C76 DANCEL’S HEARTBREAK
Patuloy pa ring nilalapitan si Dancel ng batang babae kahit na hindi niya ito pinapansin. Palagi pa rin itong nakangiti sa kanya at kinakausap siya. Nakukulitan na siya dito pero kahit ni isang salita ay walang lumalabas sa kanyang bibig para sawayin ito. Nakalimutan na yata niyang magsalita mula ng araw na makita niyang duguang nakahandusay ang kanyang ama
