty iyon?”

“You will know, sooner or later,” nakangising sabi nito saka tuluyang lumabas ng pinto.

Dinagsa naman ng kaba ang kanyang puso. Parang bigla siyang kinutuban ng masama sa special duty na sinasabi nito. Kung anoman iyon, huwag sana ang iniisip niya ang mangyari.

Malamig ang gabi. Hindi mapakali si Zoey sa kanyang hinihigaan. Malambot ang kama pero hindi siya komportable. Naaalala pa rin niya ang kanyang yumaong mga magulang. Iniisip niyang hindi sana siya mapupunta sa ganoong klaseng lugar, kung nabubuhay pa sana ang mga ito.

Makailang ulit siyang bumiling pakaliwa at pakanan. Inilibot niya ang mga mata sa paligid. Sobrang laki ng kuwartong iyon para sa kanya. Para ngang isang buong bahay na dahil naroon na rin naman ang mesang kakainan niya, may ref din sa loob at mini kitchen kung saan naroon ang microwave oven na pag-iinitan niya ng pagkain. Hindi siya marunong gumamit noon pero tinuruan na siya ng don kanina. Kabilin-bilinan kasi nito na hindi siya lalabas ng kuwarto na iyon hanggang hindi nito sinasabi. Kaya naman naroon na lahat ng kailangan niya. May magdadala rin naman daw ng pagkain sa kanya kinabukasan kaya hindi naman lahat ng pagkain niya ay iinitin lang.

Sa tingin niya, maayos na ang magiging buhay niya sa bahay na iyon. Hindi siya magugutom at walang mananakit sa kanya pero hindi pa rin niya maiwasang mapaluha.

“Nay, Tay, miss ko na po kayo. Sana kasama ko kayo sa lugar na ito. Tiyak na maginhawa ang buhay ninyo,” sambit niya saka pumikit. Nakita niya sa gunita ang nakangiting mukha ng kanyang mga magulang. Ngiting hindi na niya makikita pa kailanman.

“You shut up!” Nagulat siya sa malakas na sigaw na iyon na halos dumagundong sa buong kabahayan. Agad siyang dumilat at nakiramdam sa paligid. Tiyak niyang nanggagaling iyon sa itaas. Nahintakutan siya sa lakas ng boses niyon na tiyak niyang nanggagaling sa don na kumupkop sa kanya. Tila ba may kaaway ito.

“You don’t tell me what I will do! You are just my wife!”

“Asawa pala niya ang kaaway niya,” naibulong niya sa sarili. Napapitlag pa siya nang biglang may malakas na kalabog siyang narinig mula sa itaas. Parang bumagsak na katawan sa isang matigas na bagay. Nakarinig din siya nang tila may nabasag.

Hindi siya nakatiis at tumayo siya. Gusto niyang silipin ang nangyayari sa labas. Kinakabahan man ay naglakad siya palapit sa pinto. Lumunok pa siya bago dahan-dahang ipinihit ang seradura ng pinto.

Madilim na ang buong paligid. Lalong lumalakas ang kaba sa kanyang dibdib. Nagdadalawang- isip na rin siya kung pupuntahan pa ba niya ang lugar kung saan niya narinig ang ingay pero tumuloy pa rin siya. Dahan-dahan niyang hinakbang ang mga paa patungo sa may hagdan. Kahit madilim ay naka-adjust na ang kanyang paningin at nakikita na niya ang bawat kanyang dinaraan. May kaunting liwanag rin naman siyang nakikita mula sa itaas. Parang nanggagaling sa isang kuwarto roon.

Nakailang hakbang na siya nang makarinig siya ng yabag mula sa kuwarto na may ilaw. Mukhang may taong palabas mula roon. Kagat-labi siyang umatras. Tiyak niyang si Don Guillermo ang taong iyon. Hindi siya puwedeng makita nito. Tiyak na malalagot siya. Ayaw pa naman noon na sinusuway ang mga utos nito.

Madali pero tahimik siyang nagmartsa pabalik sa kanyang kuwarto. Dahan-dahan pa rin niyang isinara ang pinto ng kanyang kuwarto at nagbalik sa kanyang kama. Nanginginig ang mga kamay na nagtalukbong siya ng kumot. Abot-abot pa rin ang kanyang kaba na baka mahalata ni Don Guillermo na lumabas siya.

Ilang sandali lang ay nakarinig siya ng pagbukas ng seradura. Tiyak niyang pumasok mula roon ang don. Ito lang naman ang may susi ng kanyang kuwarto. Narinig niya ang yabag nito palapit sa kanya. Pigil ang hininga na nagpanggap siyang tulog. Mariin ang pagkakapikit niya at ang hawak sa kumot na nakabalot sa kanya.

Naramdaman niya ang haplos ng kamay ng don sa kanyang bewang pababa sa kanyang hita. Umakyat ang buong kilabot sa kanyang buong katawan pero hindi niya pinahalatang gising siya.

