+ Add to Library
+ Add to Library

C7 PAID

Napanganga pa si Mang Damian nang makita siyang lumabas sa mansion matapos niyang makipag-usap sa ama. Wala itong kakurap-kurap na nakatitig sa kanya. Para itong nakakita ng isang greek god na bumaba sa lupa.

Hindi naman niya ito masisisi dahil ibang-iba na ang kanyang porma ngayon. Naka-business suit siya na mamahalin at may hawak na itim na attaché case. Sinadya niyang magpalit ng suot upang maisakatuparan ang kanyang planong pagtubos kay Zoey mula sa kamay ni Aloha. Alam niyang hindi sapat ang limang daang libong piso na ibinayad niya kagabi para tuluyang matubos si Zoey.

Hinawakan niya ang baba ni Mang Damian at iniikom ang bibig niyon. Tila naman napahiya ito at yumuko.

“Tay, bumalik na po kayo sa inyong bahay. Kapag tumawag si Zoey sa inyo para kumpirmahin ang nangyari kagabi, sabihin ninyo na wala kayong alam. Basta inihatid mo lang kami sa apartment niya. Wala na kayong sasabihing iba bukod doon. Wala rin po kayong pagsasabihan tungkol sa nangyari ngayon. Nagkakaintindihan po ba tayo?”

Tumango naman ang matanda at nagmamadaling sumakay sa taxi. Pero bago ito umalis ay nagtanong pa ito sa kanya.

“Paano ka?” Iniisip nitong hindi siya makakauwi nang walang sasakyan.

“I have my car. Don’t worry.”

Tumango naman ang matanda at pinaandar na ang sasakyan at umalis.

Nagtungo naman siya sa Desire’s Place sakay ng kanyang magarang kotse matapos niyang manggaling sa bahay ng kanyang ama. Dinala niya ang sasakyang ibinigay nito sa kanyang kaarawan noong nakaraang taon. Dire-diretso siyang naglakad patungo sa receptionist na nakatayo sa lobby.

“Where is Aloha?” tanong niya sa receptionist.

“Nagpapahinga po siya sa kanyang kuwarto sa second floor,” sagot naman ng babae.

“Can you assist me to her?” pakiusap na tanong niya.

“Ay naku Sir, sorry po. Hindi po siya puwedeng gisingin.”

Inilabas niya mula sa kanyang wallet ang sampung libo piso at inilapag iyon sa harapan ng babae.

“Take me where Aloha is. Now!” maawtoridad na utos niya rito.

Kuminang naman ang mga mata ng babae at agad na lumapad ang pagkakangiti. Kinuha nito ang sampung libong piso at ibinulsa iyon.

“Tara po!”

Iba talaga ang nagagawa ng pera, naisaloob niya. Awtomatiko ang nagiging reaksiyon ng mga tao kapag nakakita ng pera. Nakakapagpabago ng isip. Tsk.

Inihatid siya nito sa second floor kung saan naroon ang kuwarto ni Aloha. Kumatok ang babae ng ilang ulit bago may nagbukas niyon. Nakasimangot na mukha ng babae ang lumabas mula roon. Halatang naalimpungatan iyon.

“Di ba’t sabi ko kapag oras ng pahinga ko, bawal akong istorbohin?” inis na sabi ni Aloha sa babae. Hindi agad siya napansin nito.

“Pasensiya na, Ma’am. May naghahanap po kasi sa inyo. V.I.P,” nahihiyang sabi nito sabay turo sa kanya.

Lumingon naman si Aloha sa gawi niya. Naningkit ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Kinikilala siya nitong mabuti.

“Mr. Jameson, right?” sambit nito.

Tipid siyang ngumiti. “Glad you remember.”

“Of course! Sino bang hindi makakakilala sa lalaking nag-bid ng 500,000 pesos sa isa sa aking mga star.” Agad na umabrisyete si Aloha sa kanyang braso. Malapad ang ngiti ng babae na pinapasok siya sa loob ng kuwarto nito.

“Come and sit here, Mr. Jameson.” Iginiya siya nito sa isang mahabang sofa at doon pinaupo. Inayos pa nito ang sarili bago tumabi at humarap sa kanya. “Anong maipaglilingkod ko sa’yo?”

“I will buy Zoey Lorraine Atienza. How much is her cost?” diretsahang sabi niya.

Saglit na napanganga si Aloha. Nanlaki ang mga mata nito sa kanyang sinabi.

“A-anong sabi mo? B-bibilhin mo ang alaga kong si Zoey?” nauutal na tanong nito sa kanya.

