I Love You, Bitch/C8 CONFIRMATION
+ Add to Library
I Love You, Bitch/C8 CONFIRMATION
+ Add to Library

C8 CONFIRMATION

Pilit inaalala ni Zoey kung totoo ba ang sinasabi ni Gavin o hindi. Kahit naman nag-iinom siya, alam pa rin niya ang nangyayari kaya sigurado siyang hindi lang basta panaginip ang bidding na nangyari kagabi. Hanggang ngayon nga ay nakatatak pa sa isip niya ang pangalang binanggit ni Aloha. Hinding-hindi niya makakalimutan ang pangalang iyon.

“Zoey was taken for worth half a million by Mr. Jameson.” Paulit-ulit iyong umaalingawngaw sa kanyang tenga. Hindi siya matatahimik hanggang hindi niya nakukumpirma kung totoo ang sinabi sa kanya ng lalaking kaharap ngayon. Kailangang malaman niya ang totoo. Hindi siya papayag na basta maniwala sa isang estranghero na kahapon lang niya nakita at ngayon ay pilit pumapasok sa buhay niya na at umaastang kaya nitong baguhin ang lahat.

Naniningkit ang mga matang pinagmamasdan niya ito habang abala sa paghuhugas ng platong pinagkainan nila. Nagtataka rin siya kung bakit ba naisipan ng lalaking ito ang baguhin ang buhay niya na alam naman niyang imposible.

“Sino ba ang lalaking ito at ano ang totoong pakay nito sa akin?” naisaloob niya.

“Alam mo, sa tingin ko, naghahanap ka lang ng karamay,” sabi niya sa binata. Lumingon naman ito na nakakunot ang noo.

“Bakit ko naman gagawin iyon?” tanong pa nito.

“Miserable siguro ang buhay mo kaya gusto mong magbagong buhay kasama ko,” aniya kahit wala naman talaga siyang ideya kung anong buhay mayroon ang istrangherong kasama niya ngayon. Isa lang ang alam niya, nagrerebelde ito.

“Parang ganoon,” kibit balikat na tugon nito saka ipinagpatuloy ang ginagawa.

“Gusto mo ba talagang panindigan na buhayin ako o baka naman ikaw ang bubuhayin ko dahil dito mo yata balak manirahan sa apartment ko?” Tumaas ang kilay niya sa isiping iyon. Ni hindi niya alam kung saan talaga nakatira ito.

Humarap ito sa kanya matapos maghugas. Nagpunas ito ng kamay gamit ang towel saka umupo sa silyang nasa harapan niya.

“Wala akong balak na magpakargo sa’yo. Tulad ng sabi ko, simula ngayon ako ang bubuhay sa’yo at hinding-hindi ka na babalik sa trabaho mo,” seryosong sabi nito.

Nagtataka pa rin siya kung paanong nasasabi ng lalaking ito ang mga bagay na walang kasiguraduhan pero mukhang siguradong-sigurado ito. Napakamot siya sa kanyang ulo.

“Hindi puwedeng hindi ako babalik doon. Malaki ang utang na loob ko kay Aloha. Hindi pa ako bayad sa kanya.”

“You’re paid,” sabi pa ng lalaking kaharap niya na lalong ikinakunot ng kanyang noo.

“Paid?”

“O-oo. Sa tingin ko matagal ka nang bayad sa kanya dahil ilang taon ka nang nagtatrabaho sa kanya bilang prostitute ‘di ba?”

Saglit siyang nag-isip. Saglit na nanumbalik muli sa kanya ang mapait na alaala. Ang gabing hindi niya makakalimutan.

“Oh natulala ka na diyan?” sabi naman ni Gavin sa kanya nang mapansin nitong hindi na niya nagalaw ang kanyang pagkain.

Bigla na lang pumasok sa isip niya ang nakaraan. Umiling-iling siya upang mawala sa isip iyon. Ang araw na nagkakilala sila ni Aloha at ang pagbibigay nito ng trabaho sa kanya sa club bilang waitress. Noong una, akala niya suwerte na siya at sa wakas nagkaroon na siya ng marangal na trabaho pero akala lang pala niya iyon dahil hindi pa man siya nagtatagal sa pinasukang club ay naibenta na agad siya. Napakasaklap!

