+ Add to Library
+ Add to Library

C8 MY LITTLE MONKEY

Harken POV:

Pagpasok ko pa lang ng bahay agad ako sinalubong ni Butler Ton para sabihin na inaantay ako ni Dad sa office.

Ang office ay makikita sa ikalawang palapag ng aming bahay, katabi ng master bedroom. Agad kong tinungo ang office. Kumatok muna ako bago ko buksan ang pintuan, kita ko ang isang pigura na nakatayo na nakaharap sa may bintana. Naiiling akong ipinagpatuloy ang paglalakad papasok, marahil nakatanaw na naman ito sa hardin ng kaniyang ina na si Mama Ria, yumao na ang kaniyang ina limang taon na nakakalipas.

"Sir," pagpukaw ko sa malalim na pag-iisip ng aking ama, na si Daddy Kennedy Zafa.

Humarap ito pilit ang ngiti. "Hijo, dumating ka na pala, kumusta ang pag-iinspection mo sa mall?" anang ng kaniyang ama patungkol sa Zafaria Mall na kanilang Pagmamay-ari.

Zafaria Mall comes from their last name word Zafa while Ria comes from the name of his late mother.

"Maayos naman po Sir, may mga kailangan lang palitan na ilaw sa labas ng mall, 'yong mga restroom kailangan na natin maglagay ng mga bagong bidet, tapos napansin ko na kailangan pa magdagdag ng mga bench sa courtyard pansin ko maraming nagpupunta roon," mahaba kong paliwanag habang nakatayo sa harapan ng aking ama.

Ganito palagi kami mag-usap kapag kailangan kong mag-report sa kaniya na may kinalaman sa trabaho, katulad kanina inutusan niya akong magsagawa ng random check sa mall, dahil ako ang panganay na anak sa tatlong magkakapatid, responsibilidad ko na tulungan ang aking ama sa kaniyang mga negosyo at kompanya

"Ikaw, bahala ka, kung ano sa tingin mo ang magandang gagawin, gawin mo." Tapik pa sa kaniyang balikat na animo'y nakikipag-usap lang sa isang empleyado.

"May ipapagawa pa po ba kayo Sir?" tanong ko.

Sir ang tawag ko 'pag negosyo ang aming pinag-uusapan kahit hindi pa ako tapos sa aking pag-aaral. Binibigyan na niya ako paunti-unti ng trabaho lalo na 'pag wala ito sa bansa. Katwiran ng aking ama, ako raw ang mamahala ng mga negosyo namin.

Marahan itong umiling at tinapik ang aking balikat. Palatandaan na maaari na akong lumabas. Ramdam ko ang pagod dahil pagkadating ko pa lang galing Amanpulo pinapunta na ako sa mall. Buti na lang napilit kong sumama sa akin si Enzo.

Pagkapasok ko pa lang sa aking kuwarto ay agad kong ibinagsak sa kama ang aking katawan, pumikit ako nang mariin. Naalala ko ang mukha ng babaeng naka-engkwentro ko sa mall, sumilay agad ang aking ngiti ng maalala ang kaniyang mukha na namumula sa galit.

"Hark, what are we going to do there??" tanong ni Enzo.

Nakasakay kami sa aking sasakyan patungo ng Zafaria Mall malapit lang sa University, kung tutuusin puwede naman itong lakarin. Kagagaling lang nila sa kanilang bakasyon sa Amanpulo.

"I was ordered to go around the mall, random check the facilities," tipid kong sagot na hindi ito nililingon.

Ngumisi ito at lumingon sa akin na may pag-iling pa ng ulo. "I thought we would meet the super B." He even licks his lower lips.

Naiiling na lang ako kay Enzo. "Pervert!!"

Ang SUPER B stands for big boobs, bouncy ass and super beautiful. For sure, sumama lang ito sa akin dahil maghahanap lang ito ng Super B.

Ikinahalakhak lang nito ang aking sinabi. "Pervert your face, I'm a man dude!!" natatawang pagtanggi ni Enzo.

Tiningnan ko ito ng matalim. "Shut up!! Or, I'll kick you out!" pagbabanta ko sa kaniya.

Pero ang loko na Enzo ay tinawanan lang aking sinabi, pero ang ibang tao 'pag tumingin na ako ng masama halos manginig ang mga tuhod. Sabagay sanay na naman sa akin si Enzo, halos sa bahay na namin ito nakatira, magkatapat lang ang kanilang bahay sa phase V sa may Hyacinth Village.

Nang makarating kami sa mall, agad kong sinimulan ang random checked. Pumunta rin ako sa mga facilities na madalas puntahan ng mga customer. Nagtanong-tanong din ako sa mga maintenance at mga electrician kung may dapat pa bang ayusin o idagdag para sa ikakaganda ng mall, pati restroom at labas ng mall ay pinuntahan ko.

Binisita ko rin ang mga sikat na brand retail store na nagre-rent sa mall. Nang matapos kong ma-inspection ang loob ay agad kaming lumabas ni Enzo para ma-check din ang courtyard ng mall. Nang masiguro kong maayos naman agad din kaming pumasok sa loob. Bigla akong napahinto sa aking nakita.

