C63 UNEXPECTED VISITOR
“Napasarap yata ang kuwentuhan ninyo ni Nanay Celia a,” sabi ni Gavin nang makarating siya sa bahay.
“Medyo lang. Masaya kasing kausap si Nanay Celia. Marami siyang kuwento,” aniya pero hindi naman masigla ang kanyang boses. Dire-diretso din siyang naupo sa mahabang silya at tumabi kay Gavin na nanonood ng telebisyon.
“Mukha hindi ka naman masaya,” pansin naman ni Gavin