Just obey me/C2 Kabanata isa
+ Add to Library
Just obey me/C2 Kabanata isa
+ Add to Library

C2 Kabanata isa

Josefina P.O.V

Nangingig ako sa takot habang dahan dahang naglalakad pasunod sa aking amo. Pinapanatili ko ang aking distansya sakaniya dahil natatakot akong baka may kaakibat na mabigat na parusa kung mas lalo pa akong lumapit.

"Bakit parang takot na takot ka?" nagitla ako dahil sa tanong ng prinsipe. Sobrang seryoso ng boses niya na tila ba kahit ang takot ay hindi uubra sakaniya.

Hindi ako nakasagot dahil natatakot akong pumiyok o manginig ang boses ko. Ayaw kong ipahalatang masiyado akong natatakot sa presensya nito kahit ang totoo ay sobra na ang nginig ko.

"Hindi naman haunted ang mansyon ito kung kaya't nakakapagtakang bakit ganyan na lang ang nginig mo?" tila natatawa pang sabi nito.

Nanatili akong nakayuko habang iniisip kung anong kalagayan ng mga kapatid ko, kung nakakakain ba sila ng maayos at nakakatulog ng mahimbing.

"Wala kabang bibig?" napakurap ako at tuluyang nagising sa pag iisip.

Agad akong yumuko. "Paumanhin, my lord." 'my lord' napakabigat na titulong nakapatong sa prinsipeng ito. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang isang taga pagmana ang pagsisilbihan niya.

akala niya kasi ay ang prinsesang si princess zephyrin ang pagsisilbihan niya, pero nagulat nalang siya noong ianunsyo ng ginang na ang prinsipe o ang hari ang pagsisilbihan nila.

"Mukhang hindi ka sa mansyon natatakot kung hindi sa akin." nanatili akong nakayuko at pilit na itinitigil ang panginginig ko munit hindi ko magawa! "Hindi mo kaylangang matakot sa akin. Hindi naman kita sasaktan" pormal nitong sabi dahilan para sandali akong sumulyap sakanya at muling yumuko.

"N-Nasa harapan ko ang taga pagmana ng bansang ito k-kung kaya't s-sino mang alalay o t-taong makakaharap kayo ay m-magiging g-ganito rin ang mararamdaman,m-my lord." mahinahon kong sabi. Pinagtiklop ko ang aking mga kamay upang pigilan ang panginginig nito habang ako'y nagsasalita.

matunog itong ngumisi at rinig ko ang hakbang nito papalapit sa'kin kung kaya't agaran akong umatras.

"Natatakot ka talaga sa akin no? Kaya siguro hindi ka tumitingin sa mga mata ko." maloko niyang sabi.

Ipinikit ko ang aking mga mata tsaka nagsalita. "Ang ginang po ang nagsabing huwag na huwag titingin sa mga mata ng kahit sinong myembro ng royal family dahil isa iyong kabastusan na aksyon. Kinakaylangan rin naming panatilihin ang distansya mula sa aming sinisilbihan upang maiwasang--"

"Oo, alam ko na iyan. Huwag mo nang ulitin pa" tigil niya sa'kin.

Mabilis kong itinikom ang bibig ko. Naglakad na siya kung kaya't sumunod naman agad ako sakaniya.

Hindi ko makita ang aming dinadaanan dahil nakayuko lamang ako-- nakakatakot kasi ang mga bantay na halos sa bawat gilid nang mansyon ay makikita mo.

"Ito ang silid ko." doon ko lang iniangat ang paningin ko at roon lang binigay ang atensyon sa kulay gold na malaking pintuang itinuro niya!

Halos mapanganga ako sa sobrang ganda ng disenyo ng pintuan! Kulay ginto iyon at mayroon iyong desenyong paro paro! At ang mas nakakamangha pa roon ay 'yong pagkaapak na pagkaapak pa lamang ng prinsipe sa harap ng pintuan ay bigla itong bumukas! At doon ko lang napagtantong isa pala iyong automatic door na usong uso ngayon sa mga malls at iba pang sikat na lugar!

"Pumasok ka." namamangha pa rin siya sa pintuan hanggang sa makapasok siya sa silid. "Ang bawat taga sunod o alalay man ay nararapat na mayroong matutuluyan." napalingon ako sa prinsipe at buti na lamang ay hindi iyon nakatingin sa'kin!

