C58 GENUINE LAUGH
Medyo malayo-layo na ang binabiyahe nila nang magpasya si Zoey na kausapin na si Gavin. Hindi niya alam kung anong dapat maramdaman ng mga sandaling iyon. Bigla siyang nakaramdam ng hiya sa hindi niya malamang dahilan. Parang hiyang-hiya sa sarili nang matagpuan siya ni Gavin kanina sa ganoong kalagayan. Hinayaan na naman niyang gawin iyon sa kanya ni Dancel. Ni hindi niya nagawang lumaban