C73 THE PRESS CON
“Mahigit isang linggo na pero wala pa rin tayong balita kay Zoey,” saad ni Mang Alvin kay Gavin habang magkaharap sila sa may sala. Katatapos lang nilang kumain ng agahan at naisipang magpahinga bago muling maghanap kay Zoey.
Nasa Alabang sila ngayon kung saan dating nakatira si Gavin. Isinama niya ang kanyang ama upang makatulong niya sa paghahanap