C60 WORRIED
Sabay at magkahawak ang mga kamay nila habang naglalakad sa palengke. Itinuro ni Aling Celia sa kanila ang patungo roon. Sumama na rin ito sa kanila pero humiwalay rin ng landas dahil may iba pa raw pupuntahan ito.
Palinga-linga si Zoey sa paligid. Napakaraming tao sa palengke. Magkakaiba ng landas na pinupuntahan