+ Add to Library
+ Add to Library

C4 4

Nahalata ni Pat na mukhang natulala si Alex sa hitsura niya ngayon. Naalala tuloy niya ang kantang Beh Buti Nga na sinabi ng ate niya. Bagay niya yatang kantahin kay Alex yung kantang Beh Bote Nga. Although hindi naman siya literal na nilait ng guwapong binata. Sinaksak lang naman ang puso niya at winasak ang kanyang damdamin. Sabagay may utang na loob din naman siya kay Alex .Dahil sa nadurog niyang pagmamahal dito, na-motivate siyang baguhin ang sarili niya. Pero sa una lang yun. Nung huli naman, ninais niyang maimprove ang sarili niya for herself. She wanted to gain self-esteem.

"Alex!" tawag ni Shelly sa binatang mukhang na-glue yata ang mga mata kay Pat.

Wala pa din. So kinalabit ito ni Shelly. "Hey!" tawag ulit ng asawa ni Jake.

Pat is watching everything with amusement in her eyes. Alam na niya ang feeling ng bestie niya pag may natutulala sa kagandahan nito. Lalo ngayon ,ang lalaking pinangarap niya angna-mesmerize sa kanya. Si Alex Llamarez nabighani kay Patricia Sandoval? Naman,naman!!

"Ano yun?" tanong ni Alex pero nakatingin pa din kay Pat.

Tumikhim si Pat na nakangiti pa din ng matamis, "Alex, mag-uumpisa na yata ang binyag." she made sure na slightly seductive ang boses niya.

Dun medyo natauhan ang binata. He tore his gaze from Pat then tumingin kay Shelly. Nakita nito ang pari at ibang mga godparents na pumwesto na.

Sa buong binyag pasulyap-sulyap si Alex kay Pat.Magka-hiwalay kasi ang mga ninong at ninang.

He told himself na he'll make sure na isasabay nito si Pat sa reception. He badly wants to talk to her. Madami itong gustong sabihin. He wants to apologize to her. But at the back of his mind, he knows that he just simply wants to be with her.

Pat knows na palagi siyang tinitignan ni Alex. So ngayon alam na nito kung ano ang feeling ng maglaway sa taong gustong-gusto mo pero hindi ka naman pinapansin? She is not stupid. Alam niyang iba na ang tingin ni Alex sa kanya ngayon

Kita mo nga naman ang nagagawa ng kagandahan. Ngayon siya naman ang nag-iisip sa dating sinabi ng bestie niya na mahirap pag maganda ka. Hindi mo alam kung nagugustuhan ka lang dahil sa hitsura mo.

She is happy and proud na ganito na siya ngayon. Sa laki naman kasi ng hirap niya di ba?Kung tama nga ang hinala niya na intresado si Alex sa kanya, well..weather,weather lang yan sabi nga ni kuya Kim. Sorry na lang ang binata kasi durog na durog ang puso niya! Manigas ito. She saw a familiar face na palapit sa kanya ng mag-uumpisa na ang picture taking. Mauuna ang mga ninang. Bale may limang pares ng ninong at ninang. Ninong din pala si Alvin. Yung pinsan ni Jake na cute nga kaso boring kausap. Napakadisente nito. Boy-next door type. Naka-eyeglasses. Mukha talagang intelihente.

Lumapit ito sa kanya and said hi. Huli si Pat sa mga ninang na magpapapicture with baby Ethan so sinamantala ni Alvin.

Alex saw everything. Katabi kasi nito sa upuan ang lalaking lumapit kay Pat .The man is now talking to her. He doesn't like what he's seeing.

When it's Pat's turn for the picture taking with baby Ethan, hinatid pa ito ng lalaking kausap near the altar. Buti na lang hindi nito hinawakan si Pat kung hindi baka hindi nakapag-pigil si Alex at baka nalapitan nito ang mga ito.

The guy seems to be so comfortable talking to Shelly and Jake. Who the hell is he? Alex asked himself. He had to look away. He needs to cool down. Tumayo ito and waited for his turn malapit sa side door ng simbahan.

Nang matapos na ang picture taking, he headed towards Pat. Kausap ng dalaga ang bilas ni Shelly. Buti naman nakita ni Alex na nauna ng lumabas ang lalaking kausap ni Pat kanina.

When Kim saw Alex, she smiled. "Alex," bati nito "Nice to see you again."

