+ Add to Library
+ Add to Library

C2 2

"Bestie! Bukas na ang binyag ni baby Ethan." nakangiting sabi ni Pat.

Dinalaw niya sa bahay ang kaibigan. Alam niya bukas busy ito sa ibang bisita at hindi na naman sila makakapag-usap ng matagal-tagal.

Pinagawa talaga ni Jake ang bahay nila ngayon para daw pag malaki-laki na si baby Ethan makakapag-laro ito sa garden. Lumipat ang mga ito dito after manganak ni Shelly.

Magdadalawang buwan na ang anak nila. Kakatulog lang ni baby Ethan so ngayon nasa kusina silang dalawa. Kahit may yaya na tumutulong kay Shelly sa pag-aalaga sa anak ,mas gusto pa din nito na halos siya ang nag-aasikaso sa anak nila ni Jake.

“Oo nga.Buti mabait talaga si Kim. Siya na ang bahala sa lahat. It's a good thing na hilig niya talagang mag-organize ng party. Laking ginhawa sa amin ni Jake yun." Shelly smiled, then looked intently at Pat. Umiinom sila ng juice sa kusina.

"Ang laki na talaga ng pinagbago mo Pat."

"Sus,ikaw naman bestie,ako pa din ito." She pouted.

"Parang mas sexy ka pa sa akin." sabay nakasimangot na tinignan nito ang sariling katawan.

"Ano ka ba bestie? Lalo ngang lumaki ang boobs mo kaya parang mas sexy ka ngayon. Mas gumanda ka nga eh." she winked at her.

"Kumusta naman si papa Jake?Nagseselos pa din kay baby Ethan?"

Her friend sighed. "Minsan sinusumpong pa din.Nagpa-pump nga ako ng gatas kasi pag andito siya ayaw niya akong nakikitang bine-breastfeed si Ethan."

Nailing na lang si Pat.

"Nga pala Pat,may babalita ako sayo!" excited na sabi nito.

"Ano na naman yan? Baka kung sino na naman ang irereto mo sa akin ha?" nakataas ang kilay na tanong niya.

"Ikaw naman. Masyado ka naman eh .Gustong-gusto ka kaya ng pinsan ni Jake. Bakit ba ayaw mo? Ang cute kaya ni Alvin .Stable pa ang trabaho."

Tumayo si Pat and got an apple from the table She washed it then munched on it.

"Bestie! Masyado namang boring kausap. Wala ng kinwento kundi mga achievements niya." inis na sabi niya.

Inirapan siya ni Shelly. "Baka naman kaya ganyan ka kasi kayo na ni Matt?"

Umiling si Pat Hindi bestie .Friends lang talaga kami ni Matt. Sasabihin ko naman sayo if manliligaw na siya." she let out a grin.

"So may pag-asa naman ba?" Curious na tanong ni Shelly.

Umupo ulit si Pat then said, "Ewan ko bestie .Parang nag-eenjoy pa ako sa status ko ngayon eh. Nagagawa ko ang gusto ko. And ngayon pa lang ako nagdadalaga.” Natatawang sabi niya.

"Flattered ka no? Dami kasing may gusto sayo ngayon. Masaya ako para sayo Pat. Tama mag-enjoy ka muna. Darating din ang lalaking magpapabago ng pananaw mo." Sincere na sabi nito kahit may nakakalokong ngiti.

Ibinaba ni Pat ang mansanas. Humalukipkip ito. "Bestie...parang may laman ang sinabi mo..hmm. "nakataas ang kilay na puna niya.

"Nga pala,ano yung sasabihin mo kamo?" tanong pa niya.

"Hayaan mo na yun. Basta,surprise! Bukas na lang!" sabay kindat ng bestie niya.

Pat rolled her eyes.

"Basta magpaganda ka ng todo bukas ha? Dapat yung suot mo super sexy!"

"Oo naman bestie! Ninang kaya ako! " natawang sabi niya.

Biglang narinig nila ang message alert tone ng cp ni Pat.

"Wait bestie,sagutin ko lang to." nakakunot ang noong sabi niya.

Pinagmamasdan ni Shelly ang kaibigan habang sinasagot ang text sa telepono.

She smiled. Ang ganda-ganda na ni Pat. Dati naman kasi may hitsura na ang bestie niya kaso puro pagkain ang nasa isip. Sobrang sexy ni Pat ngayon. Ang kinis ng balat. Since she just gave birth, Shelly feels she gained weight and she feels a little insecure of Pat. But not in a bad way. She is very happy for her friend . Si Pat may toned abs and she hasn’t. It just means na ibang level na ang hitsura ng bff niya ngayon.

Kahit hindi sinabi ng kaibigan , alam ni Shelly kung sino ang dahilan ng pagbabagoni Pat. Maybe it's time that she plays cupid. Her eyes twinkled.

Napatingin si Pat kay Shelly .Napakunot ang noo niya ng makita ang expression nito.

"Anong meron bestie?" curious na tanong niya.

"Secret nga!" pilyang sabi nito which made her shake her head from left to right.

***

Nagpaalam na si Pat kay Shelly after an hour. May problema kasi sa opisina. Nagtext ang sekretarya niya. Kailangan siyang sumaglit kahit Sabado. Nagka-mix up sa orders so kahit off niya pag Saturday, kung may ganitong emergency she needs to be there. Nakatulong ng malaki na marunong na siyang mag-drive ngayon. Mahirap kasi ang nagcocommute.