Tumango siya. “You heard it right.”

Hindi agad sumagot si Aloha na tila nag-iisip.

“Tell me the amount and I’ll give you the money on the spot.” Inilapag niya ang attaché case na hawak sa lamesang nasa tapat nila.

“Ah, hindi ko kasi alam kung paano ko pepresyuhan si Zoey. Honestly, we only give our stars for rent not for sale,” nakangiwing sabi nito.

“But I want her!” mariin niyang saad.

“This.” Binuksan niya ang attaché case na hawak at ipinakita sa kaharap ang limpak-limpak na pera na nasa loob niyon.

Lalong nanlaki ang mga mata ng babae at napanganga nang makita iyon.

“This is worth ten million. Is this enough for one girl?”

Hindi agad nakapagsalita si Aloha. Nakatitig lang ito sa perang nasa harapan. Hinawakan nito iyon na para bang sinisiguro kung totoo ang mga iyon at hindi lang isang panaginip.

“Sobra-sobra ito. Puwede ka pa ngang mag-take out ng isa bukod kay Zoey.”

“No, thanks. I only want Zoey,” giit niya.

“Okay. We have a deal, Mr. Jameson.” Nakipagkamay ito sa kanya. Sa wakas ay napapayag din niya ito. Ang akala niya ay hindi ito papayag pero lahat ay may katapat na halaga at hinding-hindi iyon matatanggihan ng kahit na sino. Only ignorant people will resist that big amount.

“Deal. Anyway, I have a favor to ask. Please don’t say anything about last night. Don’t tell her that I bid for her. Don’t tell her that I buy her.”

“Okay, no problem. Is that so?” ngiting-ngiting sabi nito.

“Yes.” Tumayo na siya at nagpaalam na.

Kanina pa pinagmamasdan ni Gavin si Zoey na natutulog sa sarili nitong kama. Wala itong kaalam-alam na nakauwi na ito sa sariling bahay matapos ang nangyari kagabi na pagkahimatay nito sa gitna ng bidding sa Desire’s Place. Nakaramdam siya ng awa sa babae nang makita kung paano ito gumigiling sa harap ng maraming tao at pinagpupustahan. Hindi niya alam kung paanong naaatim ni Zoey ang ganoong kapaligiran pero alam niyang wala lang itong pagpipilian.

Napapitlag siya nang biglang umungol si Zoey. Ungol na tila ba takot na takot. Pawisan na ang noo nito at hindi maipinta ang mukha nito. Agad siyang lumapit at niyugyog ang balikat nito upang gisingin ito.

“Zoey,” tawag pa niya sa pangalan nito.

Wari’y gulat na gulat naman si Zoey na biglang bumangon at umatras palayo sa kanya. Sumiksik ito sa board ng kama. Nakatitig sa kanya ang mga mata nitong may bahid ng luha. Punong-puno ng takot sa mga mata nito.

“Huwag kang lalapit,” babala nito sa kanya.

Ikinagulat niya ang reaksiyong iyon ni Zoey. Malayong-malayo ang itsura nito ngayon sa babaeng palaban na nakilala lang niya kahapon. Ano’t sa isang gabi ay biglang nagbago ito? Dahil lang ba iyon sa napanaginipan nito? Sigurado siyang masama iyon dahil mukha na itong binabangungot kanina kaya nga nagpasya na siyang gisingin ito.

Aktong hahawakan niyang muli ito upang kalmahin pero sumigaw na ito. “Huwag mo akong hahawakan!”

“Zoey, I’m Gavin,” pakilala niya. Mukha kasing hindi siya nakilala ng babae. Parang ibang tao ang nakikita nito habang titig na titig sa kanya.

Kumunot ang noo nito at naningkit ang mga mata na tila kinikilala siya. Maya-maya pa ay kumurap-kurap ito. Inikot nito ang mga mata sa paligid.

“Paanong…” usal nito.

Alam niyang nagtataka ito kung paano nakauwi kaya naman tinugon niya ito.

“I brought you here.”

“Ikaw?” kunot noo pa ring usal nito. Pagkuwan ay matagal na nanahimik. Waring napakalalim ng iniisip nito habang nakatitig sa kanya. Nawala na ang takot sa mga mata nito, napalitan na ng pagtataka.

“Oo. Ako nga. Tinulungan kita dahil nahimatay ka kagabi habang sumasayaw.”

Sandali itong nag-isip saka umiling-iling. “Hindi. Hindi naman ikaw si Mr. Jameson ‘di ba? I mean iyong lalaking nag-bid ng half million?”