They had formed a camaraderie after he saved Shelly from Marco.

"Hello Kim. Looking good." he nodded and he smiled at her. He then looked at Pat who is searching something from her bag. Nagsalubong ang kilay ni Alex. Is Pat intentionally avoiding looking at him?

Kim must have sensed na gustong kausapin ni Alex ang dalaga so she said, "Excuse me. May sasabihin nga pala ako kay Shelly. See you around Alex." she touched Pat's arm then with a wave she left them.

"Patricia," Alex's deep voice called her. He noticed that she looks even lovelier sa malapitan. Her skin is so smooth. Her eyes have a sexy look in them. She really has transformed into a very desirable woman.

"Yes Alex?" she answered in that husky voice of hers. Her lips twitched upwards to form a seductive smile.

"Fuck it! Does she talk like that to all the men she meets? Alex asked himself. He doesn't like that at all!

"Sabay ka na sa akin papunta sa venue ng reception." he said ina a controlled voice.

"I am sorry Alex, pero sinasabay na ako ni Alvin." Pat said with the seductive smile which is never leaving her beautiful face.

Gustong nang magmura ni Alex. "Iniiwasan mo ba ako Patricia?" he asked na nakakunot ang noo nito.

There was a look of surprise on Pat's face. "Why would I do that?"

Sasagot pa sana ang binata when a male voice asked, "Tara na Pat?"

Alex ignored whoever that jerk is. "I want to talk to you Patricia." Malamig na sabi nito.

Pat knows that Alex is annoyed. Nakahalata na nga yata na umiiwas siya. Alam naman niya na parang si Jake din ito, mainitin ang ulo. Ayaw naman niyang mag-cause pa ng eksena ang binata dito sa simbahan.

"Mamaya na lang Alex,promise. Sige, mauuna na kami." she said then tried to walk past him.

Bago niya malampasan ang binata, Alex took hold of her forearm. "Keep your word or else.." he threatened then released her.He went to the opposite direction without even glancing back at her.

***

Ang ganda-ganda ng ayos ng function hall ng isang kilalang hotel. Ang dami-daming pagkain. Jake and Shelly are busy mingling with the guests. Magkakatabi ang mga ninong at ninang sa isang lamesa. Pinwesto ni Pat ang sarili na malayo kay Alvin at Alex. Ayaw niyang mamatay sa boredom sa pakiki-chika kay Alvin. At ayaw din niyang kausapin si Alex. She feels wala naman na silang dapat pag-usapan. Tumabi siya sa isang ninang na dating kasabayan ni Shelly na modelo nung naguumpisa pa lang ito.

Maganda si Sonja pero cowboy din kasama. Hindi maarte. Parang si Shelly. O di isama na nga din pala si Pat kasi diyosa na din siya eh. Pareho-pareho silang magaganda at hindi maaarte. Mestizahin si Sonja at balita ni Pat kaka-break lang nito sa foreigner na boyfriend. The woman seems to open up easily to people. Nagkwento agad ito sa cause ng break-up nito with her ex. Isang beses lang itong nakita ni Pat dati. Nung sinamahan niya si Shelly sa mga raket nito sa pag-rampa sa mga malls. Unlike Shelly, tipikal na modelo ang katawan ni Sonja . Payat ito at flat-chested.

"Pat, bakit kanina pa masama ang tingin sayo ng papabol na nasa dulo?" bulong ni Sonja.

Bale isang lamesa sila. Tig-limang upuan sa isang side. Si Alex nasa opposite side so kitang-kita siya nito. Hindi nga ito tinitignan ni Pat. Kung hindi lang sinabi ni Sonja, hindi naman niya ito susulyapan.

Nahigit ni Pat ang hininga. Madilim nga ang mukha ni Alex and he is openly staring at her. She saw that he is drinking alcohol. Inalis niya ang tingin dito.

"Magkakilala ba kayo?" tanong ni Sonja. "Ang pogi Pat! Ganda ng katawan!"

May naisip siya. "Gusto mong makilala?" tanong niya kay Sonja.

The other woman's smile became a grin. "Kilala mo ba?"

"Sort of." nakangiting sabi niya.

"Sige! Game ako! Hindi dapat tumatanggi sa mga papalicious na ganyan." pilyang sabi nito.

