C27 YOU MAKE MY DAY
Inis na bumaba si Samarra at hinayon ang kusina para makainom ng tubig. Pilit niyang pinapakalma ang sarili sa ginawang pagtanggi ni Zachary sa kaniyang binigay. Wala naman siyang nakikitang masama kung bigyan niya ito ng regalo. Mag-asawa naman sila at isa pa late wedding gift na nga ‘yon. Napanood niya kasi sa CHUM’S na dapat bago ikasal ang dalawang tao may gift ito para sa isa’t isa
