C23 SWEET GESTURE
Pabagsak na isinara ni Samarra ang pintuan. Napipikon na siya sa ginagawang pang-aasar ni Zachary sa kaniya.
Oh, my goodness! Samarra. What did you do? Why did you let Zachary do what he wanted to you? He'll probably tease you.
Naiiling na nasapo ni Samarra ang ulo parang video clip na nagpi-play sa kaniyang utak ang nangyari sa labas. “Stop thinking, Samarra!” saway niya sa sarili