"Okay wait mo ako ha? Kakausapin ko lang. Lumapit ka kapag sinuksok ko ang buhok ko sa left ear ko .Yun ang sign na puntahan mo kami ha?" Pat instructed while she is getting ready to stand.May pakiramdam siya na susundan siya ni Alex. She will pretend to get some fruits sa buffet table.

"Sure! Hindi ko aalisin ang tingin ko sa inyo. Sige mag-reretouch ako sandali. Give me like 5 minutes." tumayo din ito to go to the restroom.

Hindi pa nga nakakalapit si Pat sa buffet table, a hand grabbed her arm.

"Alex!" kunway gulat na tawag niya.

Hinila siya nito sa medyo malayo sa mga bisita.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Pat.

"Maguusap." he said. Medyo inis ang boses nito.

Pat has to make an excuse. Hindi sila dapat masyadong lumayo. Dapat makita pa din sila ni Sonja.

"Alex, dito na lang.Baka anytime hanapin ako ni Shelly." she lied.

Tumigil sa paglalakad si Alex. He looked around. Medyo malayo na sila sa iba although kita pa din sila ng mga bisita. Importante walang makakarinig sa kanila.

He sighed. "Okay." tinignan siya nito.Yung tingin na may konting hinanakit.

Wow! Siya pa ang may ganang magtampo? Ibang klase! Pat thought.

She had learned to play with her facial expressions. Alam niya kung anong expression ang lalo siyang magmumukhang maganda at alam niya ang anggulo niya. So kahit kunwari seryoso ang mukha niya, she's sure na kabighabighani pa din siya.

Napakurap si Alex and he shook is head a little na parang he's clearing his thoughts.

"Patricia.I'm sorry." he suddenly said sincerely.

Pat pouted her lips a little. Tapos medyo kinunot ang noo niya. "Sorry saan?" she asked in a voice that sounded small and sweet.

Alex sighed then hinawakan nito ang batok before he looked up for a second tapos tinitigan ulit siya. Ibinaba nito ang kamay from his nape.

"Sa lahat. Yung hindi ko pagpaalam ng maayos. Magulo lang ang isip ko dati. Sorry talaga." his eyes are pleading. "I owe you a lot. Ang dami mong naitulong sa akin nung panahon na gago pa ako. Please patawarin mo ako."

Pat tried her best not to show any emotion .Kahit sinabi niya sa sarili niya dati na hindi na siya apektado pagdating sa usaping Alex, pag pala kaharap na niya parang ang hirap maging bato .She feels na sincere naman ang binata sa paghingi nito ng tawad.

Muntik na siyang madala ng biglang maisip niya na hindi kaya ginagawa lang ito ni Alex para maka-isa sa kanya? Obvious naman na type na siya nito ngayon eh. Well,whatever his reasons are, okay lang naman siguro na sabihin niya na napatawad na niya ito .Natural hindi niya sasabihin kay Alex na hanggang dun lang yun. Basta sasabihin niya na wala na sa kanya yun.

Hindi inaalis ni Alex ang mata sa mukha ni Pat. He is hoping that Pat will forgive him.

"Wala na yun sa akin Alex .Kalimutan na natin. Past is past."sabi ni Pat.

He almost gave out a sigh of relief. Kulang na lang sumigaw siya ng YES! Ngumiti ito ng matamis na matamis. Lumabas ang pamatay nitong dimples.

"Cool it! Don't lose it or you'll regret it!" Pat played her line inside her head.

Habang nakangiti, kinagat ni Alex ang ibabang labi and asked, "So okay na tayo ha?Just like old times?"

Pat frowned. Naisip niya na talagang gagawin lahat ni Alex para mauto na naman siya kagaya dati. Sorry na lang it. Hindi na siya ang dating Pat na patay na patay at kilig na kilig dito.

Talaga lang ha? Wish ko lang mapanindigan mo yan! Sabi ng isang parte mg utak niya. Sasagot sana siya sa sinabi nito nang mag-ring ang telepono niya .She got it from her bag. "Hello."she answered.

Alex is thinking that he will bring Pat home . He really wants to be alone with her. They have a lot of catching up to do. May sumilay na pilyong ngiti sa mamula-mulang labi nito.

"Matt? Asa labas ka na? O sige hintayin mo na lang ako." Pat told the caller in her seductive voice.

