Just obey me/C4 Kabanata tatlo
+ Add to Library
Just obey me/C4 Kabanata tatlo
+ Add to Library

C4 Kabanata tatlo

Josefina pov

Nakayuko ako't mahaba ang nguso dahil pinagagalitan na naman ako ng prinsipe!

"This, ilagay mo ito sa utak mo para hindi mo kalimutan." tumigil ito saglit 'tsaka tumayo sa higaan! "Wala kang masyadong libreng oras sa mansyong ito kung kaya't hindi ka maaring makipag usap o makipagkilala sa iba pang tauhan ng mansyon." seryoso nitong sabi dahilan para humaba ang nguso ko.

'pero kumakain naman siya nun--' naputol ang pag iisip ko nung magsalita ulit sya!

"Kahit pa kumakain ako nun." napakurap ako at napatingin sakaniya!

'Nababasa niya ba ang isip ko?' tanong ko sa aking sarili munit agad ring napailing at napayuko!

"Masusunod, my lord." ani ko.

"At huwag na huwag kang tutungo sa'kin tuwing kinakausap kita dahil ang pagtungo habang ika'y kinakausap ay isa ring kawalan ng respeto sa kumakausap saiyo!"

"munit dapat nakatungo ang isang alalay sa kaniyang amo dahil iyon ay isang paggalang na nararapat gawin ng isang alalay na katulad k--"

"Sino ba ang kamahalan mo? Ako o ang papel na 'yan?" putol na naman nito sa sasabihin ko!

"Ikaw, my lord." agad kong sagot.

"Then who you should follow? Me or that piece of paper?" salubong na kilay na tanong nito!

"Ikaw, syempre." nakanguso at kunot noong sabi ko. "Pero hindi ba't ang sumulat nito ay ang hari at reyna? Ang mga magulang mo rin ay ang siyang amo ko, my lord." dagdag ko.

Mas nagsalubong ang kilay nito dahilan para mapayuko akong muli!

"Ang galing mo talagang magdahilan 'no?" sarkastiko nitong sabi!Inilagay nito ang kamay sa bewang na para bang isang guro na nagpapaliwanag sa kaniyang studyante! "look, i have no time to repeat this so listen carefully.." anito. "I am your boss. I am the only one who you should follow-- not them or not anyone other than me. Got it?" dahan dahan itong nagsasalita munit ramdam na ramdam kong wala na itong pasensya kung kaya't mabilis akong tumango at umayos ng upo!

"Got you, my lord. Got you" tatango tango pang sabi ko munit mas lalong kumunot ang noo nya!

"Anong got you, got you? Tsk" rinig kong bulong nito pero hindi ko na iyon pinansin bagkos ay tumayo ako dahil nakakahiya naman kung ako ay nakaupo sa malambot na higaan habang ang boss ko ay nakatayo sa harapan ko, hindi ba?

"Ano po bang gusto nyong gawin ko para sainyo, my lord? Gusto nyo po bang linisin ko ang kwarto niyo? O labhan ang mga gamit--"

"Oh, yeah. I almost forgot." putol na naman nito sa'kin sabay may kinuha sa drawer niya at hinagis sa'kin! Buti nalang talaga at sanay akong sumalo ng kahit anong bagay kung kaya't mabilis kong sinalo ang isang folder na iniabot niya!

Kunot noong pinagmasdan ko ang folder na iyon 'tsaka iniangat ang tingin sa boss kong nakatingin rin pala sa'kin!

"Para saan 'to, my lord?"

nakita ko ang pagngiwi niya na para bang may mali sa sinabi ko kahit ang totoo ay wala naman!

"Tignan mo kaya ang loob para makita mo, 'no? Ginagamit ang mata upang malaman ang nasa loob, hindi bibig ang ginagamit." masungit na naman nitong sabi!

