Just obey me/C3 Kabanata dalawa
+ Add to Library
Just obey me/C3 Kabanata dalawa
+ Add to Library

C3 Kabanata dalawa

Josefina's pov

Hindi pa pumuputok ang araw ay gising na ako at agad na nilinis ang sarili. Sinuot ko ang unipormeng katutuyo lang sa'kin kasabay ng pagtali ko ng puyod sa aking buhok.

Tinignan ko ang aking sarili sa salamin. Napakaliit ng palda na halos wala pang dalawang sentumitrong layo sa aking binti.

"Kaya mo'to, josefina." pagpapalakas ko sa aking sarili habang naka fist ang kamay. Isang beses ko muling sinulyapan ang sarili ko sa malaking salamin bago lumabas ng kwarto.

Nakita ko ang natutulog pang prinsipe na madami pang unan na nakapalibot sakaniyang kama.

'siguradong malalambot ang mga unang iyon' hindi ko na napigilang sambitin sa sarili ko.

Ipinilig ko ang aking ulo 'tsaka nagpatuloy na lumabas sa kwarto. Isang mahabang hallway ang bumungad sa'kin dahilan para luminga linga pa ako kung saan dapat ang dumaan.

Mabuti nalang at hindi gaano kadilim ang buong hallway. May maliliit na lampara ang mga nakasabit sa bawat gilid na nagbibigay liwanag sa mga nasasaklaw nito.

Tumingin ako sa mga gilid gilid nung maalalang marami palang gwardya ang nakakalat sa buong mansyon, at saktong mayroong lumabas sa isang silid kung kaya't agad akong tumakbo upang maabutan siya.

"Paumanhin munit maari bang magtanong?" agad kong tanong nung makalapit ako.

Deretso ang tayo nito at nakakamangha nong lumingon ito sa akin ay kasama pa talaga ang buong katawan! Deretso rin ang tingin nito sa'kin.

"Ano iyon?" kahit ang boses nito ay deretso at may paggalang rin.

Ngumiti ako. "Alam mo ba kung nasaan ang kusina nila? Ipagluluto ko kasi ang prinsipe."

Bahagyang tumaas ang isa nitong kilay. "Ang kwarto ng mga alalay ay naroon din sa royal kitchen kung kaya't natitiyak kong hindi ka simpleng alalay lang munit isa kang personal slave." seryoso nitong sabi. "Kung tama ako ay sa kwarto ka ng royal prince galing kung saan ang personal slave lamang ang makakapasok.." dagdag nito.

Napatango ako. "Isa nga akong personal slave ng prinsipe kung kaya't nais kong pumunta sa kusina--"

"Hindi mo ba nabasa ang rules ng isang personal slave?" natigilan ako sandali bago kinuha ang makapal na papel sa bulsa ko na ibinigay noong pumunta kami dito. "Ika tatlong paksa ng papel, basahin mo." utos nito.

Tumango ako at hinanap ang sinasabi niya, 'yung nahanap ko ay agad kong binasa.

"Ang personal slave ng isa sa myembro ng royal family ay siyang magiging kanang kamay ng amo nito. Kung kaya't saan mang magpunta ang kaniyang pagsisilbihan ay nararapat na naroon rin ang nagsisilbi. Sa makatuwid-- laging nasa tabi ng myembro ng royal family ang kanilang personal slave." mahaba kong sabi na halos mahingal na ako dahil dere-deretso ang basa ko! "Ibig sabihin ay kung hindi pa lumalabas ang prinsipe..?"

"Oo tama. Hangga't wala ang prinsipe sa labas ay hindi rin lalabas ang kaniyang personal slave." ito na ang nagpatuloy sa sasabihin ko!

Ilang sandali pa akong natigilan bago tumakbo pabalik sa kwarto ng prinsipe! Munit bago pa man ako makapasok ay agad kong nilingon ang gwardiyang iyon na ngayon ay nanatili ang tingin sa akin!

