+ Add to Library
+ Add to Library

C7 7

Pinigil ni Alex ang sarili na sumagot pa sa sinabi ni Pat.

Naalala nito ang sabi ni Jake. According to Shelly’s husband, he needs to have more patience. Iba na si Pat ngayon pero iba na rin ang nararamdaman nito para sa dalaga. Kailangan nitong magtiyaga sa panunuyo kay Pat. He doesn't why it seems na ang laki ng kasalan nito sa dalaga. He already said sorry to her.

Sa buong buhay ni Alex ito pa lang ang pangalawang pagkakataon na manliligaw ito. Pero yung una naman nitong niligawan naging nobya nito. Pero highschool pa yun.

"I am sorry for kissing you Patricia. I will try to control myself next time." He said seriously as he drives. He didn't look at her.

Nakagat ni Pat ang labi. Bakit parang ayaw niya nung sinabi ni Alex? Ano daw?Hindi na siya ulit hahalikan nito?

Gusto na niyang kurutin ang sarili. Ang gulo naman niya eh. Kasi itong Alex na ito ginulo-gulo ang tahimik na buhay niya! Okay na siya eh! Bakit bumalik-balik pa kasi ito?

Yung malditang side naman ng utak niya ang sabi, If hindi bumalik si Alex magiging routine na lang ang buhay mo!

Sa tagal na nawala si Alex and sa dami ng lalaking nakilala niya and nagparamdam sa kanya bakit wala siyang natipuhan? Maybe it's time for her to seriously consider having a boyfriend at hindi si Alex yun. Ayaw niyang second choice lang siya nito. If hindi naman siya gumanda at sumexy buti kung mapansin siya nito.

"We're here." Alex announced.Matamlay ang boses nito.

"Thank you." sabi ni Pat.

"Anong oras kita susunduin?" tanong nito.

Pat fell silent for several seconds.

"Huwag na. I can manage to go home." she finally said after a while.

"I will pick you up! Don't worry,hindi na mauulit yung kanina." walang emosyong sabi ni Alex.

She sighed. "Okay,I'll just text you. Bye.Salamat ulit." then she got off.

Pagkalabas ni Pat, Alex massaged his nape with his hand as if to ease his tensed muscle. He looked up with his eyes closed then hit the steering wheel with his fist.

"SHIT! SHIT!" he cursed.

He shouldn't have done that! Imbes na suyuin nito ng maayos si Pat nagpadala ito sa damdami. .He should have more control. Pat is very desirable and ang lakas-lakas ng attraction nito sa dalaga but kailangan nitong mag-hinay-hinay. Maybe he should talk to Shelly. Ito ang mas nakakakilala kay Pat. But of course he needs to ask Jake's permission first, mahirap na. Nailing na lang siya. Nagkabaligtad na ngayon, kay Shelly naman siya magpapatulong to get closer to Pat. He chuckled when he thought about that. But he knows and he feels, iba na ito. Hindi lang physical attraction. It's too soon to tell but malakas ang pakiramdam niya na more than desire ang nararamdaman niya for her. He misses the old Pat. Bonus na lang na gumanda at sumexy ito ngayon na nagpa-kumplikado ng lahat. Nakakarma yata siya sa ginawa niya dating pang-iisa kay Jake with Shelly. Pero hindi naman niya pwedeng sabihin kay Jake lahat yun. Alam niya magkakagulo sila kahit lumipas na. Madalas naman totoo na ignorance is bliss.

***

"Ma'm good morning." bati ni Arianne.

"Good morning. Any messages?" Pat asked as she checks the mail on her desk.

"Ma'm mamaya pong before lunch darating ang supplier from Pampanga. Tapos ma'm si Architect Ocampo tatawag daw po ulit."

Tumango siya."Sige salamat Arianne."

"Sige po ma'm." paalam ng sekretarya niya bago lumabas.

Napangiti si Pat .Hindi niya pinagbigyan si Jude nung ayain siyang magkape nito last time. Malamang yun ang pakay nito kaya tatawag ulit. Mabuti pa sigurong pagbigyan na niya.

***

Nasa Cafe Anilla si Alex. Ito yung coffee shop kung saan dati ang condo unit ni Jake.A nilla came from his sister's name na Annie Llamarez. Hindi na pinalitan ni Alex ang pangalan kahit ito na ang may-ari. He's talking to Ron, ang kaibigang pinag-iwanan nito ng coffee shop. They are now discussing opening a new branch. Maybe it is a good sign because his business is doing good. Mukhang mag-iiba ang plano ng binata na ibenta na lahat and bumalik na sa Amerika.

His phone rang.

"Pare sandali. Sagutin ko lang to." paalam niya kay Ron.

"Ma? What's up?"

"Alex, uuwi si Cindy diyan sa isang linggo. Sabi ng tita Ruth mo ikaw na ang bahala sa kanya. Can she stay in your condo? Mga two weeks lang naman."

He frowned. Gagawin pa siyang baby-sitter ng pinsan niyang brat.

"Ma naman.! Why can't she stay in a hotel? Alam mo naman na hindi ako sanay na may kasama sa condo. I know how disorganized Cindy can be." inis na sabi nito.

Burara ang pinsan ni Alex na yun. Cindy used to stay with them at his parent’s home in California during her sembreak. His cousin’s family lives in New Jersey. Their mothers are sisters.

"Son, two weeks lang naman. And alam mo na hindi mapapanatag ang tita mo at ako if Cindy will be alone in a hotel room. Try to keep her busy para hindi ka maistorbo. May mga kaibigan din naman siya diyan baka madalas ding wala yun to spend time with them. Tatawagan kita ulit kung anong anong exact date and time ng arrival niya and her flight number."