Napanguso nalang ako. "Munit bibig ang ginagamit sa pagtatanong, at bago mo pa muna buksan o tignan ang nasa loob ng isang bagay ay normal lamang na magtanong ka muna--"

"Whatever you say."

hindi ko na siya tinugon pa bagkos ay binuklat ko ang folder.

Binasa ko ang nakasulat sa pinaka taas at napagtanto kong schedule pala ito.

'teka, ano nga ba ang schedule?'

Iniangat ko ang tingin ko sa prinsipe munit wala na ito sa harapan ko bagkos ay nasa higaan na naman at nakahilata lang!

Bumuntong hininga nalang ako bago tignan ang iba pang nakasulat roon dahil nagbabakasakali akong may makuhang impormasyon upang maintindihan ang nasa folder-- at buti nalang ay mayroong tagalog na nakasulat roon.

Isa pala itong listahan ng mga nararapat naming gawin ngayong araw.

Lumaki ang mga mata ko nung makita ang nasa pinaka unang nakasulat sa listahan!

9:00 am : Meeting with Mr. Thompson for the business plans.

Agad akong tumingin sa malaking wall clock ng kwarto at napasinghap ako nung makitang alas otso na pala ng umaga! Napaka bilis talaga ng oras ngayon!

Mabilis kong nilapitan ang prinsipe at marahang inuyogyog! Nakapikit na naman kasi ito at tila natutulog!

"My lord, kaylangan nyo pong gumising! May schedule po kayo nang alas nwebe ng umaga." ani ko habang niyuyugyog pa rin siya!

Umungol lamang ito na tila ba ayaw magsalita at bumangon kung kaya't wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang hawakan ito sa braso at pwersahang hilain ito! Kahit sobrang bigat ay pilit ko siyang pinatayo-- at buti nalang nagtagumpay ako dahil pakiramdam ko, onting onti nalang ay mauubusan na ako ng hininga!

"Why are you touching me?!" mabilis pa sa alas kwatrong binitawan ko ang prinsipe munit hindi pa rin umaalis sa pwesto!

"Mayroon po kayong schedule ng alas nwebe kung kaya't kinakaylangan nyo na pong bumangon upang makaabot sa inyong pupunatahan." magalang kong sabi.

hindi ako nito pinansin at patumbang inihiga ang sarili sa higaan kung kaya't mabilis ko siyang hinawakan muli sa braso upang itayo!

"My lord kaylangan nyo na pong bumangon talaga! Hindi pa po kayo naliligo at maghahagol kayo ng oras kung hindi pa kayo babangon!" pagsasalita ko at pilit pa siyang itinatayo!

Pero tila wala lang iyon sakaniya dahil pretente pa rin itong nakahiga sa kama na parang wala sakaniya ang paghila ko!

"My lord, kaylangan nyo na pong bumangon!" ani ko habang hinihila pa rin sya patayo!

Narinig ko ang malakas niyang buntong hininga 'tsaka tumayo dahilan para mapaupo ako sa sahig!

"Tsk, I'll go shower na. You should wait me outside, or you should go to your room and wait me to get ready." utos nito.

Tumango ako at agad tumayo- pinagpagan ko ang aking sarili bago naglakad papunta sa pinto ng aking kwarto!

"Aasahan ko pong matatapos kayo sainyong paghahanda ng tatlompung minuto dahil kung hindi, ay siguradong mahuhuli kayo." nakangiti kong sabi bago tuluyang pumasok sa kwarto!

pumunta ako sa aking kwarto at humiga.

Ako yung tipo ng tao na sumusunod talaga sa skedyul na ibinigay. Ayaw ko yung taong hindi sumusunod sa skedyul na ibinigay sakanila. Dahil kahit nakatataas sila o nakakababa-- ang tinakdangvoras ay mahalaga. Roon mo kasi makikita kung talagang nirerespeto ka ng isang tao kung sinunod niya ang skedyul na binigay mo.

dahil sa pagkabagot sa kwarto ay napagpasyahan ko nalang na tumingin sa isang malaking binatana.