"Maraming salamat!" sigaw ko na sakto lamang para marinig nito.

Huminga ako ng malalim bago binuksan ang pinto. Napasinghap ako nung makitang nakatayo na ito sa malaking bintana at tila may hinihintay pa!

"M-My lord" halos pabulong ko nalang na sabi.

Lumingon ito sa'kin at kung nakakamatay lang ang tingin ay siguradong pinaglilibingan na ako ngayon!

"Have you read the rules and regulations or you just want to explore the mansion?" magkasalubong na ang mga kilay nito!

Napakagat ako sa labi at agad yumuko. "Paumanhin, my lord."

Ipinikit ko ang aking mga mata nung marinig ko ang yapak niya at mas lalo akong kinabahan nung makalapit na ito sa akin! Hindi ako makagalaw dahil sa sobrang takot kung kaya't hindi ko na nadistansya ang aking sarili!

"Tsh, bad girl." umiiling iling pang sabi niya tsaka ako nilagpasan!

Nakahinga naman ako ng maluwag 'tsaka lumingon sakaniya na tuloy tuloy lang sa paglalakad! At dahil nga isa ako sa mga kanang kamay niya ay agad akong sumunod sakaniya kasunod ang ilang guwardiya!

"Hmm, i wonder.. What's the breakfast today?" biglang nagsalita ang prinsipe sa gitna ng katahimikan.

Tumingin ako sakaniya at dahil sa sobrang laki nito ay halos magkabali bali ang aking leeg! Munit sandali lamang iyon bagkos ay muli ang tumingin sa harapan.

"Sigurado po akong masarap iyon." hindi ko na napigilan ang sarili kong magsalita. "Sa mansyong ito wala akong nakitang hindi perpekto sa kanilang mga tungkulin." Katulad nalang nung guwardiya kanina. Hindi ko na sinabi ang naisip ko bagkos ay nakangiti nalang ako habang tinatahak ang daan patungong kusina.

Naramdaman ko ang tingin niya ngunit hindi ako lumingon.

'wala naman akong sinabing masama hindi ba?'

Tumitingin tingin na lamang ako sa paligid upang hindi siya lingunin dahil ramdam ko pa rin ang tingin niya sa'kin!!

Hindi ko na natiis at bahagyang lumingon sakaniya bagamat ay nakayuko pa rin.

"B-Bakit?" tanong ko. "Mayroon bang mali sa aking sinabi?" dagdag kong tanong.

Hindi ito sumagot bagkos ay nagsimula muling maglakad dahilan para bumuntong hininga ako at ilang segundo pa bago ako sumunod sakaniya.

Halos lahat ng nadadaanan naming mga guwardya at katulong kagaya ko ay puro nagsisiyuko at bumabati sakaniya.Iyong ibang katulong na kagaya ko ay ngumingiti sa akin munit ang iba ay tinatarayan ako na tila ba mayroon akong ginawang mali.

Bagay na sigurado akong normal lamang sa taong naiinggit.

Ang totoo ay wala naman talagang nakakainggit na trabaho sa palasyong ito, dahil sa totoo lang ang bawat trabahong ibinibigay saiyo ay nasisiguro kong napakahirap.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa isang malaking pinto.

Mayroong dalawang guwardya na pumunta sa harapan ng prinsipe at bahagyang tumungo.

"Mahal na prinsipe, narito po ang iyong ama kasama ang iba niyang kaibigan" nakayuko pa rin nitong sabi.

Base sa kilos nito ay siguradong matagal na ito dahil hindi ito nanginginig o hindi mo makikitaan ng takot. Bagay na hindi ko magawa sa ngayon.

"Hm, i know." Iyon na lamang ang nasabi ng prinsipe 'tsaka naglakad papasok sa isang napakalaking pintuan-- sa totoo lang ay mas malaki pa ito kaysa sa pintuan ng kwarto ng prinsipe!

