C79 MEMORIES
“Ate Zoey,” tawag sa kanya ng dalagitang babae. Lumapit ito sa kanya at tinabihan siya sa sofa kung saan siya nakaupo at nanonood ng tv.
Nilingon niya ito at nginitian. May hawak itong dalawang platito na may lamang blueberry cheesecake at tasa ng umuusok na kape. Inilapag nito iyon sa lamesang nasa harap niya.
“Meryenda ka muna, Ate Zoey,” nakangiting sabi nito sa kanya.
“Wow! Salamat