C43 43
Pagalit na tumayo si Alex na ikinatumba ng upuan nito. Nataranta ang mga lalake. Mukhang susugod ito kay Mike. Hinawakan ito ni Anton sa kanang braso. May dalawa pang pumigil din dito. Sa laki ng katawan ni Alex at sa galit nito, kayang-kaya nitong balyahin kahit apat na katao ang umaawat. Humarang na din ang dalawa pang lalake sa dadaanan nito