Susunod na sana ako sa prinsipe nung biglang harangin ng mga guwardya ang kanilang braso sa aking harapan!

Gulat akong tinignan sila at tinignan rin ang prinsipe na hindi pa rin tumitigil sa kaniyang paglalakad!

"Pasensya na munit ang isang alalay kahit pa ito ay isang personal slave ng prinsipe ay hindi nararapat na pumasok at tumuloy sa dinning area kasama ang iba pang myembro ng royal family." sabi nung isang guwardya nung hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko!

Tumango ako 'tsaka umatras munit hindi ko pa rin inaalis ang paningin sa amo kong nakaupo na nang payapa sakaniyang upuan habang ang slave niya, eto.. Nakatayo lang sa labas!

Napanguso ako nung marinig ang pagtunog ng tiyan ko. Nakarinig pa ako ng tawanan kung kaya't halos maging kamatis na ang buong mukha ko dahil sa hiya!

"Pasensya na, hindi pa kasi ako kumakain." nakanguso kong ani.

Natawa naman ang isang guwardya na humarang sa'kin tsaka iiling iling na inilagay ang kaniyang kamay sa aking balikat!

"Huwag kang mag-alala dahil ganiyan talaga sa una. Pero hanggang sa nagpapatuloy ang pagsisilbi mo dito ay masasanay ka." Nakangiti niyang sabi. "Ako nga pala si edward, at ito ang kapwa kong guwardya-- si Diego." nakangiting pagpapakilala niya.

Ngumiti ako 'tsaka inilahad ang aking kamay. "Ako nga pala si josefina" sabi ko at iniabot naman ni edward ang kamay ko at sumunod naman si diego.

"Nag iisa ka yata? Bago ito ngayon ha." sabi nung diego.

"Ah, parang wala sa mood ang prinsipe nung pumili siya ng alalay e." iyon na lamang ang dinahilan ko dahil unang una ay hindi ko talaga alam ang dahilan at ang pangalawa? Wala na akong ibang madadahilan pa.

"Ganon ba? Aba, goodluck nalang sa'yo. Sobrang strikto niyang si prince finn na halos kahit unang araw mo ay hindi ka niya palalampasin." sabi ni Edward!

"Oo nga balita ko ngang kahit dadating ka palang ay sangkatutak na ang gagawin mo."

Nakataas ang kilay ko nung marinig ang huling sinabi ni diego!

'sa tingin ko ay hindi siya ganon kastrikto.. pinahinga niya ako at ang iyon ang una niyang inutos sa akin.' Sa isip isip ko.

Ngumiti nalang ako sakanila 'tsaka inabala ang sarili sa paglingon lingon sa kung saan saan.

Hindi ko na namalayan ang oras at maya maya ay nagsilabasan ang mga nakasuot ng toxido na nasa loob ng dinning area kuno.

Halos lahat ay napayuko kung kaya't inuyuko ko nalang din ang ulo ko-- ngunit hindi ko napigilan ang pagsulyap sa isa sakanila.

At kinabahan ako ng bongga nung biglang lumingon sa'kin ang isang lalaki na hindi ko alam ang pangalan kung kaya't iniiwas ko ang tingin ko tsaka tumingin na lang sa lupa!

"Eat first then go to my room. I have something to discuss with you." nagitla ako nung bigla kong maramdaman ang malamig na boses ng prinsipe sa aking uluhan!

"Masusunod, my lord." agad kong sagot na magalang ang tono.

Katulad ng sinabi ng prinsipe ay kumain muna ako munit hindi sa dinning area kuno kung hindi sa royal kitchen na itinuro sa akin ni Edward na narinig rin pala ang utos ng prinsipe.

Marami akong kasama roon munit ang iba ay halos hindi na ngumuya dahil sa sobrang bilis ng kanilang pagsubo! Meron pa ngang muntik nang mabulunan munit nagamay niya naman. At ang iba naman ay mabilis kumain munit ngumunguya naman.