Noong makalapit ako roon ay tsaka ko lang napansin na maari pala itong buksan kung kaya't binuksan ko-- at napangiti ako nung maramdaman ang preskong hangin na siyang sumalubong sa akin!

Tinignan ko ang buong lugar atsaka ko lang napagtantong mayroon palang malaking bakod ang buong mansyon dahilan para nagmumukhang nasa ilalim ang lungsod. Marami ding puno, halaman at mga bulaklak sa likot at harap ng bakod na iyon.

Ngayon ay mas lalo ko tuloy nalaman ang pinagkaiba ng mayayaman sa mahihirap na katulad ko.

"Hoy. Lumabas ka nariyan, tapos na ako." nagising nalang ako sa pagmumuni muni noong marinig ko ang boses ng aking amo.

Mabilis akong naglakad papunta sa pinto at agad na binuksan iyon-- at halos matanggal ang panga ko nung makita ang kaniyang itsura!

Naka toxido pa rin siya munit ngayon ay kulay puti na! Nakataas rin ang buhok nito na mas lalong nagpabagay sa itsura niya-- at isa lang ang masasabi ko, mas lalo siyang naging mukhang kagalang galang sa suot niya!

"Huwag kang basta tumulala nalang diyan. Labas na, nandyan na ang helicopter." hindi ko naintindihan ang huli niyang sinabi pero tumango nalang ako at sumunod na rin sakaniya.

Sobrang ayos ng pagkakalakad niya dahil taas noo at deretso siyang naglalakad na tila nagpapahiwatig na 'ako ang prinsipe, magbigay daan kayo.' !!

Mabilis kaming sumakay sa elevator-- oo mayroon silang elevator dito dahil higit sa apat ang floor nito tapos mukhang maiinitin ang ulo pa ng iba.

"Ano ba ang helicopter, my lord?" tanong ko nung malapit na kami sa rooftop ng mansyon

kunot noong sinulyapan nya ako na para bang isang walang kwenta ang tanong na itinanong ko! "Iyon ay isang sasakyan na lumilipad sa ere." saktong bumukas ang pinto ng elevator kung kaya't nauna syang lumabas.

'lumilipad sa ere? Ibig sabihin ba ay may pakpak yon?'

Kibit balikat na lumabas na lamang ako ng elevator munit mabilis kong hinawakan ang laylayan ng suot ko nung mayroong malakas na hangin na bumulaga sa'kin pagkalabas na pagkalabas ko ng elevator!

Tila malaking ipo ipo iyon kung kaya't kinakabahan aking lumingon lingon sa paligid kung mayroon nga bang ipo ipo o wala!

"Ano pa bang ginagawa mo dyan?" rinig kong ani ng amo ko, munit hindi ko sya nilingon bagkos ay luminga linga pa rin ako sa paligid!

"S-Sa tingin ko ay mayroong hindi nakikitang ipo ipo sa l-lugar na i-ito, my lord.. " kinakabahan kong ani at doon lang tumingin sakaniya!

halos magkadikit na ang mga kilay nito dahil sa sobrang pagkasalubong! Kinabahan naman ako kung kaya't dahan dahang lumapit sakaniya munit nanatiling alerto sa paligid!

Mahirap na, baka bigla siyang ikutin ng hindi nakikitang ipo-ipo!

"Ano bang ginagawa mo?!" tila inis niya na namang tanong!

Napahawak ako sa sarili kong kamay na nakahawak sa laylayan ng suot ko at itinaas ang tingin sakaniya!

"Inaalerto ko lang ang sarili ko sa maaring mangyari, my lord. Napaka lakas ng hangin kung kaya't naiisip kong baka mayroong ipo-ipo sa paligid一"

"Are you dumb?or you're just stupid?!" tumaas na ang boses niya kung kaya't agad akong napatungo! "Literal na malakas ang hangin dito dahil nasa pinakataas tayo ng mansyon! Isama mo pang helicopter ang sasakyan natin kung kaya't malakas talaga ang hangin!" sigaw nya na!

mas lalo akong napatungo at hindi na nagsalita.

