C71 DREAM
Maaliwalas ang paligid. Kayliwanag na tila nasa isa siyang paraiso. Maraming puno at malawak ang kabukiran na kanyang natatanaw. Ang puso niya ay nag-uumapaw ang saya habang nakamasid roon. Para bang panatag na panatag ang kanyang loob. Walang anumang kapahamakan siyang nararamdaman.
Biglang may tumakip sa kanyang mga mata kaya’t dumilim ang kanyang paningin