I Love You, Bitch/C6 THE BIDDER
+ Add to Library
I Love You, Bitch/C6 THE BIDDER
+ Add to Library

C6 THE BIDDER

“Bye, Tay,”nakangiting paalam ni Zoey sa matandang driver nang makababa sa taxi. Binalingan pa siya nito. “Oy, ikaw! Umuwi ka na at huwag ka ng maglalasing. Tandaan mo, wala ka ng pera.”

“Yes, Ma’am,” biro niya dito sabay saludo. Naiiling na lang siya sa pang-iinsulto nito sa kanya palibhasa ay hindi nito alam ang tunay na status niya sa buhay.

Tinalikuran na siya ni Zoey. Tiningnan niya lang ito habang papasok ito sa loob ng casa.

“Saan kita ihahatid, hijo?” tanong naman ni Mang Damian bago muling paandarin ang makina ng sasakyan.

“Dito na lang po ako,” magalang na tugon niya saka aktong bababa ng taxi.

“Ha?” Ikinagulat iyon ng matanda. Tumitig pa ito sa kanya na tila ba tinatantiya kung nagbibiro lang ba siya o seryoso sa sinasabi niya.

“You heard me right, Tay. Dito na lang ako at dito lang din po kayo,” bilin pa niya sa matanda.

“Ha?” ulit ng matanda na para bang laging nagtataka sa sinasabi niya.

“Hintayin ninyo po ako at babalik din po agad ako. Mamaya na po ako magpapahatid sa inyo. Huwag po kayong mag-alala, babayaran ko po kayo sa abala.”

Walang nagawa si Tatay Damian kundi ang tumango. Nginitian naman niya ito bago ito tinalikuran at nagpasyang sundan si Zoey sa loob ng Desire’s Place. Nakita niya itong pumasok sa loob na isang kuwarto kasama ang isang kaibigan nitong sa tingin niya ay isang prostitute rin.

Matagal siyang naghintay hanggang sa mag-umpisa na ang bidding sa mga babaeng isa-isang lumalabas at sumasayaw sa gitna ng stage. Wala lang sa kanya na pinanood ang mga iyon. Sanay naman siya sa mga ganoong klaseng babae kahit na noong nasa America pa siya. Hindi nga lang sa ganoong lugar siya nakakakita ng mga ganoong babae, maging sa pampublikong lugar ay naglipana ang mga liberated na babae.

Bigla siyang kinabahan nang lumabas si Zoey at naglakad sa patungo sa gitna ng stage. Mabilis siyang nagtago sa madilim na sulok ng casa na iyon. Kitang-kita niya mula roon ang sexy na katawan ni Zoey na halos wala ng saplot. Suot nito ang isang tube top na may nakapatong na transparent na long sleeve at panty lace underwear. Kitang-kita niya ang malulusog nitong dibdib maging ang makinis nitong hita.

Napalunok siya habang pinagmamasdan itong gumigiling. Sa dami ng babae na lumabas at nagsayaw kanina, si Zoey lang ang nagpainit ng kanyang katawan. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganoon ang epekto nito sa kanya mula pa kaninang makita niya ito sa mismong bahay nito.

Isa-isang nilalapitan ni Zoey ang mga parokyano at tila inaakit ang mga iyon. Nagngingitngit naman siya sa galit habang pinagmamasdan ito pero pinigilan niya ang kanyang sarili na lapitan ito at hatakin palabas.

Nagsimula na ang bidding para kay Zoey. Gumitna muli si Zoey sa stage na para bang isa itong mamahaling antique na pine-presyuhan para makuha.

“30,000!” sigaw ng matandang parokyano na parang uhaw na uhaw na makipagtalik.

“50,000!” sigaw naman ng isang lalaking medyo may katangkaran. Mukhang mayaman ito at sa tantiya niya ay nasa treinta lang ang edad.

“100,000!” sabi naman ng isa pang lalaking may katandaan na rin ang itsura. Sa palagay niya ay nasa kuwarenta na ang edad nito. Lalo siyang nagngitngit. Hindi siya makapaniwalang ganoon kalaking halaga ang ipinupusta sa katawan ni Zoey para lamang makatalik ng mga ito.

“May hahabol pa bang bid sa 100,000 para kay Zoey?” tanong ng babaeng nagsasalita.

“100,000 is our last bid. May hahabol pa ba o isasara na ang bidding para kay Zoey?” tanong ng babaeng nagsasalita.

“500, 000!” sigaw niya kahit walang kasiguraduhang may makukuha siyang ganoong kalaking halaga. Isa lang ang tumakbo sa kanyang isip ng mga sandaling iyon. Hindi niya hahayaang mapunta si Zoey sa mga lalaking iyon.

Itinaas niya ang kanyang kamay pagkabanggit ng halaga. Mabilis namang lalaking lumapit sa kanya at tinanong ang kanyang pangalan. Tumakbo ito sa kinaroroonan ng babaeng nagsasalita at may ibinulong roon. Kitang-kita niya si Zoey na nakatingin sa dakong kinaroroonan niya. Mabuti na lamang at madilim roon at ipinuwesto talaga niya ang sarili sa hindi siya makikita.