Mahigpit ang hawak ko sa'king laylayan dahil sa sobrang kaba! Para kasi syang maglalabas ng apoy sa bibig ilang sandali na lamang!

narinig ko ang ilang tikhim ng mga guwardya at katulad kong yaya na sumunod pala sa pag akyat dito kung kaya't mas lalo akong kinabahan!

"Patawad, my lord." agad kong ani pero hindi siya sumagot.

Naglakad na siya palapit doon sa isang helicopter daw na umiikot ikot ang nasa itaas na hugis electric fan!

"Dalian mo." utos nito sa'kin kung kaya't agad akong kumilos at sumunod sakaniya!

Napalunok ako nung makita kung gaano kataas ang aapakan mo upang makaakyat ka sa upuan ng helicopter! Lumingon lingon ako sa paligid at napansin kong nasa akin ang paningin ng lahat!

Napalunok ako 'tsaka sinubukang umakyat munit agad akong napapaatras!

"Ano ba?! Pwede bang pakidalian! Malalate ako sa'yo!" sigaw na naman ng mainiting prinsipe!

sasagot na sana ako nung biglang may lumapit sa aking guwardya at ilahad ang kaniyang kamay!

Noong tignan ko kung sino iyon ay si Edward palang nakangiti rin sa'kin! Mabilis ko iyong iniabot at inalalayan niya naman akong umakyat! Nung makaupo na ako ay lumingon ako sakaniya at ngumiti!

"Salam一"

"Tayo na." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa biglang pagsalita ng prinsipe! "Wear this." inabot nya sa'kin ang isang bilog na hindi ko alam kung anong tawag kung kaya't sinunod ko nalang kung paano nila iyon isuot sakanila!

lumingon uli ako kay edward at tinumbs up ang aking kamay upang magpahiwatig. tumango ito at iwinagayway ang kamay habang umaatras palayo!

"My lord, aalis na ba tayo一 WAAAHH!" napakapit ako sa aking upuan nung biglang lumipad ang helicopter! nalula pa ako nung bigla itong tumaas at gumalaw!

napapikit ako ng mariin at napahawak sa suot suot kong seatbelt!

'panginoon, pakiusap huwag po muna sana ninyo ako kuhain.. kailangan pa po ako ng aking mga kapatid.' hindi ko na maiwasan ang magdasal!

"First time? Tsh" hindi ko masyadong narinig ang boses nito, munit alam kong naasar na ito sa akin!

"I-Ito ang kauna unahang nakasakay ako sa ganitong sasakyan, m-my lord." batid kong nanginginig ang boses ko. "K-Kung kaya't ganito nalang ang reaksyon k-ko." napakapit ako lalo sa aking seatbelt nung naramdaman ko ang paggalaw ng helicopter!

Maraming mga negatibong ideya sa utak ko na pumasok lalo pa nung maramdaman ko ang paggalaw ng helicopter na tila ay liliko na kung saan!

"Tsh." rinig kong siring nito at maya maya pa ay nakaramdam ako ng kamay sa aking kamay na nakakapit sa aking upuan!

minulat ko ang aking mga mata at sinulyapan kung kanino ang kamay na iyon! at hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla akong nakaramdam ng ginhawa nung makitang pagmamay-ari iyon ng prinsipe!

"Don't think too much, ayoko lang na may mahimatay sa harapan ko." seryoso nitong sabi munit hindi sa'kin nakatingin!

Iniiwas ko nalang ang aking tingin at nakakagulat na hindi na ako kinabahan at naaalis ang lahat ng iniisip ko kanina.. At hindi ko mawari ang kabang aking nararamdaman,kung dahil ba ito sa takot ako sa matataas na lugar o dahil na ito sa kamay na ang nagmamay ay ang prinsipe. Iyon lamang ang nasa isip ko hanggang sa makarating na kami sa aming pupuntahan..

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height