Gusto ko sanang magtanong munit tila gahol din sila sa oras kung kaya't hindi ko na sila inabala pa. Sigurado kasi akong kaylangan nilang bilisan dahil mapapagalitan sila ng kanilang mga pinagsisilbihan kung papetiks petiks sila.

Halos lahat ay nagmamadali maliban sa'kin. Wala naman kasing sinabi ang prinsipe na dalian ko sa pagkain, hindi ba? Kung kaya't kumakain ako ng kumakain hanggang sa mabusog na ang tiyan ko sa sobrang dami ng kinain ko.

Minsan lang kasi talaga ako makakain sa bahay-- at halos dalawang subo lamang dahil marami akong kaylangang puntahang trabaho. Buti nga't nakita ko ang poster sa labas kung hindi ay sigurado akong hindi ako makakakain ng maayos ngayon.

Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko muna ang pinagkainan namin. Tama namin dahil sa kapos sa oras ng mga katrabaho ko ay hindi na sila nag abalang maghugas pa ng pinagkainan nila!

Kung kaya't dahil na rin sa hindi ko maatim ang iwanang hindi malinis ang kusina, ay napagpasyahan kong maghugas ng plato dahilan para pagbukas ng pintuan ng kwarto ng prinsipe at hindi pa ako nakakapasok ay matalas na tingin ang agad ang pinukol niya sa akin!

"B-Bakit ganyan kayo t-tumingin? M-Mayroon po ba akong kanin sa aking buhok?" mabilis kong kinapa ang mukha pati ang buhok munit wala naman kaya taka na akong napasulyap sakaniya!Mas tumalas pa ang tingin nito kung kaya't mas lalo akong napayuko!

"You're two and a half hours late." tiim bagang nitong sabi!

Nakagat ko ang aking labi at agarang lumuhod sa aking kinatatayuan!

"Paumanhin, my lord.. K-Kinakaylangan ko pong linisin ang kusina--"

"Did someone ordered you that you will wash the dishes?" putol nito sa'kin!

Mabilis akong umiling. "W-Wala po, my lord."

"Then did someone ask you a favor to wash the dishes?" tanong na naman nito at ngayon ay nakatayo na!

mabilis uli siyang umiling at napahawak na lamang sa damit ba suot niya dahil sa sobrang takot!

Narinig ko ang pag alis ng mga guwardya sa harapan ng kwarto ng prinsipe dahil siguro ay ayaw nilang madamay pa sa galit nito dahil kung isa lang siyang dragon? Siguradong naglalabas na ito ng apoy sa bunganga!

"Kung wala ay bakit mo kinakaylangan gawin ang isang bagay na hindi naman pala inuutos sa'yo?!" mas lalong lumakas ang boses nito dahilan para mapayuko ako lalo! "I'm your lord.And the only order that you should've obey is my orders!!"

Nagsitaasan ang aking mga balahibo sa leeg dahil sa sobrang gulat ko sa malakas niyang sigaw! Para na siyang galit na galit na dragon!!

"Remember this. You're my slave, even if your body aren't mine.. You'll do whatever i want you to do because I'm your lord-- Your boss, your highness." naging mahinahon ang boses niya.

Kagat labing tumango tango ako at hindi na nakapagsalita dahil sa sobrang takot!

"Now, stand up. I have something to discuss with you." biglang seryoso niyang sabi!

'discuss with me? eh ano pala itong ginagawa namin? Joke time lang ba 'to?!'

Inis kong iniangat ang tingin ko at gulat pa ako nung nakatingin pa pala siya sa'kin-- kung kaya't mabilis pa sa alas kwatrong umiwas ako ng tingin at tumayo.

Pinagpagan ko ang tuhod ko at huminga ng malalim bago muling sumagot. "Ano pong pag uusapan natin?" magalang kong ani na nakangiti.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height