I love you till the end, Mr. Buenavista/C3 EZEKIEL ZEUS BUENAVISTA
+ Add to Library
I love you till the end, Mr. Buenavista/C3 EZEKIEL ZEUS BUENAVISTA
+ Add to Library

C3 EZEKIEL ZEUS BUENAVISTA

Nang matapos maghapunan, agad nagpaalam ang kanilang mga magulang para magtungo sa may lanai at mapag-usapan ang merge ng O'Harra at Buenavista sa susunod na taon.

"Why am I nervous to be with him, Ohh! Gosh! I need to see a doctor, my heartbeat is no longer normal," hindi maiwasang isatinig ni Samarra habang panabay silang naglalakad ni Ezekiel patungo sa swimming pool area. Dahil sa kaba at bilis ng tibok ng kaniyang puso minabuti na niyang maunang maglakad sa binata.

Napahinto siya at mabilis na nilingon si Kiel, bigla kasi itong tumikhim nang malakas sa kaniyang likuran. Ganoon na lang ang pag-awang ng kaniyang bibig nang makita niya na naglahad ito ng palad at ngumiti na akala mo'y mag-a-apply na modelo ng toothpaste.

Napatulala siya at nakatingin sa palad nito, mas lumawak ang pagkakangisi nito at humakbang pa ng isa paabante sa kaniya.

"I'm Ezekiel Buenavista. Twenty-four years Old. Eldest son of Calvin and Lorraine Buenavista," pagpapakilala nito sa kaniya.

She cleared her throat at wala sa loob ang pag-abot niya sa palad nito.

"Ohh!" Umiling-iling siya at napapikit. "I mean, I'm Summer, short for Samarra Miel O' Harra. The only daughter of Business tycoon Frost O' Harra and Famous international model Samantha Hernandez. Single, fifteen-year-old. Senior high school student. Never been touched, never been kissed and I'm a member of NBSB," pagpapakilala niya at tumawa siya, nang malakas para matabunan ang awkward na nararamdaman niya.

"Miel, you're prettier when you laugh," wika nito habang umupo sa mahabang bench at hinubad ang coat na suot at inilatag 'yon sa upuan, sinenyasan siya nito na upuan niya ang coat nito.

"I know," sagot niya at umupo na rin sa tabi ng binata. Napasapo siya sa kaniyang dibdib nang magkasalubong ang mga mata nila. Lumakas na naman ang tibok ng kaniyang puso parang sakit na niya ito simula kanina nang makilala niya si Ezekiel.

"Damn, why is this man so handsome. He is so hot, My God! Greek Apollo is here?!!"

"Ye-yeah, I'm O-okay!" nauutal niyang sagot dito habang tumatango-tango at pilit na ngumiti.

"Are you aware that your parents have already arranged your marriage at your age?"

Huminga siya nang malalim. "Yes," halos pabulong na sagot niya.

Sumeryoso ang mukha nito na para bang hindi nagustuhan ang sagot niya. Napalingon tuloy siya nang bigla itong tumayo mula sa pagkakaupo at naglakad sa gilid ng pool.

"So, what can you say about arranged marriage??" tanong ni Kiel na hindi siya nililingon.

"Arrange marriage is not a bad idea, as long as you're willing to learn to love your partner," sagot niya habang nakatingin sa likuran ni Kiel.

Tumayo na rin siya sa kaniyang pagkakaupo at naglakad palapit kay Kiel, para makapag-usap sila nang maayos. Napalunok siya para maalis ang bara sa kaniyang lalamunan at pinatatag ang kaniyang boses.

"Why? Don't you want to marry me, Kiel?" seryosong tanong niya sa binata.

Kasi kung ito ang kaniyang pakakasalan dapat malaman niya kung gusto ba nito o hindi. Para mas maaga makausap na nila ang parents nila na hindi na nila itutuloy ang kasalan.

Dahan-dahan siyang nilingon ni Kiel. "Don't give me that look, baby," sabi nito.

"Huh?" parang tanga na tanong niya.

Hindi niya naintindihan ang sinabi nito, mas lamang kasi ang bilis at lakas ng tibok ng kaniyang puso kaysa sa sinabi nito.

Sumilay ang pait na ngiti sa labi nito. "Your parents, arranged your marriage to my youngest brother. It's Zachary Cadden, the same age as you. Kung ako papipiliin, baka pumayag ako na ikaw na lang sana, kaso masyado ka pang bata para sa akin. At isa pa? Naka-arrange na ako sa iba, apo ng kaibigan ni Lolo. Dapat si Dad, kaso parehong lalake ang unang naging anak kaya natuloy ang kasunduan sa apo. And please? Don't fall for me because I won't catch you," nakangising sabi ni Ezekiel. Luh! He is aware that I like him.

"At kay Zach ka ipinagkasundo ng parents mo, baby!" dagdag pa nito.

"Hmpp! Bakit parang feeling ko gusto mo ako? At nanghihinayang ka," natatawang pang-aasar niya kay Ezekiel. Para mapagtakpan na rin ang pagkapahiya niya sa sinabi nito. Masyado itong presko at prangkang magsalita. Sana lang, hindi ito katulad ng kaniyang kapatid, dahil kung pareho ang dalawa, ngayon pa lang. Kailangan na niya ng mahaba-habang pasensiya.