“I know you are awake,” sabi naman ng don na ikinagulat niya. Lalo niyang nadiinan ang pagkakakagat sa kanyang labi. Hindi siya kumibo at hinayaan lang ang don sa ginagawa nitong paghaplos sa kanya. Buti na lamang at makapal ang kumot na nakabalot sa kanya. Hindi direktang dumidikit sa balat niya ang palad nito.

“I need your service tonight,” anitong inilapit pa ang bibig sa punong tenga niya saka ipinasok ang kamay sa loob ng kanyang kumot na ikinagulat niya. Mabilis siyang bumangon at nakaupong umatras sa board ng kama. Inilayo niya ang katawan sa don. Hawak pa rin niya nang mahigpit ang kumot na nakabalot sa kanyang katawan. Puno ng takot ang kanyang mga mata na nakatingin sa don.

“Why you’re so scared?” nagtatakang tanong nito na parang balewala lang ang ginawa nitong paghaplos sa kanya.

“K-kasi Don…” halos mautal na usal niya.

Ngumiti naman ito. Nakita niya ang pagnanasa sa mga mata nito. “You are definitely a virgin. I like that.”

Pinamulahan siya ng mukha dahil sa sinabi nito. Lalo pa siyang nagsumiksik sa may board ng kama. Hinahanda niya ang sarili sa puwede nitong gawin sa kanya sa mga oras na iyon. Sana nga lang ay kaya niyang labanan ito kapag may ginawa itong masama sa kanya.

Tumayo naman ang don at nagtungo sa may mini kitchen. Naupo ito sa silyang naroon. “You stand up and make me some coffee,” utos nito sa kanya.

Hindi agad siya nakasunod sa sinabi nito. Hindi niya akalaing iyon ang iuutos sa kanya ng don. Halos maghahating gabi na kasi tapos iinom pa ito ng kape? Nakakapagtaka.

“What are you looking at? Come on, stand up there and do what I said,” bahagyang tumaas ang boses nito. Mabilis niyang inalis ang kumot na nakabalot sa kanya at lumapit sa kinaroroonan ng electric kettle. Nilagyan niya ng tubig iyon at pinakuluan.

Nanginginig pa ang mga kamay niya habang naglalagay ng kape, asukal at coffee mate sa tasa. Hinintay niyang kumulo ang tubig bago isinalin iyon sa tasa. Nakatingin lang sa kanya ang don habang ginagawa niya ang iniuutos nito. Iniabot niya ang tasang may kape sa don.

Ang kamay niya ang hinawakan nito sa halip na ang tasa kaya naman muntik na niyang mabitawan iyon. Bahagya pa nga siyang napaso nang tumapon ang laman niyon.

“S-sorry po,” hinging-paumanhin niya.

Ngumiti lang ito sa kanya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Bagay sa’yo ang suot mo.”

Agad na tinakpan niya ang kanyang mapuputing hita at dibdib. Kita iyon sa linen short na suot niya. Nakasuot din siya ng manipis na linen spaghetti kaya halos iluwa noon ang kanyang dibdib. Iyon kasi ang pinasuot sa kanya nang don matapos siyang mag-half bath kanina. Ayaw pumayag ng don na hindi iyon ang kanyang susuotin. Wala naman siyang magawa kundi ang sumunod.

“Don’t be shy. Just be proud because you have a gorgeous body.” Nasa mga mata nito ang labis na pagnanasa sa kanyang katawan.

Yumuko lang siya at hindi sumagot. Humigop naman ng kape ang don habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya. Tumayo ito at inikutan siya. Hawak pa rin ang kape sa kanang kamay.

“I don’t think you are ready now. I guess, I will postpone my plans today.”

Isang higop pa bago nito ibinaba ang tasa sa lamesa. Tinalikuran na siya nito at nagtungo sa may pinto. “Lock the door and don’t ever come out again.” Tila may pagbabanta sa tinig nito saka tuluyang isinara ang pinto.

Mariin niyang kinagat ang kanyang labi. Alam ng don na lumabas siya kanina base sa tinuran nito. Mabuti na lamang at hindi siya pinarusahan nito. Nakahinga siya nang maluwag. Kanina pa niya pinipigil ang paghinga dahil sa nakakatakot na presensiya ni Don Guillermo. Buti na lang at umalis din agad ito. Mukhang malalagutan siya nang hininga kung sakaling nagtagal pa ito.

Ngunit sa kabila ng saglit na panatag niyang puso, alam niyang may naghihintay pa sa kanyang panganib. Base sa ikinilos ng don kanina, tiyak siyang may balak itong masama sa kanya. Ayaw na lang niyang isipin kung ano iyon.

Mabilis niyang tinungo ang pinto at ini-lock iyon. Patakbo din niyang tinungo ang kama at nagtalukbong ng kumot na wari ay kaya siyang proteksyunan nito laban sa mapangahas na binabalak ng don.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height