C67 DECISION
Hindi makatulog si Zoey nang mga iyon. Pabiling-biling siya sa higaan. Hindi siya mapakali sapagkat alam niyang oras na malaki ang tampo sa kanya ni Gavin. Hating-gabi na ay wala pa rin ito sa kanyang tabi.
Panay pa rin ang pahid niya sa kanyang mga luha. Napakabigat ng kanyang pakiramdam. Parang may nakadagan sa kanyang puso