C68 UNPREPARED
“Sino ba ang lalaking iyon?” tanong ni Mang Alvin.
Nakaupo na sila sa harap ng hapag-kainan. Hindi pa rin makasubo si Zoey kahit na kanina pa nakalagay ang pagkain sa kanyang plato. Lumalamig na ito pero hindi man lang niya magalaw. Nakatulala siya pagkain habang hawak ang kutsara. Napakalayo ng kanyang isip. Naglalakbay sa kung saan.
“Siya si Dancel,” tugon naman ni Gavin sabay buntong-hininga
