+ Add to Library
+ Add to Library

C3 3

"Wow taba! In fairness ang ganda at sexy mo! " puri ng kuya Allan niya .Nakaupo ito sa sofa nila habang kakwentuhan ang ate nila.

"KUYA? May lagnat ka?" she asked sabay hawak sa noo ng kapatid. Ngayon lang siya pinuri nito eh.

"Di kaya may nakaing kakaiba yang si Allan?" biro ng ate Lena nila. Ito ang panganay sa kanilang tatlo.

Kakalabas niya ng kuwarto niya. Ngayon na ang binyag ni baby Ethan. Talagang pinaghandaan niya ang araw na ito. Sabi kasi ng bestie niya dapat extra ganda at sexy siya.

Naka-mini dress siya na dark blue and wedge pump na halos katerno ng damit niya. May dala siyang clutch bag na itim. Kitang-kita ang kaseksihan niya sa suot. Sinong mag-aakala na halos parang hour glass ang shape ng katawan niya ngayon?

Nagpaturo siya dati kay Shelly ng paglalagay ng make-up. Tama nga pala ang bestie niya. Hindi kailangang mag-make up ng makapal. Akala niya dati hindi babagay sa kanya ang red na lipstick .Now she realized na basta maganda ang kulay ng lipstick at maganda ang shape ng kilay ,bongga na! Tinuruan din siya nito kasi ng pag-shape ng kilay. Buti na lang hindi na niya kailangan ng cheek tint or blush on dahil natural na mamula-mula na ang kanyang pisngi dahil sa healthy lifestyle niya and super alaga nga kasi siya sa sarili niya ngayon.

Nag-spray siya ng DKNY's Be Delicious Fresh Blossom Eau de Parfum. Tignan niya lang if hindi lalo madagdagan ang appeal niya sa amoy niya.

Pumalatak ang mama nila pagkakita sa kanya. Galing ito sa kusina.

"Anak! Napakaganda mo! Ewan ko lang if hindi ka maging center of attraction mamaya sa binyag." her mother commented.

"Kundi lang kita kapatid at hindi ko nakita ang paghihirap mong magpapayat iisipin ko na salamat doktor ka eh!" pangaalaska ng kuya niya.

"Pwede mo ng kantahan niyan ng Beh Buti Nga ang mga nanlalait sayo dati." nakangiting sabi ng ate niya.

"Taba! Tibo ka ba? Bakit hanggang ngayon wala kang boyfriend? Madami na namang nanliligaw sayo. Aba kasing-idad mo lang si Shelly pero siya may asawa't anak na .Eh ikaw no bf since birth! Pikutin mo na kasi si Matt!"

"Allan!" saway ng ina nila. "Kung ano-ano ang sinasabi mo sa kapatid mo!" sabay iling nito.

Pat sighed. "Hay naku kuya,hindi naman minamadali yun! Eh sa ayaw ko pa, bakit ba? Bata pa kaya ako." sabay irap niya sa kapatid niyang alaskador.

Nagkamot ito ng ulo, "Kung nag-boboyfriend ka na kasi para hindi mo ako ginagawang driver pag may lakad ka.Tara na nga baka mahuli ka pa!" sabi nito bago humalik sa mama nila para lumabas na.

"Hayun! Lumabas din ang totoo! Ang dami mo pang sinabi kuya eh! Pwede mo ngang gamitin ang kotse ko sa date mo mamaya." inis na sabi niya.

Mahilig kasing magpasikat ang kapatid sa mga pinopormahan nito. Paiba-iba ang gamit na sasakyan.

Hindi na kasi siya magdadala ng sasakyan. May usapan din naman sila ni Matt na ito ang susundo sa kanya mamaya sa venue. May lakad sila .Nagpapasama ang kaibigan sa birthday naman ng pinsan nito. Isasama sana niya ito ngayon kaso nagpa-drive ang mommy nito.

Mula nung mag busy si Shelly, halos si Matt ang nakakasama niya sa lakaran.

"Ma, alis na po kami. "Paalam niya sa ina bago humalik sa pisngi nito. "Te Lena," sa ate naman niya siya nagpaalam sabay kaway dito.

***

Madami ng tao sa simbahan. Buti na lang malapit ang parking na nakita ni Alex.

Naka brown na long sleeves ito and black pants. Naka-leather itong sapatos na itim. Hugo Boss ang gamit nitong pabango.

Hindi nito pansin ang pagbubulungan ng mga babaeng nadadaanan.

He knows they are talking about him pero hindi naman sa nagyayabang, nasanay na ang binata sa ganun.

"Modelo ba? Hawig ni Daniel Matsunaga! Ang lalim ng dimples!" kilig na sabi ng isa sa mga babae.

"Naku girl! Mas malakas ang dating niya! Pamatay ang katawan! Kita mo ang biceps?" tanong naman ng naka pulang dress.