Nakaharap ang babae sa labas ng courtyard, kaya nakaside view ito sa kinakatayuan ko. Nakangiti ito mula sa malayo hawak ang cellphone, hula ko nasa 5'5 or 5'6 ang height nito, morena, makinis ang balat. Nakasuot ito ng white dress above the knee. Ang mga binti at hita nito ay almost perfect. Ang buhok nito ay natural na alon-alon, mahaba na hanggang baywang.

Gustong-gusto ko na makita ang kaniyang mukha. Pigil ang aking hininga at nagbilang sa aking isipan.

"Babe! Humarap ka sa akin. Please... I want to see your face."

Nang pumihit ito paharap. Napalunok ako nang sunod-sunod, parang biglang bumagal ang lahat, ang kamay ko biglang nagpawis. Shit!! Para akong naiihi sa kaba, naging blurred ang paligid ng mga oras na 'yon at siya lang ang aking nakikita.

Walang bakas na kolerete ang kaniyang maganda at maamong mukha, ang kilay nito animo'y iginuhit. Ang mahabang pilik mata ay bumagay sa mata nitong kulay abuhin. Ang ilong nito ay matangos at ang bibig na maliit, natural na may pagka-pula. Ang katawan balingkinitan pero Super B siya.

Nangingiti ako sa aking naisip babanggain ko ito tapos sasaluhin bago tuluyang bumagsak ang katawan sa floor.

"Tabi!" anang ko ng banggain ito sa kaniyang likuran

Nangunot ang aking noo at naningkit ang mga mata nang makita kong halos yakapin ni Enzo 'yong babae. Paano nakarating ng ganoon kabilis si Enzo, kanina nasa likuran ko lang ito. Minabuti ko na lang ipagpatuloy ang aking paglalakad palayo sa mga ito.

"Miss, are you okay??" narinig kong tanong ni Enzo.

"Yeah, I think so??!!" malambing na tinig nito.

Mabilis akong lumingon sa kanilang dalawa na bahagya pang natigilan ang babae sa harap ni Enzo.

"Nakoww!! Patay na, naloko na. Mukhang nahulog pa ata sa charm ni Enzo."

Napasapo ako ng aking noo habang nakatingin sa dalawa. Napapangapusan ako ng hininga sa nakikita ko.

"Are you sure??" tanong pa ulit ni Enzo sa babae.

Naiiling na lang ako sa nangyayari, kaya minabuti ko ng lumapit at sumabat sa kanilang usapan.

"Yeah, I'm ok-" Sasagot sana ang babae pinutol ko na kung ano man ang kaniyang sasabihin.

Anak ng!! Kung kailan naman may nakakuha ng aking atensyon mukhang magiging karibal ko pa si Enzo. Nasapo ko na lang aking ulo sa nangyayari.

"Come on, Enzo, you're not deaf!! She's said, she's okay, maybe she's paying attention, so hurry up!!"

Nakita kong namula ang babae sa galit na nagpaganda pa lalo sa aking paningin.

"Hey, you?!!" Sabay turo niya sa akin. "Don't you know how to apologize?" anya na nakataas pa ng kilay.

Ngumisi ako habang naglalakad palapit sa kaniya, tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. Shiit!! Pati paa napakalinis at napakaputi.

"Why should I apologize? I'm not doing anything wrong?"

Clueless ako sa gagawin niya bigla kasing ngumisi at lumapit sa akin, bago ko pa malaman ang kaniyang gagawin, Umikot na ang aking ulo ng bahagya sa lakas ng pagkakasampal nito. What the?? Hindi pa ako nakakabawi, namalayan ko na lang humawak ito sa aking braso at ayon na nga!! Natuhod ang aking kaibigan sa baba. Shittt!! Napauklo ako ng bahagya at hawak-hawak ko ang aking kaibigan.

Mabilis itong tumalikod at naglakad papalayo sa amin ni Enzo.

"Hey!!! Little monkey, you will pay for it." Malakas na sigaw ko sa kaniya.

Huminto ito at parang slow motion pa ang pagharap sa akin, ngumisi ito at nagdirty finger pa.

"Masakit ba?" she mouthed

Fuck!!Fuck!! I didn't notice in her beautiful and innocent face there was a hidden evil attitude.

"Hey, bro," untag ni Enzo sa aking pagkakatulala.

Nang malingunan ko nakangisi ito sa akin, na may kasi pag-iling ng ulo.

"What??!!" inis kong tanong.

Napahalakhak ito. "Si Brother kumusta na? Nabasag ba??"

Napakunot ang aking noo. "Shut up!! Or, I'll break your neck??!!" asik ko sa kaniya at tumayo ng tuwid.

"Let's go Enzo, tigilan mo 'yang kakangisi mo sa akin para kang aso d'yan," inis kong aya sa kaniya.

Humalakhak ito at umakbay sa akin. "Bro, luma na kasi style mo," kantiyaw ni Enzo sa kaniya.

Napailing ako sa sinabi nito, ganoon ba ka-obvious ang ginawa ko kanina.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height