C78 SAFE HOUSE
Mas binilisan pa ni Mang Damian ang pagmamaneho ngunit nakasunod pa rin ang itim na kotse ni Dancel sa kanila. Halata sa mukha ni Mang Damian na ninenerbiyos na rin ito. Nanginginig ang mga kamay nito sa ibabaw ng manibela habang nakatutok ang mga mata sa kalsadang tinatahak nila. Mabuti na lamang at walang masyadong sasakyan kaya’t mabilis nilang natatahak ang daan ng walang sagabal
