+ Add to Library
+ Add to Library
The following content is only suitable for user over 18 years old. Please make sure your age meets the requirement.

C1 1

"TABA!!" nagising si Pat sa hiyaw ng kuya Allan niya.

Tinakpan niya ng unan ang tenga. Ang sarap kayang matulog. Linggo naman ngayon. Mula nang magtrabaho siya sa gravel and sand business nila Saturday at Sunday na nga lang siya nakakatulog hanggang gusto niya tapos heto ang magaling niyang kuya, mambubulahaw.

"Taba! Bangon ka na diyan! May naghihintay sayo sa labas!"

"Sino? Ang aga aga naman kasi kuya eh!" inis na sabi nito.

"Si Matt! Inaya ka yatang mag-jogging eh!"

Napabalikwas siya ng bangon! Naman,naman!! Nakalimutan niyang mag-set ng alarm!

"O bangon na diyan! Pag tatamad tamad kang ganyan sa pag-eexercise mo, hala ka babalik na naman ang katawan mo dati!" pang-aalaska ng kuya niya sabay labas.

Mabilis na naligo si Pat at nag-toothbrush.Maiksi na ang buhok niya ngayon dahil tamad din naman siyang mag-blow dry. Naka bob cut siya with bangs. Mula ng pumayat siya ,madami ang nagsasabi na hawig siya ni Angel Locsin at Glaiza de Castro.

Katakot-takot na diet at exercise ang ginawa niya para gumanda ng ganito ang katawan niya ngayon. Minsan nako-conscious siya dahil feeling niya ang boobs niya ang hindi pumayat sa kanya. Parang ang laki-laki ng mga ito .Hindi niya alam na lalo itong nagpa-sexy sa kanya.

Pagkatapos magsepilyo, itinaas niya ang hapit niyang sleeveless shirt. Hindi na niya mabilang kung ilang crunches, planking at sit-ups ang ginawa niya para magka toned abs siya. Nangiti naman siya. Sulit naman ang lahat. Pwede nga siyang modelo ng canned tuna sa ganda ng abs niya.

Hinaplos-haplos niya din ang mukha niya na napaka-kinis na ngayon. Change of lifestyle lang talaga ang kinailangan niya para ma-achieve ang mala diyosa niyang hitsura. Alaga din ng scrub ang balat niya kaya kahit hindi man siya kasing-puti ng bestie niya, saksakan naman siya ng kinis. Sabi nga ni Shelly ng huli silang magkita, sobrang ganda daw niya ngayon. Natatawa na lang si Pat pag tinatawag pa din siyang taba ng kuya niya kahit sexy na siya. Pang-

asar lang talaga ng kapatid niya yun sa kanya.

Nag- John Robert Powers pa siya para ma-enhance ang personality niya. Wala na ang dating Pat na taklesa. Pinong-pino na ang kilos niya ngayon. Natuto na din siyang mag mix and match ng damit. Hindi na niya pwedeng palaging abalahin si Shelly dahil hands-on mom ito sa anak nito at ni Jake. Wala ng bakas ng dating Pat na walang pakialam basta busog lang palagi. Madami na kaya siyang admirers ngayon. Pero ayaw niya pang i-break ang record niya na no boyfriend since birth.

Ano kaya ang sasabihin ni Alex pag nakita siya nito ngayon?

Hay naku! Kailangan niyang burahin ang binata sa isip niya! Alam naman niya na kay Shelly ito patay na patay. At never na niyang gustong isipin na second choice lang siya kung sakali. Sa isang banda, okay na din na na-broken-hearted siya dahil kay Alex. Kasi kung hindi, malamang hindi niya naisip na baguhin ang sarili niya .Ngayon lang siya nag-eenjoy sa life niya .Masarap pala talaga na may confidence ka at hindi na wallflower. Hindi niya pala kailangan ng genie para matupad ang pangarap niya na gumanda at magka-vavavoom na katawan. Totoo talaga na pag may tiyaga, may nilaga.She let out a sigh and went out.

"Taba! Buti naman lumabas ka na. Pasalamat ka at hindi nainip si Enchong Dee kakahintay sayo!" sabi ng kuya niya sabay tapik sa balikat ni Matt.

Tumayo si Matt pagkakita sa kanya.

"O iwan ko na kayo! Matt ingat ka sa kapatid ko ha?" pangaalaska pa nito bago lumayas.