Napalunok ako nung makita ko ang kabuuan ng prinsipe. Matangos ang ilong, makapal ang kilay, matalas na mga mata at mapupulang labi. Maskulado ang katawan na tila walang araw na hindi pumupunta sa gym, at ang buhok nitong mas maayos pa yata sa buhay ko.

"Nakikinig kaba?" natauhan ako nung marinig ko muli ang boses ng prinsipe! Mabilis akong yumuko at kinain na naman ako ng aking kaba!

"Paumanhin, my lord." agad kong sabi.

"Tsk, puro ka paumanhin. Paano ka makakatagal rito kung ganyang onting bagay lang ay hindi kana maka focus?" hindi galit munit pormal nitong tanong.

Napalunok siya at nakagat ang ibabang labi. "H-Hindi na po mauulit, my lord."

"Hm, hindi na dapat talaga mauulit ito dahil nakikita mo ba ang mga nakasabayan mo? Maari ko silang ipagpalit sa'yo." seryoso nitong sabi na agad na nagpatigil sa'kin.

Iisipin ko palang na papalayasin ako dito sa mansyon na wala man lang nauuwing pera ay parang gusto ko nang umiyak!

Kung kaya't agad akong umupo sa lupa at lumuhod. "H-Huwag nyo po akong palayasin dito, my lord.." utal kong sabi.

Huwag nyo akong paalisin dito dahil hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa aking mga kapatid kapag nagkataon.

"H-Hindi lamang po ako sanay sa ganitong sitwasyon dahil ito ang unang beses na n-nakapunta ako sa ganitong kagarbong lugar k-kung kaya't g-ganito na lamang ang mangha ko." mahaba kong paliwanag. "Ito na po ang huling beses, pangako." dagdag ko pa.

Tumikhim muli ang prinsipe at narinig ko na lamang ang paglakad niya papunta sa isang King size na bed!

"Kung gayon ay papalampasin ko ang isang ito at siguraduhin mong ito na ang pinaka huli dahil kung hindi ay papalayasin kita dito sa aming mansyon at hindi kana muling makakabalik pa rito, maliwanag ba?" maawtoridad nitong sabi kung kaya't mabilis akong tumango. "Now, i want you to stand up my slave and go to your room-- and rest." bigla ay tila naging tonong pagod ito.

Medyo inangat ko ang aking tingin at deretsong tumingin sakaniya't bumuntong hininga. "Ngunit hindi ako pumunta rito at aksayahin ang oras sa pagpapahinga, my lord." tumungo uli ako "Hindi po ba kayo nagugutom? O mayroon po ba kayong maruruming damit na nais nyo pong ipalabhan?May gusto po ba kayong kainin--"

"Sino ba ang amo, ikaw o ako?" putol na naman nito sa'kin!

napakurap ako tsaka bahagyang sumulyap sakaniya. "Ikaw po." hindi ko na napigilan ang sumimangot. "Ngunit ang isang alalay na kagaya ko ay hindi nararapat na matulog habang ang kaniyang amo'y gising pa. Ayon sa rules ng mansyong ito ay ang alalay ang magsisilbing kanang kamay ng royal family kung kaya't hindi dapat ito matutulog hangga't gising pa ang kanyang buong kata--"

"But its already late." tila naiinis niya nang sabi. "You should have a good rest because I'm super sure that tomorrow will be your tired day." nakataas pa ang isang kilay niyang sabi bago inihiga ang sarili sa malaking kama! "Sige na, magpahinga kana." mahinahon na ang boses nito.

Buntong hiningang tumayo ako mula sa pagkakaluhod at nagbow sakaniya bago tumalikod patungo sa pinto.

Munit hindi pa ako nakakalabas noong tawagin niya ako!

"Ano pong ipaglilingkod ko, my lord?" mabilis kong tanong at nagmamadali pang bumalik sa kanina kong pwesto.

"Saan ka pupunta?" kunot na ang noo niya at bumangon mula sa pagkakahiga! "Doon ang kwarto ng alalay." mabilis kong sinundan ng tingin ang tinuro ng prinsipe at taka akong napatingin sa kulay kapeng pintuan bago muling yumuko.