“H-half million? S-saan naman ako kukuha ng ganoong kalaking halaga?” Tumawa pa siya kahit na nangingiwi. Hindi niya alam kung paanong magsisinungaling sa totoong nangyari kagabi.

Naniningkit naman ang mga mata ni Zoey habang nakatitig sa kanya. Pasimple naman siyang lumunok at umiwas nang tingin. Hindi niya magawang tumingin sa mga mata ng dalaga.

“May itinatago ka ba?” tanong pa nito sa kanya. Tumaas ang kilay nito.

“A-ano namang itatago ko sa’yo?” halos mabulol na sambit ni Gavin.

“Malay ko.” Kumibit balikat ito at tumayo sa kama. Nahagip ng kamay nito ang isang kaha ng sigarilyo na nakapatong sa side table. Kumuha ito ng isang sigarilyo at sinindihan iyon. Humithit muna ito at ibinuga ang usok niyon bago muling nagsalita.

“Bakit ka nasa casa kagabi?”

Kinabahan siya kaya’t hindi agad siya nakasagot sa tanong nito. Sandali siyang nag-isip ng isasagot.

“Ah e kasi, sinundan kita. Na-curious ako sa lugar na pinagtatrabahuhan mo.”

Nagsalubong ang kilay nito na wari ay tinatantiya ang katotohanan sa mga sinasabi niya. “Hindi ka naniniwala na isa akong prostitute kaya kailangan mong i-confirm?”

Tumango siya. “Parang ganoon na nga.”

“Are you satisfied?”

Umiling siya. “It’s not what you think. Hindi ko naman kinompirma para husgahan ka. I just want to help.”

“Help? Hindi ko naman kailangan ng tulong.” Muli itong humithit sa sigarilyo nito at ibinuga iyon.

“After what I saw last night and a minute before you wake up, I know that you need help.”

Itinigil nito ang paninigarilyo at pinatay ang apoy sa ash tray na naroon. Naniningkit ang mga matang tinitigan siya nito.

“Anong alam mo sa buhay ko?”

Kumibit balikat siya. “Nothing.”

Tumawa ito nang mapakla.

“You want to help me but you don’t have any idea about me? Nagpapatawa ka ba?”

“Of course not,” seryosong tugon niya. “I just saw in your eyes the burden you carried for a long time. Maybe that’s also the reason why you are suffering a nightmare.”

Ngumisi ito. “Hindi ko alam na manghuhula ka pala.”

“Quite,” nakangising tugon niya.

“Alam mo, bakit hindi mo na lang aminin na tinamaan ka sa akin kaya gusto mong pumasok sa buhay ko?” Hindi niya alam kung gusto na naman siyang asarin nito dahil sa nakakalokong ngiti nito.

“Lakas din ng bilib mo sa sarili mo,” natatawang sabi niya.

“Siyempre naman! Maganda ako e,” buong pagmamalaki nito.

“Bakit hindi ka magbago ng linya?” tanong pa niya.

“Do I have a choice?” balik na tanong nito sa kanya.

“Everybody has a choice.”

“Not me,” anito saka umiwas nang tingin sa kanya. “Sinubukan ko nang tumakas sa ganitong trabaho pero dito ako binabalik ng kalaparan.”

“Why don’t you give it a try once more?”

Sarkastikong tawa ang sinagot nito. “Binibigyan mo ba ako ng pag-asa? Kasi matagal nang wala sa bokabularyo ko iyon.”

“E ‘di ibalik natin,” nakangiting sabi niya habang nakatitig sa mga mata nito. Ngumiti ito at umiling. Halatang hindi makapaniwala sa kanyang sinasabi.

“Alam mo, gusto kong maniwala sa mga sinasabi mo kaya lang iniisip ko naman kung paano naman ako mabubuhay kung titigil ako sa pagiging prostitute?”

“Bubuhayin kita,” diretsahang sagot niya.

Napanganga ito sa sinabi niya saka humalakhak. “Seryoso ka?”

Tumango naman siya. “Mukha ba akong nagbibiro?”

“Hoy Mister Gavin, baka nakakalimutan mong limang daan lang iyang laman ng wallet mo. Kulang pa sa pangkain natin sa maghapon iyan,” may pang-iinsultong sabi nito.

Wala naman itong kaalam-alam na may laman ang bank account niya kaya napakamot na lang siya sa ulo. Hindi naman niya puwedeng sabihin dito na higit na sa limang daang piso ang laman ng wallet niya ngayon.