Kumurap-kurap siya at tumitig sa mukha ni Gavin bago nagsalita, “Kaya mo ba talagang baguhin ang buhay ko?”

“If you allow me, why not?”

“Kung papayag na ako, paano mo naman gagawin iyon?”

Ngumiti naman si Gavin sa kanya at hinawakan ang pisngi niya at hinaplos. “Trust me.”

“Paano naman ako magtitiwala kung hindi kita kilala? Kahapon lang tayo nagkakilala.”

“We can get to know each other well as time goes by.” Kinindatan pa siya nito na nagpalukso sa kanyang puso. Napahawak tuloy siya sa kanyang dibdib. Unang beses niyang makaramdam ng ganoon sa isang lalaki at nanibago siya.

Umatras siya at tumayo. Bigla siyang hindi naging komportable.

“Sige. Payag na ako.”

“Talaga?” Nakita niya ang biglang pagkislap sa mga mata ng binata. Masaya ba ito sa pagpayag niya?

Tumango siya. “Pero bago ako magtiwala sa’yo, kailangan ko munang alamin ang background mo. Tell me about yourself.”

“Interview ba ito?”

“Medyo?” alanganing tugon niya.

Ngumiti naman si Gavin bago nagpakilala. “Okay. I am Gavin Jameson. Living in Alabang. I am 24 years old. Single. That’s it!”

“Ang tipid mo naman,” reklamo niya.

“Iyan na muna sa ngayon. Tulad ng sabi ko sa’yo, makikilala mo rin naman ako habang tumatagal.”

“At balak mo talagang magtagal dito ha? Bakit? May pambayad ka na ba?”

“How much?”

“Wow! Yabang a. Baka naman, iyong 500 pa rin diyan sa wallet mo ang ibayad mo. Kulang pa iyon.”

“Ang liit talaga ng tingin mo sa akin ano?”

“Dapat ko bang lakihan?” nakangising tanong rin niya.

“Malaki talaga, baka hindi mo kayanin,” biro nitong sa isip niya ay may ibang kahulugan.

Hinampas niya ito sa braso.

“Akala ko gentleman ka! Bakit parang green joke iyang sinasabi mo?”

Humalakhak naman ito na tila tuwang-tuwa sa naging reaksiyon niya.

“Ikaw lang ang nag-iisip ng green. Malinis ang utak ko, walang halong kamanyakan.”

“Hindi ka talaga manyak a, tingnan natin!” naisaloob niya.

Kumandong siya sa binata at sinubukan ang bisa ng kanyang karisma. Malagkit ang tinging ipinukol niya sa mga mata nito. Inilapit niya ang kanyang mukha hanggang sa kaunting espasyo na lamang ang pagitan ng kanilang mga labi. Hinaplos niya ang mukha nito pababa sa mga muscles nito sa braso. Pinisil-pisil niya iyon bago kinuha ang mga kamay nito at inilagay sa kanyang malulusog na dibdib.

“Kung hindi ka manyak, tatanggihan mo ba ang mga ito?” Lalo pa niyang idiniin ang kanyang katawan sa katawan ng binata. Ramdam niya mula sa kanyang pang-upo ang paninigas ng malaking kargada nito na nasa pagitan ng mga hita. Ngumisi siya. Alam niyang apektado ang lalaki sa kanyang matinding alindog.

Kitang-kita niya ang paglunok ng binata at pamumula ng mukha nito. Bakas din sa mukha nito ang tensiyon. Nagbubutil-butil ang pawis nito sa noo. Halatang kinakabahan at may pinipigil na kung ano sa kaibuturan ng katawan nito.

“A-ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?” halos mautal na sambit nito. Mabilis na inalis nito ang kamay sa dibdib niya.