"Munit ang patakaran ng mansyong ito ay dapat matulog ang alalay sa maid's room na nasa harapan lamang ng mga kwarto ng royal family-- malayo man o hindi ang iyong kwarto sakanila ay dapat magising ka pa rin ng maaga upang sila'y ipaghanda. At ayon sa patakaran, walang sinabing dito ako matutulog--"

"That's my personal slave's room." madiin niyang sabi- parang nauubos na ang pasensya! "And you're now my personal slave." dagdag nya pa.

"Oh." iyon na lamang ang nasabi ko bago tumango. "Kung gayon ay katukin mo nalang ako kung mayroon kang kailangan, my lord." yumuko akong muli upang ipakita ang paggalang bago naglakad patungo sa pintuang itinuro ng prinsipe.

Lumingon akong muli sakaniya na nakatingin pala sa'kin kung kaya't agad akong kabang umiwas ng tingin!

"P-Papasok na po ako, my lord." hindi ko alam kung bakit ako nagpaalam. Basta, ang alam ko lang ay baka kakaylanganin ko pang magpaalam sa bawat galaw na gagawin ko.

munit nagulat na lamang ako nung pagkapasok na pagkapasok ko mula sa pinto ay biglang may bumuhos sa'king kung ano!

At nung tignan ko ang aking katawan ay tsaka ko lang napagtantong kulay itim na pintura pala iyon!

Napalingon ako sa prinsipe na tawa ng tawa sa gilid at nakahawak pa sa tiyan! Munit nung maramdaman ang tingin ko ay agad siyang tumikhim na tila ba ay pinipigilan ang tawa bago nagsalita!

"Welcome to the Vixen palace, Josefina Rodriguez." Madiin niyang sabi na nakaangat pa ang labing nakatingin sa'kin!

Kung pwede lang patulan ang lalaking 'to ay ginawa ko na-- munit alam kong makukulong ako kapag ginawa ko! Kung kaya't imbis na magmukmok ay ngumiti ako at medyo nagbow pa.

"Maraming salamat sa'yong pagtanggap sa'kin dito,my lord." pilit ang ngiting ani ko tsaka pumasok sa kwarto munit nanatiling bukas ang pinto. "Maglilinis pa po ako." ani ko 'tsaka unti unting isinara ang pintuan.

Napasandal ako sa pintuan at mariing ipinikit ang mga mata. Nakagat ko ang aking labi dahil onti nalang ay hindi ko na mapipigilan ang nararamdaman kong inis.

Huminga ako ng malalim at pinasok ko ang itsura ng mga kapatid ko sa kokote ko dahilan para medyo kumalma ako.

Doon ko lang iminulat ang aking mga mata at literal na napanganga nung mapagmasdan ang kwarto!

Napakalinis ng kwarto na tila inayos pa at ipinaghandaang mabuti. Maganda rin sa mata ang kulay kapeng kulang ng pader at ang gawa sa kahoy na mga gamit.

Napatingin ako sa gilid ko at halos lumaki ang aking mga mata nung makita ang isang napakalaking bintana! Mabilis akong lumapit doon upang tumingin!

At literal na namang napanganga ako nung makita ang ganda ng tanawin mula sa labas ng bintana! Ang gandang pagmasdan ng ilaw sa mga bahay bahay na tila ba parang isang bituing nagniningning!

Pero bago ko pa ilunod ang sarili ko sa kakatingin ay agad akong kumilos upang ibabad itong damit ko dahil mayroon pa pala akong liligpitin.

Lumingon lingon ako sa paligid at mayroon pang iisang pintuan ang hindi ko napapasok.

Dahan dahan ako sa pagbubukas noon dahil natatakot akong baka may bumuhos na naman sa aking kemikal. At nakahinga ako ng maluwag nung wala naman.

Pinagmasdan ko ang paligid at roon ko lang napagtantong palikuran pala iyon. Munit kakaiba dahil mayroon iyong shower at pabilog na salamin sa harapan ng lababo!

Mabilis akong lumapit doon at pinagmasdan ang perpektong pagkakabilog ng salaming iyon at napako ang tingin ko sa sarili ko..

Magulo ang buhok at halos mukhang ipinanligo na sa akin ang kulay pulang pinturang iyon dahil mayroon iyon mula ulo hanggang sa aking tiyan!

Mabuti na lamang at hindi gaanong nalagyan ang aking short dahil puti pa naman iyon at mahirap labhan!

Mabilis akong kumilos upang linisin ang aking sarili. Nung matapos ay agad kong tinakpan ng tuhalya ang aking katawan.