“Oh my God! This is the first time na may nag-bid ng half million. May lalaban pa ba?” sabik na sabi ng babae.

Kinakabahan siya habang nakatingin sa mga tao sa paligid. Nananalangin siyang wala na ni isa sa mga ito ang mag-bid pa nang mas malaki sa halagang sinabi niya.

Wala nang lumaban pa sa half million na bid niya kaya masayang in-announce ng babae na, “Zoey was taken for worth half a million by Mr. Jameson!”

Ngiting tagumpay naman siya at nakahinga nang maluwag nang siya ang manalo sa bid para kay Zoey. Agad niyang kinuha ang cell phone sa kanyang bulsa at nag-dial ng numero. Ang numerong iyon ang pinakahuling choice na gagawin niya para sa pagkakataong iyon. Bumuntong hininga siya nang malalim bago nag-hello.

“Oh son, what makes you call?” sarkastikong bungad agad ng lalaking nasa kabilang linya.

“Give me a million now!” utos niya rito. Wala man lang siyang paggalang na animo ay utusan lang ang kinakausap.

“What? You asked me for a million?” hindi makapaniwalang saad nito. Sa tingin nga niya ay gusto nitong matawa sa sinasabi niya.

“You heard me right. Give me what I want and in exchange I give you a favor,” sabi naman niya. Kilala niya ang ama, hindi ito makakatanggi lalo na at magiging pabor dito.

“What kind of favor can you give?”

“We’ll speak to that later. For now, give me what I asked.”

“You stubborn. Just wait and I’ll send it to your bank account now.”

Ngumisi siya saka binabaan ito ng telepono. Ganoon siya kabastos sa kanyang ama. Wala siyang pakialam kahit pa magalit ito. Sanay na naman siya.

Ilang minuto lang ay tumunog na ang kanyang cell phone na nag-notify na nai-send na sa bank account niya ang perang hinihingi niya. Ganoon lang kasimple. Mabuti na lang at madali lang kausap ang kanyang ama kahit pa nga nagrerebelde siya rito.

Muli siyang tumingin sa kinaroroonan ni Zoey na nakatayo lamang sa gitna ng stage pero mukhang nakatulala ito. Hahakbang palang siya patungo sa kinaroonan ni Zoey nang bigla itong matumba. Nag-alala siya rito kaya patakbo niyang nilapitan ito at binuhat.

“Sir, bawal po ninyo siyang kunin.” Pinigilan siya ng bouncer at pilit kinukuha si Zoey sa kanyang pagkakahawak. Tiningnan naman niya ito at dinukot ang kanyang wallet na naglalaman ng identification card niya.

“I’m Mr. Jameson. I bought her for half a million,” pagpapakilala niya saka ibinulsa na ang I.D matapos makita iyon ng bouncer at maniwalang pag-aari na niya si Zoey. Binalingan niya ang babaeng tinatawag na Aloha. “I’ll send you the money later. Just wait for a minute. I will just take her to my car.”

Pinayagan na siyang makalabas kasama ang dalaga pero nakasunod ang isang bouncer sa kanila. Sinisiguro nito na maise-send ang pera sa bank account ni Aloha bago siya tuluyang makaalis sa casa na iyon.

Agad niyang tinungo ang kinaroonan ng taxi ni Tatay Damian na naka-parking sa hindi kalayuan. Taranta naman ang matanda nang makita ang kalagayan ni Zoey.

“Anong nangyari sa kanya, hijo?” nag-aalalang tanong ng matanda.

“Saka ko na po ipapaliwanag, itay.” Inilapag niya si Zoey sa back seat ng kotse at saka dinukot ang cell phone sa kanyang bulsa at hinarap ang bouncer.

“Anong bank account ng amo mo?” tanong niya sa bouncer. May iniabot namang papel ang lalaki sa kanya. Nakasulat roon ang bank account ng babaeng nagngangalang Aloha. Nag-type siya sa cell phone at awtomatikong may dumating na notification sa kanya. Ipinakita niya iyon sa lalaki. Tumango naman ang lalaki saka sila tinalikuran.

“Tara na po, Mang Damian. Ihatid ninyo na lang po muna kami sa bahay niya,” aniya sa matanda nang makasakay na siya sa taxi.

“Sige.” Agad namang pinaandar ng matanda ang taxi at inihatid sila pabalik sa apartment ni Zoey.

Nang makarating sila ay agad na niyang ipinasok sa loob ang dalaga at inihiga sa kami. Nakasunod naman si Mang Damian.

“Alis na ako, Gavin,” sabi ng matanda.

“Sige po, Tay. Salamat,” sagot niya pero hindi nakatingin sa matanda. Ang mga mata niya ay nakatutok pa rin sa mahimbing na natutulog na dalaga.

“Sabi ko, aalis na ako. Baka naman puwede mo na akong bayaran sa abala. Pasensiya na at matindi ang pangangailangan ko. Hindi puwede sa akin ang libre,” anito na halatang nahihiya.

“Ay, oo nga po pala. Pasensya na nawala sa isip ko. Puwede po bang isang abala pa? Samahan po ninyo ako sa bangko at magwi-withdraw po ako.”

