C85 REPENTANCE
Sa isang abandonadong gusali sila dinala ni Don Guillermo. Hindi niya sigurado kung gaano kalayo ang kanilang nilakbay mula sa safe house hanggang dito. Ngunit isa lamang ang alam niya, nasa tiyak silang panganib at anumang oras ay may masamang mangyari sa kanila.
Ibinaba sila sa kotse at dinala sa isang bakanteng silid. Walang anumang naroon kundi isang silya at isang mesa
