C55 EVIL PLAN
“Doon ka sa cashier ia-assign. Siguro naman ay hindi ka madaling masilaw sa pera. Araw-araw na ino-audit ang benta kada araw kaya alam na alam kaagad kung may mawawala o may kinuha,” sabi ni Regine sa kanya pagkaturo sa kanya sa kinaroroonan ng cashier area. Naroon ang kaha at computer kung saan naka-record ang mga order ng bawat costumer. Talagang upgraded na rin ang karinderyang ito