“Ikaw? Magwi-withdraw?” Halata sa mukha ng matanda ang matinding pagtataka. Siguro ay tumatak na sa isip nito na isa lamang siyang mahirap na lasing na lalaki na tinulungan ni Zoey. Makahulugang ngiti lang ang isinagot niya rito.

Sinamahan naman siyang mag-withdraw nito sa pinakamalapit na bangko roon. Nag-withdraw siya gamit ang kanyang ATM ng halagang 50,000. Alam niyang kakailanganin niya ang cash para sa kanyang pinaplano.

“Ito po ang bayad ko, Mang Damian.” Iniabot niya ang sampung libo sa matanda na lalong ikinagulat nito. Halatang hindi makapaniwala sa laki ng pera na iniabot niya rito. Nagdadalawang-isip pa nga ito kung tatanggapin o hindi ang malaking halaga.

“Napakalaking halaga naman nito, hijo.”

“Paunang bayad palang po iyan, itay.”

“Paunang bayad?” kunot ang noong tanong ng matanda.

“Opo. Bayad po iyan sa magiging serbisyo ninyo sa akin. Mula po ngayon ay ako na ang magiging amo ninyo. Magiging personal driver ko po kayo at susundin ninyo po ang mga sasabihin ko.”

Lalong kumunot ang noo ng matanda. “Sino ka ba talaga?”

“Malalaman rin po ninyo,” makahulugang sabi niya saka nagyaya na pabalik sa apartment ni Zoey.

Maagang gumising si Gavin kinabukasan para magtungo sa bahay ng kanyang ama. Maaga siyang sinundo ni Mang Damian dahil iyon ang usapan nila kagabi. Iniwan muna niya si Zoey na natutulog pa sa apartment.

Tulad ng napag-usapan ni Gavin at ng kanyang ama sa telepono. Kailangang makipagkita siya ngayon sa kanyang ama. Kahit na kinasusuklaman niya ito, nilunok niya ang kanyang pride para lang matupad ang kanyang plano.

Sa totoo lang, hindi rin niya lubos maisip kung bakit bigla na lamang sumagi sa isipan niya na tulungan si Zoey at alisin ito sa buhay na kinagisnan nito. Inaamin naman niyang na-attract siya sa kakaibang ganda at alindog nito pero hindi lang iyon ang dahilan kung bakit nais niyang baguhin ang buhay nito.

Basta bigla na lamang siyang nakaramdam ng awa dito. Hindi niya maatim na makita itong nagbebenta ng sarili sa iba’t ibang lalaki sa casa na iyon. Alam niyang hindi ito basta-basta makakaalis sa nakasanayang trabaho kung walang tutubos dito. Ang tanging pantubos ay ang halagang makukuha niya sa kanyang ama sa oras na magkasundo sila.

“Welcome my dear son,” nakangising sabi ng kanyang ama. Tumayo pa ito sa swivel chair nito at lumapit sa kanya. Hinalikan siya nito sa pisngi at niyakap. “Did you miss your father?”

“No,” diretsahan niyang sagot.

“Ouch!” panirong sabi nito na umaktong nasasaktan. Humawak pa ito sa dibdib.

“I’m here to make a deal with you.”

“What kind of deal?”

“Babalik ako sa poder mo at magtatrabaho sa kumpanya mo.”

“It’s nice to hear that from you! And what would be the exchange?”

“Ofcourse, you will open all my access in my account.” Pina-freeze kasi nito ang lahat ng account niya simula noong naglayas siya. Ibinalik lang nito iyon nang gabing manghingi siya dito ng malaking halaga.

“No problem. I’ll give you all you want. Just do all my commands.”

“Deal.” Nakipagkamay siya sa kanyang ama. Alam niyang hindi madaling makipagkasundo sa kanyang ama. Tuso ito at alam niyang pahihirapan siya nito at hahawakan sa leeg sa oras na nagtatrabaho na siya dito.

“What makes you change your mind?” usisa ng ama.

“It’s none of your business.”

Kumibit balikat ito bago bumalik sa upuan. Itinukod nito ang mga siko at pinagsalikop ang mga palad. “Until now, you are cold as ice.”

“Same like yours.”

Tumawa ito nang bahagya. “Jameson blood really runs in your veins.”

“Yeah, and I hate it.”

“Kahit gaano mo pa itakwil ang pagiging Jameson, you will still be a Jameson.”

“Quit it!” saway niya rito. “I don’t wanna hear anything about being me as Jameson. I came here to deal with you and not chat with you with nonsense.”

“Fine. Well, as a part of our deal, you will be under my command. As I said, you will work hard for access to all your account. I know that you already know what kind of business I have?”

“Yeah. All dirty business.” Alam niyang isang drug lord ang kanyang ama at ang mga negosyo nito ay may halong illegal. Kaya nga ayaw niyang maging tagapagmana nito. Ayaw niyang sundan ang tapak nitong ganoon kasama.

“Masasanay ka rin sa ganitong klaseng negosyo.”

Dapat naman talagang sanayin niya ang sarili. Pinasok niya ito at kailangan niyang panindigan.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height