"Tara upo tayo malapit sa uupuan niya." bulong ng pangatlo.

"Alex!" bati ni Jake ng makitang palapit ito.

Karga nito ang anak nila ni Shelly .Nasa di kalayuan si Shelly habang kausap ang mga biyenan.

Napalingon ito sa kanila and ngumiti ng makita si Alex.

"Jake!" lumapit si Alex at tinignan ang inaanak.

"Alex!" tuwang bati din ni Shelly.

"Hi!" ganting bati nito. "Guwapo naman ng inanak ko." puri nito ng tinignang mabuti si baby Ethan.

"Syempre mana sa ama." biro ni Jake.

"Talaga lang ha?" irap ni Shelly.

Natawa na lang si Alex.

"Dapat masanay na tayo na magtawagan ng pare niyan." sabi ni Jake.

Kinuha ni Shelly ang bata sa asawa. “Babe akin na muna.Hihiramin daw sandali ni mama."

Pagkabigay sa anak, hinarap ulit ni Jake si Alex. "Kumusta naman ang unang gabi mo dito? Namahay ka ba sa dati mong condo?"

"Medyo naninibago nga ako. Matagal din ang isang taon na wala ako dito eh" sagot nito.

Biglang parang may hinahanap si Alex. "Pare,si Patricia nga pala? Wala pa ba?"tanong nito kay Jake.

"Bakit mo hinahanap si Pat ha?"

" Naku malaki ang atraso ko dun pare! Dahil sa gulo ng isip ko dati, hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos .Dami kong utang na loob sa kanya eh." he said with regret in his voice.

"Darating yun pare. Ninang eh! Naku pag nakita mo..."

"BABE!" called Shelly ."Tawag ka sandali ni papa.

Tumango si Jake bago tinapik ng bahagya ang braso ni Alex, "Pare sandali ha?Balik ako agad."

Anak ng tofu! Muntik ng madulas ang asawa ko! Shelly thought.

"Buti naman nakauwi ka para sa binyag." She said to Alex.

Sa tingin nito lalong gumwapo ang binata. Mamula-mula ang kutis dahil matagal na naglagi sa America.Bagay na bagay sila talaga ni Pat.

"Oo nga. Tsaka kailangan kong ayusin ang mga business ko dito bago ako bumalik ulit sa US."

"Naku malamang hindi ka na aalis ulit niyan." matalinhagang sabi ni Shelly.

Alex frowned."Bakit naman?" takang tanong nito.

"BESTIE!" a female voice behind him called.

Napa-deretso ng tayo si Alex. Hindi siya pwedeng magkamali. Si Patricia ang dumating.

"Pat!" kaway ni Shelly.

Dahan-dahang lumingon si Alex. Nanlaki ang mata niya. "SHIT!" he cursed.

Shelly hid a smile. She has waited for this moment to happen .Ang muling pagkikita ni Alex at ng bagong Pat.

The woman who is a few feet away from them is so fucking sexy and pretty! Ang bango-bango nito .Kahit malayo pa ito ng konti sa kanya, langhap niya ang malamyos na amoy ng pabango nito

Parang sinuntok siya sa dibdib when he saw her face.

"P-Patricia?” medyo nauutal ang boses na tawag niya.

Medyo natigilan si Pat. Hindi niya alam na andito si Alex. Naman,naman!! Lalong parang ang sarap papakin nito ngayon. Mas naging katakam-takam ang hitsura nito. He seems hunkier and yummier!

OPPS!! Ang poise! Saway ni Pat sa sarili. She replayed her favorite line in her head kapag ganitong gusto niyang ilabas ang kilig pero hindi pwede...Cool it! Don't lose it or you'll regret it!

And bigla niyang inalala ang malamig na pagpaalam ni Alex sa kanya sa telepono ilang oras bago ito umalis papuntang Amerika. Dun niya na feel na wala talaga siyang halaga sa binata. Kahit halos mapahamak na siya nun kay Shelly dahil sa kagustuhan ng gwapong nilalang na ito na palaging makita ang kaibigan niya. He just used her para mapalapit sa bestie niya. Yun ang bitter truth. Thinking about that made her compose herself.

Showing her million dollar smile, "Hi Alex." She greeted him huskily.

Isa sa kasama niya sa gym ang nagturo sa kanya ng tinatawag nitong LIGHT FLIRTING 101. Expert ito sa pagpapaibig ng lalake. Hindi naman gusto ni Pat na maging kagaya nito na nagbibilang ng nobyo .Pero pag kinakailangan,pwede naman niyang gawin ang natutunan niya. Flirt flirt lang pag may time. Hindi naman niya ginamit pa yun kahit kanino. Mukhang magandang testingin ito ngayon kay Alex. Tignan niya if effective.

Napamura na naman ng mahina ang binata. Pat looks so different. Everything about her is so damn sexy and alluring. Pati boses. But he frowned a little because she called him Alex. What happened to baby Alex?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height