“Inaakit ka! Bakit? Don’t you find me so attractive and sizzling hot?” malambing na bulong niya sa punong-tenga nito. Dinilaan pa niya ito.

“You are but I’m sorry. This is not the right time to do that thing.” Tumayo ito ngunit nakaalalay sa kanya para hindi siya basta na lang mahulog sa pagkakakandong dito.

“Matibay ka talaga a. Anyway, hindi ko naman talaga iaalok ang katawan ko sa walang pera.” Naglakad siya papunta sa kanyang kama at doon naupo. “Ayokong masayang ang effort ko sa pagpapaligaya sa lalaki na walang katumbas na halaga.”

“Paano mo nasisikmura ang ganyang trabaho kapalit ang malaking halaga?”

Kumuha muna siya ng isang stick ng sigarilyo sa kaha na nasa ibabaw ng side table. Sinindihan niya iyon at humithit at ibinuga bago sumagot kay Gavin.

“Sanayan lang siguro. Ikaw ba naman ang halos buong buhay mo ganito ang trabaho, hindi ka ba masasanay?”

“Well, ngayon sanayin mo na ang sarili mo na magbagong buhay. Mula ngayon, ibang Zoey ka na.” Inagaw nito ang sigarilyo na nasa kanyang bibig at idiin ang apoy niyon sa ash tray na nasa side table rin.

“Bilib talaga ako sa’yo. Ang lakas ng confidence mo na hindi mo na ako mapapabalik sa trabaho ko. Alam mo, magagawa mo lang iyan kung bibilhin mo ako at kung may milyones ka.”

Hinawakan siya ni Gavin sa magkabilang balikat at inulit ang salitang sinabi nito kanina. “Trust me.”

Tumango siya pero sa likod ng utak niya, kailangan niya munang kilalanin ang lalaking ito na bigla na lang sumulpot sa buhay niya bago siya tuluyang magtiwala rito. Mahirap nang magtiwala lalo na at hindi siya makapaniwala sa ginawa nitong kuwento patungkol sa nangyari kagabi. Alam niyang hindi siya basta-basta mailalabas nito sa Desire’s Place kung wala itong hawak na malaking halaga para ipam-bid sa kanya.

Tinawagan niya si Mang Damian nang umalis si Gavin matapos makapananghalian. Ang sabi nito, may aasikasuhin lang daw ito kaya hinayaan lang niyang gawin nito ang nais gawin. May nais rin naman siyang kumpirmahin kaya mabuti nang umalis si Gavin. Tiyak kasing pipigilan lang siya nitong lumabas ng bahay at bumalik sa casa.

“Okay ka na ba hija?” tanong ng matanda sa kanya nang makasakay na siya sa taxi nito. Kasalukuyan na silang nasa biyahe.

“Opo, ‘tay.”

“Mabuti kung ganoon. Nag-alala kami ni Gavin sa iyo kagabi. Mabuti na lang talaga at naisip ni Gavin na sundan ka sa loob ng casa.”

“Tay, may alam po ba kayo sa nangyari kagabi?”

Nakita niya ang bahagyang pagkagulat sa mukha ng matanda. Bahagya itong namutla at umiwas ng tingin. Itinutok nito ang mga mata sa kalsada bago nagsalita. “Wala, hija.”

“Nagsasabi po ba kayo ng totoo?” diskumpiyadong tanong niya sa matanda.

“O-oo naman, hija. Wala namang nabanggit si Gavin basta nagpahatid lang sa bahay ninyo pagkatapos ay umuwi na rin ako.”

Hindi na lamang siya nagtanong pa kahit na pakiramdam niya ay may nililihim ang matanda. Kung anoman iyon ay iyon ang dapat niyang alamin.

Una niyang pinuntahan si Chelsea. Naabutan niya ito sa apartment nito na natutulog pa. As usual, madumi pa rin ang buong bahay. Mula nang lumipat sila sa Desire’s Place kung saan mas level up ang pagiging prostitute dahil mas malaki ang bayad ng mga milyunaryong nagpupunta roon, naghiwalay na sila ng bahay na tinutuluyan. Mas gusto rin kasi niya ang mapag-isa. Ilang buwan niyang kasama si Chelsea sa bahay at dahil sa kadugyutan nito, hindi niya ito matantsa. Kaysa mag-away pa sila ay nagpaalam na lang siya nang maayos na bubukod na.