Pagdating niya sa opisina, her secretary told her. "Mam, nasa office niyo po si Architect Ocampo.

"Kanina pa ba siya?"

"Mga 10 minutes mam. Nabigyan ko na po ng kape."

"Thanks Arianne." sabi niya sa sekretarya.

Naka dark denim jeans siya and naka-gray tank top na pinatungan niya ng black cardigan. Kitang-kita ang magandang hubog ng katawan niya. Balak niya kasing mag-gym after sana niya kina Shelly kaya nag tank top siya tapos mag-leleggings na lang .

Well kung sino man ang Architect Ocampo na yun, sorry ito dahil naka-casual wear lang siya ngayon. Hindi naman kasi siya dapat papasok eh.

When she came in her office, a tall man stood up. Medyo nagulat si Pat .Kung hindi lang matangkad ito iisipin niya na si Dennis Trillo ang nasa opisina niya.

"Good morning Miss Sandoval. I'm Jude Ocampo.” ini-offer nito ang kamay..

"Good morning Architect Ocampo." Pat shook hands with him." Please sit down." tinuro niya ang kaninang inuupuan ng binata.

Kung siya pa ang dating Pat baka kinilig na siya ng todo. Ang guwapo ng kaharap niya ngayon. Buti na lang at naka-casual outfit din ito so hindi siya nagging alangan sa ayos niya. Maganda din ang katawan nito pero hindi ganun ka-hunky kagaya ni Alex.

Hala! Bat napasok naman bigla si Alex? Shake off thoughts about him!

Ngayon kahit saksakan ng guwapo ang kaharap niya, she had learned how to handle her emotions. Hindi siya nagbayad ng malaki sa personality development program na pinasukan niya for nothing.

Umupo ito. "Please call me Jude. And can I call you Patrice?" nakangiting tanong nito.

Muntik ng ubuhin si Pat. Buti naman hindi Patricia ang sinabi nito kasi isang tao lang naman ang tumatawag sa kanya nun.

Naman,naman!!! Burahin yan!

"Sure Jude. You can call me Patrice." she gave him her one million dollar smile.

Ngumiti din ng matamis ang binata.

"So let's talk about business?" tanong ng dalaga.

"Only if you'll have coffee with me after?" sabi nito.

Natigilan si Pat pero sandali lang. Naisip niya,why not? Wala naman siyang bf na magbabawal. Besides,napakaguwapo ng nag-aaya sa kanya and Jude seems okay.

"We'll see." nakangiting sabi niya sa binata.

***

Alex sat down on his old couch. Tinignan niya ang buong paligid ng dating unit. Wala pa din namang nagbago. Weekly nitong pinapalinis ito even when he was in the US. Medyo napagod ito sa biyahe kahit sabihin pang non-stop flight. Inayos muna niya ang iniwang trabaho sa America .Sa tantiya ng binata mga isang buwan na ang pinakamatagal nitong stay sa Pilipinas. Siguro naman sa panahong yun maayos na nito ang lahat ng kailangang ayusin. Maybe sa America talaga ang kapalaran niya.

He decided to take a shower. Pag nakapahinga ito ng konti, pupuntahan nito ang coffee shop sa lobby kung nasaan dati ang condo unit ni Jake. He will talk to Ron first. Pero kailangan nga pala nitong tawagan si Jake. He needs to -confirm ang oras ng binyag bukas.

"Alex!" Shelly answered.

"Shelly.Hello.Kumusta?Si Jake?" he asked in a friendly tone.

Wala na ang dating excitement na nararamdaman ni Alex when he hears Shelly’s voice unlike before. Ngayon more on fondness for a friend na lang talaga ang nafi-feel ng binata.He smiled to himself.

"Naliligo.Andito ka na sa Pilipinas?" curious na tanong ni Shelly.

"Oo kakadating ko lang halos. I-coconfirm ko lang sana ang binyag bukas .10:00 AM di ba?" he asked.

"Yes. Sa St.Joseph Cathedral. Papatext ko na lang kay Jake mamaya ang directions going there."

"Okay thanks. Nga pala Shelly, pwede ko bang makuha ang number ni Patricia? May mga dala kasi akong chocolates for her. Pupuntahan ko sana siya. Dun pa din ba sila sa dati nakatira?"tanong nito.

Kinagat ni Shelly ang labi. She needs to say a white lie. Ayaw nitong basta na lang pupunta si Alex kina Pat. Gusto niya sa binyag na lang magkita ang dalawa. Hanep na surprise yun for them.

"N-Naku Alex, minsan kasi hindi na dun umuuwi si Pat. Baka hindi mo siya madatnan .Ganito na lang.. dalhin mo na lang bukas sa binyag. Tutal naman ninang si Pat!" tuwang sabi ni Shelly.

"Ah okay. Mabuti pa nga. Sigurado ako matutuwa siya sa dami ng pasalubong kong chocolates for her." Alex said.

Muntik ng matawa si Shelly. Kung alam lang ni Alex na healthy living na ang maganda at saksakan ng sexy nitong kaibigan. She can't wait to see Alex's reaction pag nakita nito si Pat.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height