"KUYA!!" inis na tawag ni Pat.

Natawa si Matt sa mag-kapatid. Ngumiti ito kay Pat. "Good morning angel." Bati nito sa kanya.

(Pat)

O bago mag-isip ng kung ano-ano, eexplain ko muna ha? Nakilala ko si Matt sa gym. Kahit nung nag-start pa lang akong magpapayat, inalalayan na niya ako. Sinasamahan din akong mag-jogging. Hindi nga niya ako kinahiya nung mga panahon na yun.

Imagine na lang si Matt hawig ni Enchong Dee tapos ang ganda ng katawan. Ako dati ang taba-taba tapos may pimples pa dahil sa kakakain ng chocolate. Pinagtyagaan akong alalayan ni Matt. Kasi daw parang nakita nito ang sarili sa akin. Mataba din daw ito dati. Tampulan ng tukso kaya hayan nagpapayat at nagweights para magka-muscles.

Kaya nga yata sila nag-break ng gf niya dati dahil sa akin. Napahiya nga ako noon. Tinanong ba naman ng babae nay un si Matt na harapan ko kung bakit daw ito sumasama sa baboy na kagaya ko? Nasaktan ako talaga nun pramis .Kaya nagpursige ako na baguhin ang sarili ko. Ngayon, mas maganda at katakam-takam pa ako sa ex nito.

At angel ang tawag sa akin ni Matt kasi hawig ko nga daw si Angel Locsin. Yun na ang parang endearment niya sa akin.

Ang haba ng bangs ko di ba? Pero hindi ko siya bf. Nasa friend zone pa lang kami.

"Hi Matt!" ngiti ko sa kanya. Confident akong magpakita ng ngipin. Sayang naman ang pagpapa-bleach ko ng ngipin regularly if hindi ko ipapakita di ba?

"Tara na?" aya nito sabay alalay sa siko ko bago kami lumabas.

***

"Anak akala ko okay ka na dito? Bakit babalik ka pa sa Pilipinas?" tanong ng mama ni Alex.

"Ma, I need to check my businesses there. Kapag okay naman lahat baka ibenta ko na din pati yung iba pang business na kasosyo ako. Siguro nga hindi talaga ako para sa Pilipinas." Alex said while he sips his coffee.

Nasa bahay ito ng mga magulang. Kakahatid lang nila sa ate Annie nito sa airport. Babalik na ito sa Texas kasama ang napangasawa. Nagbakasyon lang ang mga ito sa bahay ng magulang nila dito sa California ng ilang araw dahil Pasko. Ang binata naman babalik ng Pilipinas pagkatapos ng bagong taon.

Sa nakalipas na halos isang taon,madami ng nabago sa kanya. Mas naging seryoso ito lalo sa buhay dahil sa trabaho nto ibinuhos ang panahon para makalimutan ang nakaraan. Nangingiti na lang siya pag naaalala niya ang mga kagaguhan na nagawa dati.

Ngayon, he realized that what he felt for Shelly wasn’t love. Matinding physical attraction lang na sinamahan ng kagustuhang maipag-higanti ang kapatid.

Sinong mag-aakala na magiging civil sila ni Jake Herrera?

Mula ng mailigtas niya si Shelly from her asshole ex, nagkaroon si Alex at si Jake ng pagkakaunawaan. Nang umayos na ang lagay ni Shelly at ang nasa sinapupunan nito, the two men had the chance to talk. They both said their sides. Andun pa nga sila Patricia at Shelly. At nang tuluyang gumaling ang kapatid, she told him the truth about what happened between her and Jake.

At isa pang dahilan kaya uuwi si Alex ng Pilipinas ay dahil bibinyagan ang anak nila Shelly at Jake at ninong daw siya. Hindi na nga ito nakadalo sa kasal ng dalawa so babawi na lang ito sa binyag.

All's well that ends well. Napangiti ang binata dahil bigla nitong naisip si Patricia. Kumusta na kaya ito? He can’t ask Shelly about her because they don’t really talk for a long time. Mahirap na. Baka magselos na naman si Jake.

He will definitely see Patricia in a few days. Dadalhan niya ito ng maraming chocolates. Alam niya ang kahinaan nito. He smiled which showed his dimples. He has to admit to himself that somehow, he misses her company.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height