“Hoy bruhilda, bumangon ka na diyan.” Niyugyog niya ito hanggang sa umungot ito tanda na nagigising na ito.

“Ano ba? Natutulog pa ang tao e.” Nagtalukbong pa ito ng kumot. Hinila naman niya iyon.

“Gigising ka ba o bubuhusan kita nang malamig na tubig?” pagbabanta niya.

Agad naman itong bumangon at sinamaan siya nang tingin. “Istorbo ka naman e.”

“May gusto akong itanong,” diretsang sabi niya saka umupo sa gilid ng kama nito.

“Ano ba kasi iyon?” iritableng sabi nito.

“Nahimatay ba ako kagabi?”

Sandali itong nag-isip. “Oo. Ang dami mo kasing nainom kaya nahilo ka kaagad.”

“Nag-inom? Hindi ba’t nagkuwentuhan lang naman tayo sa dressing room bago ang show?”

“Ano ka ba? Sabi mo, gusto mong mag-shot para magkaroon ka ng lakas ng loob magsayaw. Hindi ba gawain mo naman iyon dati pa para masikmura mo ang panghahalay na ginagawa sa katawan mo?”

Sandali siyang natahimik at nag-isip. Tama naman ito. Iyon na lang kasi ang naisip niyang paraan noon para magkalakas ng loob na sikmurain ang lahat ng nangyayari sa kanya. Pero hindi pa rin siya kumbinsido sa sinasabi ni Chelsea. Parang may inililihim ito sa kanya. Hindi rin kasi ito makatingin sa mga mata niya.

“May nag-bid ba sa akin ng half million?” tanong ulit niya.

“Half million?” gulat na gulat ito sa binanggit niyang halaga pagkatapos ay natawa. “Nananaginip ka ba?”

“Kaya nga ako nagtatanong dahil sa pagkaalala ko kagabi, may nag-bid sa akin ng half million at Mr. Jameson ang pangalan.”

“Hay naku girl, may hang-over ka pa yata. Mabuti pa, ipahinga mo na iyan at ako ay magpapahinga na ulit. Goodnight!” Nagtalukbong ulit ito ng kumot. Wala naman siyang nagawa kundi ang mapabuntong hininga at iwan ito.

Kung ganoon, hindi nagsisinungaling si Gavin? tanong niya sa kanyang sarili. Nais maniwala ng kabilang bahagi ng kanyang isip ngunit ang kabila ay may pag-aalinlangan pa rin. Hindi siya kumbinsido sa mga sagot ni Chelsea. Nagpasya siyang magtungo sa apartment na tinutuluyan ni Aloha. Alam niyang ito lang ang makakasagot sa tanong niya dahil sa panaginip niya, kung panaginip nga ba iyon, ito ang nagsalita na may nag-bid sa kanya ng half million.

Nagbiyahe siya mula sa apartment ni Chelsea hanggang sa Desire’s Place kung saan namamalagi si Aloha. Doon na ito naninirahan mula nang masuwerteng mapangasawa nito ang matandang lalaking nagmamay-ari ng Desire’s Place.

Ilang minuto lang ay nakarating na siya roon at agad na pinuntahan ang kuwarto ni Aloha. Naabutan niya itong nagbibilang ng maraming pera sa kama nito. Limpak-limpak na halaga ang nakakalat sa kama nito.

“Zoey!” Bakas ang pagkagulat sa mukha nito. Huminto ito sa pagbibilang at titig na titig sa kanya.

“Para ka namang nakakita ng multo Ate Aloha,” sarkastikong sabi nito.

“Nagulat lang ako dahil hindi ko akalain na magpupunta ka rito ng ganito kaaga.”

“Hindi naman ako magtatagal, may gusto lang akong itanong.”

