C74 SPLIT PERSONALITY
Kinaladkad si Zoey ni Dancel pabalik sa loob ng building ng Glorioso. Halos madapa na siya sa pagkaladkad nito sa kanya. Nananakit na rin ang braso niya sa sobrang higpit ng pagkakahawak ni Dancel roon.
“Dancel, nasasaktan ako,” daing niya. Pilit niyang inaalis ang pagkakahawak ni Dancel sa kanyang mga kamay.
Madilim ang mukha na tiningnan siya ni Dancel