C16 SWEETEST PUNISHMENT
Naiinip na napatayo si Zachary sa kaniyang pagkakaupo at nagpalakad-lakad sa living room. Kanina pa niya inaantay si Samarra ngunit hanggang ngayon hindi pa ito lumalabas sa kuwarto. Talagang inuubos ng babaing ito ang pasensiya niya. Simula kasi nang umalis ang kaniyang pamilya galit na galit ito parang kakainin na siya ng buhay sa sobrang pagkainis nito