***

"Buti naman pumayag ka nang mag-kape with me." Jude smiled.

Ngumiti din si Pat. Okay kausap si Jude. Guwapo pero hindi mayabang.

"Patrice ,can I ask you something?" tanong nito with a serious face.

"Sure." sagot ng dalaga.

"Please don't think na presko ako ha?" lalo itong pumogi ng ngumiti. Hawig talaga ni Dennis Trillo.

"Hmmm..sige. Tignan ko if kaya kong sagutin ang tanong mo." biro niya although parang alam na niya ang itatanong nito.

Tumawa ito ng bahagya.

"May nobyo ka na ba?" tanong nito habang nakatingin sa kanya.

Umiling si Pat. She then sipped her coffee. Biglang tumuwid nang upo si Jude then lumapad ang ngiti. Binaba ni Pat ang tasa niya and ngumiti ng bahagya sa lalake.

"Okay lang ba na manligaw ako sayo?"

She played with her fork and cheesecake. "Bakit mo naman ako gustong ligawan?" she asked.

Lumapit ng bahagya si Jude sa lamesa and touched the rim of his cup.

"Kasi mula ng magkita tayo sa opisina mo, palagi na kitang naiisip." he said honestly.

Then Pat’s phone began ringing. Tumatawag si Alex. She checked the time. 4:30 na pala.

She decided to reject the call.

"So pwede ba akong manligaw?"

Nag-isip siya. Ito na siguro ang sign na dapat bigyan niya na ng chance ang ibang lalake to get to know her and vice versa.

Her phone started ringing again. She sighed. She has to answer the call. Masyado na siyang magiging bastos pag ni-reject niya ulit ang tawag ni Alex.

"Sorry, I have to take this call." paalam niya kay Jude.

"No problem." ngumiti ito sa kanya.

"Hello." malamig na sagot niya.

"Nandito ako sa opisina mo. Kanina ka pa daw umalis. Bakit hindi mo ako tinext or tinawagan? Nasaan ka?" may lakip na inis ang boses ni Alex.

Pat is testing his temper. Alam ng dalaga na may usapan sila that he will pick her up pero sabi ng sekretarya umalis daw ang dalaga kasama ang isang Architect Ocampo. Pasimple nitong tinanong kung matanda na ang kasama ni Pat. Sabi ng sekretarya, "Naku sir,hindi po. Ang bata pa at guwapo din kamukha niyo

Nailing na lang si Pat. Baka nakakalimutan ni Alex na hindi siya nito nobya. Sabagay,kay Shelly nga dati mas grabe ito .Magtataka pa ba siya? Those bitter memories made her frown.

"Patrice,are you okay?" Jude's worried voice asked her. Tumango na lang siya.

Alex gritted his teeth ng marinig nito ang boses ng lalake.

"Patricia,I asked you a question. Nasaan ka? You know damn well na susunduin kita and your mother is expecting us. Asan ka?" mahina ang boses nito pero halatang galit ito.

"Mauna ka na sa bahay if you like. Dun na lang tayo magkita.I am with someone. Sige na." Pat said, her voice sounded cool.

Ini-off ng dalaga ang phone niya after that.

"Problems?" tanong ni Jude.

Nangiti ng bahagya si Pat ,"Nope."

"And sa tanong mo Jude, my answer is why not?" she gave him a sweet smile.

***

"Naku Alex ang galing mo palang magluto. Ang sarap ng pagkakatimpla mo ng kaldereta at nilasing na hipon eh." tuwang sabi ng mama ni Pat. Nasa sala sila habang naghihintay kay Pat.

"Buti na lang Ma dumating si Alex. Para maiba naman ang lasa ng pagkain natin." biro ni Allan.

"Alam mo ba Alex na palaging nagrereklamo ang mga yan sa luto ko pero palagi namang nauubos." naiiling na sabi ng ginang.

"Wala naman kaming choice eh. Naku swerte nga tayo andito si Alex ngayon. Si papa nga tuwang-tuwa pag may business trip kasi makakaligtas sa luto ni mama. Gaya ngayong linggo na to. " natatawang sabi ni Lena.

Natawa din ng bahagya si Alex.

"Naku nasaan na ang batang yun? Nagugutom na ba kayo?" alalang tanong ng ginang.

"Kaya pa ng bulate ko Ma. Mag-aalas-sais pa lang naman. Nga pala , Alex may gusto ka ba sa kapatid ko?" deretsahang tanong ni Allan.

"ALLAN!" saway ni Mrs.Sandoval.

"Okay lang po tita." sabi ni Alex ."Actually po ipagpapaalam ko po talaga sana sa inyo na liligawan ko si Patricia." he said. Seryoso ang boses nito.

Tumango at ngumiti ang ginang. "Wala namang problema sa amin yun Alex. Basta malinis ang intensiyon mo sa anak ko."

"Salamat po. "magalang na sagot ng binata.

"Mukha namang seryoso ka sa kapatid ko at parang mapagtyatyagaan mo naman, so bayaw na ang tawag ko sayo ha? Pero word of advice lang bayaw, bumili ka ng helmet ha?" Allan joked.

Binato ng throw pillow ni Mrs.Sandoval ang anak." Puro ka kalokohan!"

Natawa na lang sila Alex at Lena.

May narinig silang sasakyan na huminto. Biglang tumayo si Allan para sumilip sa bintana.

Bumalik ito sa upuan at umiling-iling.

"Naku bayaw," sabi nito kay Alex. "Kalma ka lang ha?"

Kumunot ang noo ni Alex. Lena also stood up and peeked behind the curtains.

"Sino ba ang dumating? Ang kapatid niyo na ba yan?" takang tanong ni Mrs.Sandoval.

"Ma! Si taba nag-uwi ng lalake

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height