“Pambihira ka talaga. Pinaalala mo na naman ang limang daang piso ko. Nakahalumbaba na nga, nang-aasar ka pa.”

Muli itong humalakhak. Tawang walang pakialam kahit mawalan ito ng posture. Mas gusto niya ang aura nito ngayon kaysa kanina na parang ibang tao ito na takot na takot sa kahit na sinong makakasalamuha.

“Ang sarap mo kasing asarin,” sabi pa nitong hindi na nawala ang ngiti sa mga labi.

“Payag naman akong asarin mo araw-araw kung papayag ka rin sa sinasabi ko.”

“Anong sinasabi mo? Iyong ikaw ang bubuhay sa akin?”

Tumango naman siya. Muli na naman itong tumawa.

“Seryoso ka talaga ha?”

“Mukha ba akong nagbibiro?” Lalo niyang ginawang seryoso ang kanyang mukha.

“Hindi pero imposible talaga ang sinasabi mo. Paano mo naman ako bubuhayin? Anong trabaho ba mayroon ka?”

“Sa ngayon, wala pa pero bukas mayroon na,” sabi na lang niya. Hindi naman niya masabi sa dalaga ang katotohanan. Alam niyang hindi pa ito ang oras. Mas okay nang alam nito na isa lamang siyang mahirap na mamamayan na nagmamagandang-loob lang na tulungan ang dalaga.

“Kakaiba ka talaga,” naiiling na sabi nito.

“Isipin mo na lang na pagtanaw ko lang din ito ng utang na loob sa’yo.”

“Bahala ka na nga.” Kibit-balikat na sabi na lang ni Zoey saka parang biglang may naalala. “Paano mo nga pala ako naiuwi dito?”

“Nagpahatid ako kay Tatay Damian.”

“Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Ang huling naalala ko, may nag-bid sa akin ng 500,000. Kung nabenta na ako sa halagang iyon, paano mo ako nakuha?”

Bigla siyang namutla at hindi makatingin ng diretso sa mga mata ni Zoey. Paano nga ba niya ipapaliwanag sa babae ang nangyaring bidding kagabi?

“Baka nananaginip ka lang. Wala namang nag-bid sa’yo ng 500,000,” pagsisinungaling niya. Kailangan niyang panindigan ang pagsisinungaling niya. Hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin niya dito ang totoo.

“Malinaw ang isip ko kagabi. Alam ko kung ano ang nangyayari,”giit nito.

“Imposibleng alam mo dahil sa tingin ko kagabi, lasing na lasing ka na bago ka umakyat sa stage. Kaya nag-uumpisa palang ang bidding, hinimatay ka na,” pagsisinungaling ulit niya.

Kitang-kita niya ang labis na pagkunot ng noo ni Zoey. Alam niyang hindi ito naniniwala sa kanya kaya naman nilapitan niya ito at pinaupo sa silya malapit sa lamesa.

“Alam mo, gutom lang iyan. Teka at ipaghahain kita,” aniya pa saka nagtungo sa kusina at kumuha ng pagkain para kay Zoey na kanina pa niya niluto.

Sinigang na baboy at kanin ang inihain niya para sa dalaga. Tiningnan lang ito ng dalaga na para bang hanggang ngayon ay diskumpyado pa rin at hindi kumbinsido sa sinasabi niya.

“Ano pang hinihintay mo? Kumain ka na. Lipas-gutom lang iyan,” sabi pa niya at aktong susubuan na ang dalaga pero inawat siya nito.

“Ako na. Kaya kong kumain mag-isa,” anito saka sumubo ng kanin pero nakatingin pa rin sa kanya na para bang sinasabi nitong nagsisinungaling siya.

“Kung anoman iyang iniisip mo, just ignore it. Basta mamayang gabi, hindi ka na papasok sa Desire’s Place. Nagkakaintindihan ba tayo?”

“Teka, bakit hindi mo na ako papasukin e hindi pa naman ako pumapayag sa gusto mo?” Nagsalubong ang kilay nito.

“Hindi ba sabi mo, bahala na ako. So, payag ka na.”

Naiiling naman itong umirap sa kanya. “Ewan ko sa’yo.”

“Ewan means yes. Not sure but absolutely not a no.”

Hindi naman ito umimik at inirapan lang siya ulit bago sumubo ng pagkain. Alam niyang hindi niya nakumbinsi ito sa kasinungalingang hinabi niya kaya alam niyang kailangan niyang takpan ang mga butas na maglalabas ng katotohanan. Mabuti na lamang at agad na niyang nagawan iyon ng paraan.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height