When Alex heard what she said napamura ito ng mahina pero malutong. And who the hell is Matt?! He angrily asked himself. Nababad-trip na talaga ito. After more than a year now lang sila nagkita ulit ni Pat tapos in a span of two hours or more dalawang lalake na ang mukhang malapit sa dalaga. Baka meron pang iba? Sa ganda at sexy ni Pat ngayon hindi malayong mangyari yun.

Fuck it! He cursed.

He remembers na dati naiinis and nagagalit ito kay Jake and sa mga lalaking mukhang intresado kay Shelly. Pero mukhang mas matindi ngayon ang nararamdaman ng binata where Pat is concerned. Gusto nitong makasama ng matagal ang dalaga ang daming asungot!

Dati madali niyang makumbinse si Pat to do what he wants her to do especially when it involved Shelly. She almost can't say no to him. He feels that things should be the same. Dapat ganun pa din si Pat ngayon. She should do as he says .If he wants to talk to her and be with her, she shouldn’t refuse. He should be her priority lalo’t matagal bago sila ulit nagkita.

"Hindi ka na papasok?" he heard Pat asked the guy on the phone, "Okay." Pat ended the call and looked at him.

Binasa ng dalaga ng dila ang gilid ng labi then sinuksok sa kaliwang tenga ang buhok before saying, "Alex, I have to go. Magpapaalam lang ako kina Shelly at Jake." Hindi siya nakatingin sa binata..

Alex's eyes turned darker ng makita nito ang ginawa ni Pat sa mga labi. Her lips became more kissable because of her action. He narrowed his eyes. He can feel his lower body reacting.

"Maaga pa. And hindi pa tayo tapos mag-usap." may lakip na inis ang boses na sabi nito.

"Okay na nga yun. Don't worry." she said. Her sexy smile appeared again.

Biglang may nagsalitang babae malapit sa kanila.

"Pat!" nakangiting tawag ni Sonja.

She gave the model a knowing smile.'Hi Sonja!"

Alex threw the woman a glance then agad ibinalik ang tingin kay Pat. He really doesn't like the way Pat is treating him. It seems like he means nothing to her.

"Ah..Alex, si Sonja nga pala .Kaibigan ni Shelly. Kumare natin. She's a model." pagpapakilala ni Pat.

He turned to the other woman and just said, "Hi." then tinignan nito ulit si Pat. "Patricia I have goodies for you . Come with me to my car."

“Alex, I don't eat sweets anymore. They are bad for my health. Maybe Sonja will like them." nginitian ni Pat si Sonja.

"Oh that would be great! I have a sweet tooth! " the woman said while grinning.

Alex glared at Pat but she just shrugged her shoulders and smiled sweetly at him. "I have to go. Maiwan ko na kayo ni Sonja. Please take care of our kumare." Sabi niya bago bumeso sa modelo.

"Have fun guys!" kaway niya sa dalawa as she headed where Shelly is na ikinalukot lalo ng mukha ni Alex. Naisahan na naman siya ni Pat.

"Bestie!" tawag ni Pat sa kaibigan .Kumukuha ito ng pagkain sa buffet table.

"Pat!" gulat na tawag nito. "Nakita pa lang kita kanina kausap mo si Alex."

Tinignan ni Shelly where she has last seen them together . Nakita nito na si Sonja na ang kausap ng binata.

Kumunot ang noo nito. "Bakit sila ni Sonja ang magkasama?"

"Type siya ni Sonja so I introduced them to each other!" parang walang paki na sabi ni Pat.

"Sigurado ka ba diyan sa ginagawa mo? I know Sonja. Makamadag yun sa mga lalake.”

Medyo natigilan si Pat but naka-recover siya agad. "Hayaan mo sila. Aalis na ako andiyan na si Matt sa labas." She said bago halikan sa pisngi si Shelly. "Samahan mo kong magpaalam kay Jake at sa mga in-laws mo." she requested.

"Hindi na ba papasok si Matt?" tanong ng kaibigan.

"Naku hindi na. Sa susunod na lang." she replied.

Shelly sighed. She felt na mukhang palpak ang pagmamatch -making she planned.

Di bale..sa susunod na lang… she thought.

***

"Angel!" tawag ni Matt kay Pat.

Nakasandal ito sa kotse while his arms are across his chest. He looked at her appreciatively.