Ngumisi ito. "Babaysot, too much confident, huh!"

"Babaysot?" ulit niya rito.

"Babaysot, short for babaeng bansot." Sabay pisil sa kaniyang pisngi at humagalpak sa tawa.

Napanguso siya sa sinabi nito.

"Aba't, talagang siraulo ito! Tawagin ba naman siyang babaysot, excuse me 5'5 kaya ang height ko."

Napasimangot at tinalikuran niya ito. At handa na niya itong layasan pero bigla siyang hinaklit sa braso ni Ezekiel.

"Stay!" baritonong boses nito.

"Don't touch me. I hate you! I'm not bansot?" Sabay hila niya sa kaniyang braso at humakbang ng isa palayo sana rito.

Napasinghap na lang siya nang buhat sa kaniyang likuran ay higitin siya paharap at hindi pa nakontento niyakap siya nang mahigpit.

"W-what a-are you doing?" nauutal niyang tanong.

"You're stammering, little witch," paanas na sabi nito.

Kinabig siya sa ulo papunta sa dibdib nito. Hindi na niya alam ang nangyayari, para bang huminto sandali ang oras at si Ezekiel lang ang kaniyang nakikita. Amoy niya ang mabangong hininga nito na pinaghalong mint and alcohol.

Suddenly her heart started beating fast at that moment.

Bago pa siya matangay sa nangyayari, Itinukod na niya ang kaniyang dalawang kamay sa matigas nitong dibdib para itulak iyon.

Ngunit mas ipinulupot nito ang braso sa maliit niyang baywang at bumulong sa tainga. "Let me hug you and stay for a while little witch."

Hindi siya nakapagsalita at makagalaw. She let her hug him and stay awhile.

"Thank you," narinig niyang bulong nito.

Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi namamalayan ni Samarra unti-unti na siyang nahuhulog sa binata. Bagama't palagi silang nagtatalo dahil sa lakas na pang-aasar nito sa kaniya. Pero lamang ang pagiging sweet at OA sa pagiging over protective nito sa kaniya. Minsan hindi niya maiwasang makaramdam ng selos sa mga babaeng lantaran kung magpapansin sa binata. Lahat gustong makalapit dito at, lahat ng mga 'yon. Parang pinagbibigyan ni Ezekiel. Damn! Tsk, playboy.

Katulad ngayon, nasa Sydney Dragway si Samarra nakaupo siya sa isang tabi nagpapahinga habang naghihintay sa binata. Ganoon na lang pagkunot ng kaniyang noo habang nakatingin sa binata. May kausap ito na isang magandang austrelyana, halos kita ang kaluluwa sa klase ng pananamit nito at halos idikdik ang dibdib sa binata.

Napabuntong-hininga na lang siya at tinitingnan ang ginagawang paghahaplos ng babae sa braso ni Kiel, sasakit ata ang ulo niya.

Mas gustong isipin ni Samarra na kung si Ezekiel ang mapapangasawa niya mas madaling mahalin at sa tingin niya magkakasundo sila. Pero malamang sa malamang mag-aaway rin sila sa dami ng babae nito.

"What are you thinking?" untag nito.

Napahawak siya sa kaniyang noo nang pitikin siya nito. "Damn, why does he always like that?"

"Ouch! Why did you do that?" tanong niya rito habang sapo pa rin ang noo.

Isinuksok ni Kiel ang kamay sa dalawang bulsa. "Why are you staring at me?" pasitang tanong nito. Tila sinusuri nito ang buong pagkatao niya.

"Duh! I'm not staring at you?" she denied and rolled her eyes.

"Really, huh?" He smirked sabay pisil nito sa ilong niya. "I know you, very well, young lady; you're lying to me."

"Really? I know that smirk too?" sabay taas niya ng kilay rito. "Too much confident Kuya Kiel." Hinampas niya ang braso nito at tumawa, para hindi mahalata ang pagsisinungaling niya.

Ganoon ba ka-obvious na nakatingin siya kay Kiel.

Napangisi ito. "I'm not convinced, Babaysot," anito at sabay akbay sa kaniya.

"Hey, don't call me liked that." Nakangusong pag-angal niya.

"It's my unique endearment, my sister-in-law." Inilagay ni Kiel ang kanang kamay at yumuko ng kaunti para magpantay ang tingin nila. Ayan na naman ang ngiting pang-model ng toothpaste at dinilaan ang pang-ibabang labi.

Napaawang ang bibig niya sa ginawa ni Kiel. Gosh!

Ipinilig niya ang kaniyang ulo. "Whatever, Kuya Kiel." She rolled her eyes.

Tumawa nang mahina si Kiel at inakbayan siya nito habang naglalakad sila palabas sa dragway. Lahat ng mga babae na naroon napapalingon sa kanila, agaw atensiyon kasi ang kaniyang kasama. Di i-ilang beses na may lumalapit dito at nagpapakita ng interest sa binata. Bukod sa pangalan na dala-dala nito ay napakaguwapo talaga.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height