“Ano iyon?”

“Tungkol sa nangyari kagabi.”

“Alin doon? Iyong bigla ka na lang nahimatay kagabi?” sarkastikong tanong nito.

“May nag-bid ba sa akin ng half million kagabi?” diretsahang tanong niya.

Para namang nasamid si Aloha at umubo ito nang sunod-sunod. Kumunot naman ang kanyang noo sa naging reaksiyon nito. Nawe-weirduhan siya sa ikinikilos ng mga tao sa paligid niya. Mula kay Tatay Damian, Chelsea at ngayon nga ay si Aloha.

Tumawa ito bago sumagot. “Sino namang magbi-bid sa’yo ng ganoong kalaking halaga?” balik tanong nito sa kanya.

“That’s why I am asking you.”

“May hang-over ka pa yata Zoey.”

“Wala ako noon. I am okay. Completely okay.”

“Zoey, I am managing the bar and casa for a long time and I never encountered a millionaire who will bid for a half million for a professional prostitute. Pero ibang usapan kung tutubusin ka niya dahil hindi lang half million ang katumbas noon.”

May punto naman ito pero hindi pa rin siya kumbinsido. “Mr. Jameson, is he familiar?”

Hindi agad ito sumagot. Matagal itong nag-isip bago sumagot. “No.”

“Sigurado ka?”

Tumaas naman ang kilay nito at nag-cross arm. “Saan ba pupunta ang usapang ito, Zoey?”

“May gusto lang akong kumpirmahin.”

“Alam mo, kung nangangarap ka na may sasagip sa’yo sa pagiging prostitute, huwag ka nang maghangad. Hindi na uso ang knight in shining armour.”

Biglang kumirot ang dibdib niya sa sinabi nito. Nasapol ang kaniyang damdamin at bigla na lamang nabura ang kaunting pag-asa na itinanim ni Gavin sa kanya kani-kanina lang. Sino nga bang sasagip sa katulad niyang maruming babae? Si Gavin na walang binatbat at napakahirap? Wala na ngang pag-asa na makaahon pa siya.

“Pero infairness, mukhang knight in shining armour mo ang lalaking nag-uwi sa’yo kagabi.”

“Hindi ko siya boyfriend. Bagong kakilala lang.”

“Wow. Masyadong concern sa’yo ang bagong kakilala mong iyan a. Baka naman iba na ang patunguhan niyan.”

“Imposible. Hindi ang tipo niya ang papatol sa akin.”

“Paano mo naman nasabi?”

“Basta.” Ayaw niyang bigyan ng kahulugan ang ipinakitang kagandahang loob ni Gavin sa kanya.

“Alis na ako,” paalam niya.

Tama na ang mga narinig niya para paniwalaan na totoo ang sinabi ni Gavin sa kanya. Siguro nga napa-praning lang siya. Masyado siyang naapektuhan sa pagkakatulad ng epilyido ni Gavin sa epilyido ng demonyong pilit niyang kinakalimutan.

“Teka lang, Zoey,” tawag sa kanya ni Aloha. Muli naman niya itong nilingon. “You can take a break.”

“Ha?” Kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito.

“Bingi ka ba? Sabi ko, puwede kang magpahinga at hindi muna pumasok.”

“Pero bakit?”

“Huwag ka nang maraming tanong. Sundin mo na lang ako bago pa magbago ang isip ko.”

Tumango na lang siya kahit na nagtataka. Hindi ugali ni Aloha ang magbigay ng bakasyon sa mga prostitute nito. Ang gusto kasi nito ay araw-araw o gabi-gabi na may pumapasok na income sa casa. Ang isang prostitute na hindi magtatrabaho sa isang araw ay malaking kawalan na. Siguro ay sapat na rito ang binibilang na pera sa kama nito kaya hindi na muna naghahangad pa. Bigla tuloy sumagi sa isip niya kung paanong napunta siya sa poder nito at naging regular na prostitute.

Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon sa buong buhay niya. Ito ang naglubog sa kanya sa kinasasadlakan niya ngayon.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height