Luminga linga ako sa paligid upang tignan kung mayroon bang batsa o kahit planggana man lang na pwedeng paglabahan pero wala akong makita maliban nalang sa dalawang kahon.

Nilapitan ko iyon at bahagyang sinipay sipag pa ang bawat gilid upang malaman kung mayroon bang batya doon munit wala rin!

Kung kaya't napapabuntong hiningang ipinasok ko na lang lahat ng aking ginamit na damit sa kahon na mayroong pangbukas sa itaas! Pagkatapos non ay agad kong sinipat ang ilalim nung biglang may nakita akong nakasulat roon!

"Washing.. Machine?" patanong kong ani.

Nagkibit balikat nalang ako bago lumabas ng palikuran at hinanap ang dala dala kong maraming bag.

Nakita ko agad iyon sa isang kabinet kung kaya't agad kong nilabas ang lahat at hinanap ang kakaylanganin kong suotin.

Sinuot ko na ang pajama na ibinigay sa'kin ni malufei at ang kulay itim na damit na binili ko naman noon para sa'kin at sobrang tagal na nito sa'kin. Ito na nga yata ang pinaka huling damit na binili ko sa iba para sa sarili ko.

Mabilis ko itong sinuot 'tsaka lumingon lingon muli sa loob ng kwarto. Wala man lang akong nakitang panlinis kung kaya't pumasok muli ako sa kwarto at kinuha ang tissue roon.

alam ko ang tissue at iba pang kagamitan dahil mayroon non si malufei, pero marami pa ring hindi ko alam na kagamitan ngayon.

Napasandal ako sa pader ng palikuran 'tsaka lilingo lingo na tumingin ulit sa bawat sulok ng palikuran. Munit wala talaga akong makitang kahit anong maaring panlinis!

Napasimangot nalang ako 'tsaka isinandal ang aking braso sa isang nakalawit na kahoy-- munit agad akong natigilan nung bigla itong bumukas!

Napakurap kurap pa ako habang nakatingin sa bumukas na cabinet at mangha pa nung makita ang mga panlinis roon! Naroon din ang walis, mga panglinis at gloves!!

"Haynako, nariyan ka lang pala.." Nakasimangot kong ani bago nilapitan iyon upang tignan kung anong maaring ipanlinis doon sa pintura.

Agad kong kinuha ang naisip kong maaring magpatanggal sa pintura tsaka sinuot ang gloves at pumunta sa pinto.

Maingat ko pa iyong binuksan dahil ayaw kong magising ang lokong lalaking iyon.

Munit natigilan ako nung makita ang gwapo nitong mukha na nakaharap sa akin!! Pero buti nalang ay tulog ito!

Maingat akong umupo at inilabas ang panlinis. Binuhusan ko ang parteng nalagyan ng pintura at marahan iyong kinuskos.

Kuskos lang ako ng kuskos hanggang sa may matanggal na.

Napangiti ako 'tsaka wala sa sariling napa yes!

munit agad akong natigilan at napaangat ang tingin ko sa prinsipe-- nakahinga ako ng maluwag nung makitang tulog na tulog pa rin ito!

Dahan dahan at tahimik ko nalang na inalis ang mga pintura. Kahit ang paghinga ko ay kinakaylangan ko pang hinaan.

Nung matapos ay agad kong niligpit ang mga ginamit kong panlinis. Tumayo na ako at sa huling pagkakataon ay sumulyap ako sa prinsipe at halos malaglag ang puso ko nung makita itong nakatingin sa akin!!

"Ay prinsipe ka!" gulat kong ani kasabay ng pagkahulog ng mga plastik na boteng panlinis ko! Sa sobrang gulat ay nagmamadali akong yumuko at kinuha ang mga iyon! "Pasensya na! Matutulog na po ako!" mabilis kong sabi 'tsaka sinarado ang pinto!

Napahawak ako sa dibdib ko nung bigla iyong kumabog ng malakas dahil sa kaba!

pumikit ako ng mariin at hiyang hiya na napaupo sa lapag!

'Kahit sa tingin niya lang ay natatakot na ko!' sigaw ko sa aking isip.

Binalik ko na ang mga gamit ko sa lalagyanang kinuha ko 'tsaka dali daling pumunta sa single bed at natulog!

'Bahala na bukas! Sana lang ay hindi ako palayasin agad huhu.'

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height