"Hi!" nakangiting bati ni Pat. Kay Matt hindi siya kailangang magpanggap. Natural na natural siya pag ito ang kasama niya. Ganun siya ka-kampante sa kaibigan.

Sumipol ito then he smiled broadly. "You look hot, Angel!"

"Thanks Matt!" she said sabay tapik ng mahina sa balikat nito. "Let's go?"

"Yes boss!" nakatawang sabi nito. Bago hinawakan nito ang siko niya and maingat siya nitong sinakay sa kotse.

Alex's mouth tightened as he witnessed everything. He didn't hear what they were talking about. Masyado itong malayo sa dalawa. Basta nakita niya kung paano pakitunguhan ni Pat ang Matt na yun.

"SHIT!" he cursed while gritting his teeth.

***

Nasa condo si Alex. Kanina pa ito umiinom. Hindi naman lasing but he is pissed. It seems that Pat is deliberately ignoring him. Naisip nito na baka ginagantihan ito ngayon ng saksakan nang sexy at gandang dalaga. Nasira ang araw ng binata. Akala pa naman nito makakasama nito si Pat hanggang gabi. He was planning to bring her somewhere after sa reception ng binyag and spend time with her.

Pagkakita pa lang nito kay Pat kanina, ang lakas ng kabog ng dibdib nito. Bago pa naman nito nakita ulit ang dalaga, may balak na ito na kausapin si Pat ng maayos. He knows that he did some things in the past which weren’t acceptable for her. Kaya nga naisip nito na bumawi sana pero wala. Malay ba nito na ang laki na ng pinagbago ng hitsura ng kaibigan ni Shelly? Sabagay maganda naman si Pat dati pa kaso hindi nag-aayos and puro pagkain ang inaatupag. But even before, magaan na ang loob nito sa dalaga dahil masayang kasama. Pat used to make him laugh with her jokes at sa pagiging tactless and madaldal ng dalaga. She has a good heart too.Pat is not selfish.

He misses the old her but he can't deny that he is very attracted to the new Patricia. Pero shit naman! Hindi lang ang hitsura ang nagbago eh! Pati ang pakikitungo ni Pat sa binata nagbago and Alex hates that! But he is not going to give up. He has a stubborn streak. Kailangang ibalik ang dati nilang samahan ni Pat..and more..he then decided to call Jake.

"Alex?" tanong ni Jake.

"Pare did I catch you at a bad time?"

"Hindi naman pare. May problema ba?" alalang tanong nito.

"Wala naman. Actually si Shelly dapat tatanungin ko kaso baka magselos ka na naman sa akin kaya ikaw ang tinawagan ko." biro ni Alex habang natawa ng bahagya.

Natawa din si Jake, "Kilalang-kilala mo talaga ako pare. Pero ngayon na mag-kumpare na tayo hindi na siguro ako magseselos.But okay na din na ako na lang ang tawagan mo kesa misis ko." he joked and Alexc chuckled.

"Hindi kasi kami nakapag-usap ng maayos ni Patricia kanina. Pwede ko bang makuha ang number niya?" tanong ni Alex.

Tumahimik ang kabilang linya.

"Sabi ko na nga ba eh!" natatawang sabi ni Jake.

"Ano yun pare?" takang tanong ni Alex.

"Na pag nakita mo ulit si Pat baka magulat ka. Ang ganda at sexy no?" panunukso pa nito which made Alex grinned but didn't say anything.

"Sandali, hold on. Huwag mong bababa pare.” Sabi nito then narinig ni Alex na tinawag nito ang asawa, "Babe! Ano nga ang number ni Pat? Pinapatanong ni Alex!" Alex heard Shelly said wait.

""Pare kinuha lang ng asawa ko ang phone niya. Basta pare , pag kailangan mo ng kausap about Pat, tawagan mo lang ako ha?" Jake offered.

Akalain mo nga naman..ang dating magkaribal at mortal na magk-aaway magkumpare na ngayon! At handa pa talagang tulungan ni Jake si Alex kay Pat. Sabagay…kadalasan naman lahat ng bagay posible.

"Salamat pare." sabi ni Alex.

"Basta tiyaga lang pare and haba ng pasensiya. Iba na si Pat ngayon. Madaming umaaligid so madami kang karibal." Jake revealed.

Napamura si Alex and Jake laughed.

"Parang nakikita ko sayo ang sarili ko dati pare.Kaya mo yan!” Jake encouraged Alex.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height